Part 29
Rosley's POV
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng kiliti o paghaplos.
"Hey. Natutulog ako." Sabay takip ng unan sa mukha ko.
"Wake up! It's already pass 10. Haha." Natatawang sabi ng isang boses ng lalaki. Bigla kong inalis ang unan sa mukha ko at minulat ang aking mga mata.
"Zetrix?!" Napa-upo ako sa gulat.
"Ops... I'm not doing anything. I'm just waking you up."
Umayos ako sa pagkakaupo. "Tss. Pwedi ba, ang aga-aga ini-english mo na ako. May pasok ba?"
"Yes, but we're totally late."
"Buti naman. Bakit kaba kasi lasing kagabi? Tignan mo nga ang mukha mo. Haha." Napatawa ako sa mukha niya. Halatang bagong gising din siya dahil ang gulo ng buhok niya.
"E pareho lang naman tayo. Uhm... nahihiya kasi ako bumaba. Nahihiya ako kay Tita Ley. Dito ako natulog tapos lasing pa'ko kagabi. And it's a long story, nagkatampuhan lang kami ng nililigawan ko." Nakayuko niyang sabi.
"Hay naku, bata. Okay lang 'yun 'no. Siya pa nga nag-alaga sa'yo kagabi. Pero teka, may nililigawan ka? Bakit di mo sinabi sa'min?"
"Really? Kaya pala nakabihis na'ko ng iba." Napabuntong hininga siya. "I didn't tell anyone because it's not even their business after all."
"Ay, grabe 'to. Haha. Tara baba na tayo."
Tumango siya at nag-usap kami tungkol sa babaeng nililigawan niya. Remember? 'Yung nakabanggaan niya noon. 'Yung minura siya? Haha. Akalain niyo? 'Yun ang babaeng nililigawan ni Zetrix ngayon.
"Hahaha. Grabe. Hindi ako makapaniwalang magkakagustuhan kayo, e parang aso't pusa kayo nung una kayong nagmeet dun sa cafeteria."
"Ako rin nga hindi makapaniwala e. Baka nga ginayuma ako nun. She's really different from the other girls."
"Haha. Jusko. Inlove ka nga -" Hindi ko na natapos ang sasabihin. Kakababa lang namin ng hagdan ni Zetrix habang nagtatawan ng biglang tumambad ang mukha niya. Ang mukha ni Throne.
"Throne." Sambit ko.
"Anak! Alam mo ba, maagang pumunta dito si Throne. Susunduin ka sana papuntang school, kaso hindi ka pa nagising kaya hindi nalang din siya pumasok. Alam mo ba, tinulungan niya akong magluto. At ang sarap -"
Napatingin si mama sa aming tatlo. "Ay, Throne. Hindi ko pala nasabi sa'yong nandito ang kapatid mo. Teka, maiwan ko na muna kayo." At pumunta siya pabalik ng kusina.
"I can't believe it." Pagsasalita ni Throne. Tumalikod siya at mabilis na lumabas ng bahay.
"Teka, Zetrix. Puntahan ko lang ang kuya mo."
"I'm sorry. He misunderstood again." Malungkot na sabi ni Zetrix.
"Hindi mo 'to kasalanan, okay? Teka." Hinabol ko naman si Throne. Konting takbo ko palang e hiningal na 'ko.
"Throne!" Sigaw ko nung pasakay na siya sa sasakyan. "Makinig - " Biglang kumirot na naman ang dibdib ko kaya napatigil ako sa paghahabol at napaluhod. Nakita kong napatingin naman si Throne sa'kin at mabilis na bumalik.
"Rosley. Okay ka lang? Anong masakit? I'm sorry." Nag-aalala niyang sabi.
"Tumayo naman ako at nagpagpag ng damit. "Okay na'ko." Tinignan ko siya sa mga mata. "Throne, walang namamagitan sa'min ng kapatid mo. Nakita ko lang siya kagabi sa daan at lasing."
"Bakit?"
"Ewan. Basta 'yung sinabi niya nag-away sila nung nililigawan niya."
Sumilay sa mukha niya ang ngiti. "Hindi naman siguro kayo magkatabing natulog?"
"HINDI!" Agad kong sagot. "Syempre hindi! Ikaw lang kaya gusto kong makatabing matulog."
Lalong lumapad ang ngiti ng mokong. "Tara sa condo?"
"Heh! Baliw ka." Tapos ay niyakap niya ako at nagtawanan kami. "Pa'no 'yan? Absent tayo?"
"Siguro bumili ka nalang ng damit para sa christmas ball. Pauwiin mo nalang 'yang si Zetrix. Ako na ang sasama sa'yo maghanap ng damit."
"Sige."
Pumasok na ulit kami ni Throne. "'Yan, ang OA mo kasi Throne. Grabe ka maka-react. Haha." Natatawa kong sabi habang kumakain kami. "Ay grabe, masarap nga luto mo."
"Nagsalita naman 'yung hindi OA," Sabat niya. Ibinaling niya ang tingin kay Zetrix. "At ikaw Zetrix, 'wag ka na ulit maglasing. Pa'no nalang kapag hindi ka nakita ni Rosley? Pagkatapos nito ay umuwi kana."
"Sige."
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na si Zetrix. Kami naman ni Throne ay nagpunta sa mall at naglibot-libot sa department store upang maghanap ng dress. Nakalimang dress na ang nafit ko e walang nagustuhan parin si Throne. Choosy.
"Ne be yern. Pagod na 'ko magpabalik-pabalik sa fitting room!" Pagrereklamo ko.
"Oh ito!" May itinapon siyang damit sa'kin. Agad naman akong pumasok ulit sa fitting room.
Kulay white ang dress. As in fit na fit siya sa katawan ko, 'yun bang kita ang curves. Tube ito at above the knee.
"Throne." Tawag ko. Humarap naman siya at parang natulala. Ayie. "Tignan mo nga naman. Gandang-ganda siya sa'kin."
Ngumisi siya. "Araw-araw ka namang maganda sa paningin ko e, lalo na kapag ako ang pumipili ng suot mo."
Nagpigil ako ng tawa at napangiti lang.
*ring ring*
"Wait lang." Tinanggap ni Throne ang call. "Hello? Yes. WHAT? REALLY? Okay, okay. I'm coming." And he ended the call.
"Ano 'yun?"
"I'm sorry. I need to go. Nabayaran ko na din pala 'yang dress. Alam ko na 'yan din naman ang magugustuhan mo e. Take care, sweety," Hinalikan niya ko sa noo. "Ipapasundo nalang kita dito kay Zetrix. I love you."
"I love you too." At mabilis na siyang umalis. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang makalayo. Anong meron?
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii