Part 16
Rosley's POV
Bumalik ako sa school na luhaan. Walang-wala. Wala naman talaga e. Nilakad ko lang kasi mula airport hanggang dito. Wala nga akong dalang pera. Naiwan nga kasi dito sa school diba? Parang puso ko lang. Naiwan kay Throne. Sad life.
Umupo ako sa bench nang makapasok ako sa school ng may biglang sumulpot na paa sa harapan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nakita ko si... Bryle.
Nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti lang siya. Hindi ba siya nagalit na iniwan ko lang siya sa cafeteria?
"Bryle... I'm sorry. Hindi ako nakapagpaalam." Binigay niya ang bag ko. "Thank you."
"Okay lang." Umupo siya sa tabi ko. "Ba't parang malungkot ka?"
Dahil iniwan ako ni Throne. Natatakot ako na baka hindi na niya ako balikan. "Dahil baka singilin mo ako sa dami ng utang ko sa'yo." Lie.
Tumawa siya. "Wala ka namang utang e."
"I mean, 'yung pagkabangga ko sa'yo at pag-iwan sa cafeteria. Teka, may klase ka ba?"
"Oo e." Maigsi niyang sagot.
"Ow. Bakit hindi ka pumasok?"
"Kasi hinintay kita sa cafeteria."
Napayuko ako. Kahiya ka naman Rosley Franx Lopez.
"Ah ganun ba. Hindi ko naman sinabing hintayin mo 'ko." Sagot ko.
"Pero hindi ko alam na umalis ka. Kaya hinintay kitang bumalik sa table."
Wag kang ano Rosley. Hindi mo kaya makipagdebate sakanya. Hindi nalang ako umimik.
"Uhm - I'm Bryle Tyv Cruz, nice meeting you." He grinned.
"Ow. Yeah, okay," Napapa-english tuloy ako. "I'm Rosley Franx Lopez." I smiled back. "Ano pala ginagawa mo dun sa hospital?"
Hindi siya nakasagot agad. Ngumiti siya, "Just having a check up."
Ano ba yan. Lagi nalang 'to nakangiti e. Baliw. "Bakit ka pala nakangiti lagi?" I know. Stupid question.
"Hindi naman siguro illegal 'yun diba? Tsaka sinasanay ko lang ang sarili kong ngumiti. Alam mo 'yun? 'Yung nakangiti ka hanggang sa kahuli-huling araw mo."
Tinitigan ko siya ng mabuti. "Wa - wag mo nga akong takutin."
"Ha? Ano bang nakakatakot sa sinabi ko?"
"Nakakatakot kasing mamatay." Sagot ko.
"Eh lahat naman tayo namamatay." Tumingala siya sa madilim na langit. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Namatayan ba siya? "Sumilong na tayo."
Naramdaman kong may pumatak na tubig sa pisngi ko. "Ayaw ko." Sagot ko sakanya. Gusto kong mag-emote habang nababasa ng ulan. Kamusta kaya si Throne? Naiisip niya din ba ako? Ah, hindi pa siguro dahil hindi niya naman ako naaalala.
Bumuhos na ang malakas na ulan. May bagyo ba?
Ayan. Parang iiyak na naman ako. Mas mabuti nalang na dito ako umiyak dahil hindi mahahalata. Teka - tumigil ang ulan? Ah hindi,
Napatingala ako. Si Bryle na nakatayo habang may hawak na payong. Yumuko siya at magkalapit na ang mukha namin.
He wiped my tears using his thumb. "Cry it on."
Ayun. Napaiyak na talaga ako ng todo.
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Novela Juvenil"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii