Part 39
Throne's POV
I froze when I heard what Zetrix said.
"Kailan daw?"
[Bukas pa ng tanghali sila makakarating.] Sabi ni Zetrix sa kabilang linya.
"But why? I'd told you to do everything!"
[Pero hindi naman 'yun agad-agad kuya! Galing pa sila sa ibang bansa. Babyahe pa. Makakahintay naman si Rosley diba?]
"Hindi!" Giit ko.
[Alam mo, pareho kayong OA!]
"No! Gusto ko lang na matapos na agad, Zetrix!"
"Anong nangyayari Throne?" Tanong ni Ros. Sumenyas lang ako na 'wait'.
[Ginagawa ko na nga ang lahat kuya! Bahala ka! Basta bukas ng tanghali pa daw sila dadating.] Then he hang up.
"Throne."
"Ros, bukas pa daw ng tanghali makakarating."
Rosley's POV
Parang bigla akong nakahinga ng maluwag. Parang hindi pa kasi ako ready na ngayon na ang operation. Kinakabahan ako masyado at hindi iyon maganda.
At dahil bukas pa naman ang operasyon ay tumayo ako sa wheelchair.
"Ros, saan ka pupuntan?" Hinawakan ni Throne ang kamay ko para pigilan.
"Tayo." And this time, ako na ang humawak sa kamay niya at hinila siya.
"Ros! Ros! Hindi ka pweding mapagod!"
"Throne, okay lang ako!" Tinaas ko ang braso ko na parang pinapakita ang muscle kahit wala naman. "Ayan oh! Malakas ako!"
He sighed. "Ang kulit mo." Kaya wala na siyang nagawa kundi ang magpahila.
Lumabas kami kahit naka hospital gown pa ako at naka tsinelas lang. Humanap ako ng pweding daanan papunta roon.
"Teka! Pinapagod mo lang ang sarili mo e! Ano bang hinahanap mo?" Bigla niya akong binuhat in bridal style.
"Basta! Ibaba mo nga ako!"
"Rosley!" Hay. Bahala ka. "Sabihin mo nalang kung saan ka pupunta!"
"Fine! Gusto kong pumunta malapit sa ilog, okay?" Malamig at sariwa pa siguro dun ang simoy ng hangin.
"'Yun lang naman pala e!"
"Oh bakit?"
"May daan papuntang ilog doon sa may garden."
"What?!" Nako naman.
"Oo." Tapos ay pumasok na naman ulit kami sa hospital. Wow ha. Hindi niya talaga ako binaba.
At nung makarating kami sa isang maliit na gate ay binaba niya na rin ako sa wakas. Doon kami dumaan at bumaba sa may hagdan. Tapos ay naglakad kami papuntang ilog. Humanap kami ng mauupuan at isang kahoy lang ang nakita namin. Tutulungan ko sana siya sa paghila hanggang sa gilid ng ilog pero ayaw niya naman.
"Oh, ayan prinsesa. Maupo kana." Aniya nito.
"Che!" Tumawa lang siya at sunod na umupo.
Ilang minuto na ang nagdaan na walang kibuan.
"Tahimik natin diyan ah. Ano? Mag-eemote ka na naman?"
"Hindi 'no!" Tumayo ako at lumapit sa tubig. "Hahahaha!" Pagtawa ko nung binasa ko siya ng tubig.
"Rosley!" Galit siyang napasigaw.
"Ble! Ble! Ble!" Tumakbo ako palayo sakanya kaya hinabol niya ako.
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Teen Fiction"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii