21

356 14 1
                                    

Part 21

Rosley's POV

"Uhm - magsi-cr muna ako."

"Ha? Bakit father--este, Bryle? Malapit na daw sina Jeselle. Hintayin mo nalang ako. Nasa labas na daw sila."

"Hindi talaga e. Lalabas na talaga." Pagpupumilit niya pa.

"Ay. Iiwan mo 'ko dito?"

"Magc-cr lang talaga ako. I need to -"

"BES!" Sabay kaming napalingon ni Bryle nang dumating si Jeselle.

"Hi bes!" Bati ko pero bigla siyang napatigil sa paglalakad. Dahan-dahan siyang napa-upo sa sahig habang titig na titig kay Bryle. Ang OA lang ha. Type na niya agad si Bryle? Grabe, napaturn-on agad ni Bryle ang landi mode ni Jeselle.

"Bryle, meet -"

"Jeselle." Biglaang sambit ni Bryle kaya napatingin ako sakanya. Parang nakakita siya ng multo. Sinundan ko ang tingin niya na kay Jeselle patungo. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Uhm - magkakilala kayo?"

"No."-Jeselle

"Yes."-Bryle

Sabay nilang sabi. Kaya kumunot ang noo ko ng makita si Jeselle na tumayo at parang galit.

"So ganun?" Panimula ni Jeselle nang lumapit samin. "Kaya pala." Tumango-tango siya. "Ang sakit lang ha." Maluha-luha niyang sabi.

"A-anong nangyayari? Pinagsasabi mo Jeselle?" Nagtataka kong tanong.

"Siya ang ex-boyfriend ko bes! Siya si Vie! Lang'ya ka!" Bigla siyang sumugod kay Bryle at pinaghahampas ito. "Sa dinami-dami, ang bestfriend ko pa?" Hindi ni Bryle pinigilan si Jeselle. Hinayaan niya lang itong hampasin siya kaya ako na ang pumigil kay Jes.

"Bes! Tama na! Wala kang alam!" Sigaw ko nang hawakan ang kamay niya para pigilan.

Bigla niyang itinaas ang kilay niya. "Siguro nga. Siguro nga wala akong alam tungkol sainyong dalawa. Ni hindi ko nga alam na nagkamabutihan na kayo. Sabi ko na e. Na kapag makikilala ka niya Rosley ay ipagpapalit ka niya sakin. Because you're better than me Rosley."

"Hindi!" Kainis talaga! Eto 'yung sinasabi ko e. Na-misunderstood  niya lahat! "Walang namamagitan sa'min ni Bryle, Jeselle!"

"E bakit kayo magkasama ngayon?" Naiiyak niyang sabi. "Parang nagmumukha na'kong kontrabida. Sige, kung 'yan ang ikakasaya niyo. Hindi ko kayo pipigilan sa relasyon niyo."

"SH*T LANG BES HA? PWEDI BA? MAKINIG KA MUNA? WALA NGA KAMING RELASYON NI BRYLE! ALAM MO KUNG BAKIT NAKIPAGHIWALAY SA'YO SI BRYLE?"

"Dahil ikaw ang gusto niya?"

Tng*na lang ha. Bakit ba ang slow ng babaeng 'to? "HINDI!" Nabibwsit na talaga ako. "MAGPAPARI SI BRYLE KAYA SIYA NAKIPAGHIWALAY SA'YO!"

"WHAT?!" Gulat niyang reaksyon. "W-walang kayo?"

Sht you, Jeselle hanggang next life. "WALA NGA!" Naiinis kong sigaw. Napahawak ako sa dibdib ko dahil medyo kumirot ito. Hayst. Nakakahighblood talaga basta slow 'yung kausap mo.

"Oh geez. Sorry bes." Sabi niya sakin at lumapit kay Bryle sabay yakap. "Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin Vie?" Sabi niya habang nakayakap parin. "Akala ko nambabae kana e."

"I'm sorry, Jes. Ayaw kita makitang nasasaktan."

"'Yan ang problema sainyo e. Sasabihin niyo na ayaw niyong masaktan, pero puro pasakit naman ang ginagawa."

"Hugot!" Natatawang sigaw ni Zetrix kaya pinandilatan ko siya. Nanonood din pala ang batang 'to sa drama ni Jes.

"I'm sorry. Really sorry. Minahal din kita. Pero narealize ko na mas gusto kong ibigay ang bawat oras ko sa diyos."

"Banal na banal ah. Hindi naman kita mapipigilan." Tumawa si Jeselle.

"Bakit ka tumawa? Masaya kana?"

"Oo, masaya ako na kahit papano ay hindi mo pala ako ipinagpalit sa ibang babae. Akala ko kasi may iba ka kaya iniwan mo ako." Saad ni Jeselle nang humiwalay sa yakap.

"Ang daya nila 'no?" Biglang sabi ni Zetrix. Di ko namalayang nasa tabi ko na pala siya nakatayo.

"Bakit naman?"

"E kasi, sila nagyakapan tapos tayo hindi. Pa-hug nga!" Bigla niyang ibinuka ang mga braso niya para yakapin ako.

"Ayaw ko nga!" Sigaw ko at mabilis na lumayo.

"Sige na, Rosley! Yayakapin kita for kuya Throne!"

"Ihhh. Gusto ko si Throne talaga 'yung yayakap sa'kin!" Singhal ko.

Sumimangot si Zetrix sabay nguso kaya napatawa nalang ako.

My Over Acting Girlfriend [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon