Part 11
Rosley's POV
"Ros."
"Ros."
"Rosley, nak."
Napadilat ako. Kulay puti lang ang nakikita ko ng biglang may sumulpot na mukha. Si mama.
"Buti anak gising kana." Aniya ni mama na nakangiti pero napaluha.
"Ma?"
"Hmm?"
"Ma." Bigla akong nakaramdam ng kaba habang tinatawag ko si mama. May naalala ako. "Si Throne -" Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla kong naalala si Throne.
"MA! SI THRONE? NASAAN SIYA? LIGTAS BA SIYA? DAPAT OKAY LANG SIYA! HULI KONG NAKITA AY MAY LUMAPIT NA LALAKI AT NAKAMASK ITO, PINAGSUSUNTOK NIYA SI THRONE AT SA PAGTULAK NIYA - NATAMA ANG ULO NI THRONE SA BAKAL. S-SAAN SI THRONE?!!!" Parang naghe-hysterical na'ko. Nag-aalala ako ng sobra kay Throne.
Pero parang hindi naka-imik si mama. Nalungkot ang kaniyang mukha.
"Okay lang si Throne, nak." Saad niya pero malungkot parin ang mukha. "Nasa kabilang room siya." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.
Nagpatulong ako kay mama upang makapunta dun sa kabilang kwarto. Masakit ang braso ko pero gusto kong makita si Throne. Na okay lang talaga siya.
Kumatok kami pero walang sumasagot.
"Ma, pumasok nalang kaya tayo?" Tanong ko, pero hindi siya sumagot at tumango lang.
"Throne." Naluluha kong sambit ng makita ko siyang nakahiga at tulog sa kama niya. Thank God, he's okay.
"Sige ma, iwan mo na muna ako dito."
"Sigurado ka, nak?"
"Opo." Matipid akong ngumiti sakanya pero biglang kumirot ang pisngi ko.
"Oh nak? Ayos ka lang? Madami ang sugat mo sa mukha kaya wag kang masyadong malikot." Paliwanag niya.
"Ah... sige ma." Tapos ay lumabas na siya.
Ibinaling ko kay Throne ang tingin ko. Mahimbing siyang natutulog.
Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Mula sa maluwag hanggang sa humigpit ang pagkakayakap ko. Masyado ko siyang namiss. Pero, bakit ba nangyari ng biglaan ang lahat ng 'to? Debale, basta ay ligtas kami at maayos.
Kinuwento din pala sakin ni mama habang papunta kami sa room ni Throne na may nakakita samin nung dinukot kami. Tinrack din ang cellphone namin at nahanap kami. Ang huling putok pala na narinig ko ay ang pagbaril sa kay Yvonne. Sa binti lang naman daw siya tinamaan, nasa prisinto daw siya.
Hindi ba nila naabutan ang gumawa nito kay Throne?
"Throne." Sambit ko. "Buti nalang at okay tayo. Hindi ko kayang mawala ka sakin, Throne." Hinawakan ko ang kamay niya.
Gumalaw si Throne at halatang nagising. Napalingon naman ako ng narinig kong bumukas ang pintuan at pumasok ang tatay ni Throne.
"Bakit ka nandito?" Giit niyang sabi. "Kasalanan mo kung bakit 'to nangyari sa anak ko. Please, go away from him. Hindi kita gusto para sa kaniya." Diretsahan niyang sabi.
May kinalaman kaya ang Daddy ni Throne dito? Hindi naman siguro dahil alam niyang mapapahamak ang anak niya. At wala naman kaming ebidensya.
"Sorry po. Gusto ko lang makitang maayos ang kalagayan ni Throne at hindi ko po ginusto na mangyari 'to." Saad ko.
"Dad."
Sabay kaming napatingin kay Throne ng magsalita siya.
"Sino siya?"
-----
Vote 'n comment, dudes ^.^
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii