PART 7
Throne's POV
Alam niyo yung pinakamasakit? 'Yung pakawalan ang babaeng mahal mo. Alam ko, nasaktan ko siya, SOBRA. Pero may magtatanong ba kung ako nasaktan din?
Nandito ako ngayon sa room at sa tingin ng kaibigan ni Rosley sakin, alam kong alam na niya ang nangyari. Kakadismiss lang namin at eto ako. Iniinda ang sakit. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Sorry Rosley, pero para sayo din 'to.
"Throne." I snap back. "Let's go? Baka hindi magtagal si Rosley na EX mo," ini-emphasize niya talaga 'yung ex," At matunaw siya sa kakatitig mo."
"Please Yvonne, pati ba naman 'yan ipagbabawal mo? Ginawa ko na ang gusto mo - ninyo. Pero pwedi ba, sobra-sobra na 'yun."
"Fine." She rolled her eyes.
"SIGE! MAGSAMA KAYO!" Nagulat kami ni Yvonne sa sumigaw at napalingon. Si Jeselle kasama si Rosley.
I saw Yvonne smirked. Alam ko din naman na masamang damo si Ros kaya for sure hindi yan magpapatalo.
"Ha! Who wins? It's me!" Sabi ni Yvonne na hindi nakatingin kay Rosley. Halatang nagpaparinig.
"HAHAHA!" Malakas na tawa ni Rosley at kay Jeselle nakatingin. "Akala mo naman kung sinong maganda! Anak ng putek! E hindi nga umabot ang ganda sa kuko ko e, 'yung pagmamahal pa kaya ni ano?"
"Ni ano?" Nagtatakang tanong ni Jeselle.
"Ah basta! Ni kahit ano pa 'yan! HINDI KO NA KILALA E!"
For that, i was hurt. A LOT. I know, hindi ko siya masisisi. Wala siyang alam. Better not.
"OH THRONE! REALLY? OUR WEDDING WILL BE SOON AS POSSIBLE? THAT WAS AMAZING!" And she gave me a peck.
"Pwedi ba Yvonne? Tumahimik ka nalang." Pagsasaway ko. Totoo ang sinabi niya. Our wedding will be soon. After siguro ng graduation. And i will not let that happen.
"Rosley? Okay ka lang?" Nakita kong inalalayan ni Jeselle si Ros. Gustong-gusto ko na talaga siyang puntahan.
"HINDI!" Her loud voice almost caught all the attention of the students. "SINONG MAGIGING OKAY, KUNG ANG BOYFRIEND MO NILANDI NG ISANG AHAS? SINONG MAGIGING OKAY KUNG INIWANAN KA NA WALANG RASON? SINO ANG MAGIGING OKAY NA SA PAG GISING MO, HINDI MO ALAM KUNG PA'NO HARAPIN ANG BUONG ARAW NA WALA 'SIYA'?" And it hurts everytime i saw her tears fall down. "HINDI! HINDI AKO OKAY--"
"Ang sakit." Dugtong niya pa.
"Shhh. Tara na girl." Sabi ni Jeselle.
"Hindi - " Napahawak si Rosley sa dibdib niya. "Kumikirot na naman."
Napakunot ang noo ko. Anong kumikirot?
"Tara na nga." At inalalayan siya ni Jeselle paalis.
Hindi nawala ang tingin ko kay Rosley. Nag-aalala ako sa kaniya.
Pero hindi ko pweding sabihin ang dahilan. Mas--mas lalo siyang masasaktan. Mapapahamak.
-----
Vote and Comment :D
BINABASA MO ANG
My Over Acting Girlfriend [Completed]
Genç Kurgu"OA na kung OA, lampake" -Rosley Ps. Please, wag niyo na basahin. Nakakasakit at hilo po ito. 😂 haha. ©jeraldiii