Chapter 12

1.7K 60 4
                                    

Rhianna POV

"Ang sama sama kong tao para saktan siya. Ang sama ko." Iyak ko habang nakikinig sakin ang mga kaibigan ko.

After that horrible lunch encounter with Raine agad akong umalis at nakipagkita sa mga kaibigan ko. Ayoko ko munang gambalain si Chris dahil alam kong nagsasawa na siyang makita ako sa ganitong sitwasyon.

"Rhian tama na yan, siguro nga galit sayo si Raine pero mawawala din yun. Trust me." Sabi ni Sarah.

Silang dalawa lang ni Colleen ang hindi busy ngayon. Nagleave kasi si Sarah dahil sa condition niya at si Colleen day off niya. Nahihiya din naman ako kay Ellen, aside from being Strike's wife eh siya din yung unang tao na nakasaksi ng lahat simula nung umpisa. Nung college pa lang kami.

"That wont happened Sar. Galit siya sakin, nasaktan ko siya ng sobra sobra at hindi yun madaling kalimutan lang."

"Eh Rhin hindi mo din naman masisi si Raine eh, syempre nasaktan yung tao kasi minahal kang sobra kaya talaga masakit yun para sakanya." Sabi naman ni Colleen.

She's right. Pinaasa ko si Raine na hindi ko siya iiwan. Maybe i didnt made a promise but our love sealed it. No words can defeat the feeling of love.

"Colleen ano ka ba.. kita mo na ngang depress yung tao eh dinagdagan mo pa." Rinig kong sabi ni Sarah kay Colleen.

"Eh totoo naman eh, alangan naman magsinungaling pa ko. Beside being Rhian's friend syempre ipaunawa natin sakanya ang sitwasyong ginawa niya." Dahilan ni Colleen.

"Sar okay lang, tama naman si colleen eh." I said.

"Hay nako! Pasensyahan mo na alam mo naman stay strong sila niyang si Jolo eh." Sabi ni Sarah at hinalo yung siomai sa chocolate dip at cheese.

Ewan ko ba kung masusuka ako o ano. Ganyan ba siya maglihi? Yucky naman!

"Ah Sar, yan ba palagi mong kinakain?" I asked.

"Naku Rhin hindi lang yan ang kinakain niya. Minsan nga nakikita kong kumakain yan ng carrots na may toyo ang ketchup. Ewan ko ba jan." Colleen.

"Kayo din kaya mabuntis. Talagang tatawanan ko kayo sa paglilihian niyo." Sarah.

"If i know nawawalan na sayo ng pasensya si Ivan. Biruin mo Rhin nag away ba naman sila sa mall dahil lang sa paglilihi nitong babae na to."

"Bakit?" Tanong ko.

"Eh kasi naman nag grocery sila eh sinabiham ba naman si Ivan na buksan lahat ng pakwan sa fruit section para malaman kung may buto wala. My ghad! Kung ako lang ang asawa nitong si Sarah eh hinamabalusan ko na to ng pakwan." Kwento ni Colleen.

Natawa na lang ako sa naging reaksyon ni Sarah. Mabuti na lang pala at mahaba yung pasensya ni Ivan. Pero siguro dahil lang talaga mahal siya ng asawa niya kaya humahaba ang pasensya niya kay Sarah.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Siya nga pala nasabi na sainyo ni Ellen?" Tanong ni Sarah.

"Ang alin?" Colleen.

"Yung tungkol sa birthday party ng inaanak natin. Diba invited tayong lahat doon. Parang reunion na rin dahil since umuwi si Rhian." Sabi ni Sarah.

Birthday na pala ni Sky. Grabe akala ko talaga noon anak siya ni Raine eh. Kasi magkamukha talaga silang dalawa. Sabi ni Ellen noon pinaglihian niya lang daw si Raine kaya siyang ang kamukha. Halos nga daw mag away noon yung magkapatid dahil gusto ni Strike siya yung kamukha ng anak nila.

"Oo nga pala no. Nakalimutan ko kasi ying invitation ni Rhian sa bahay. Pinapaabot kasi ni Ellen. Hindi niya daw mabigay sayo dahil busy na siya kaya sakin na niya binigay." Sabi ni Colleen.

"Eh kailan na ba yun?"

"The day after tomorrow Rhin, sa bahay nila ni Trek." Sarah.

Sa susunod na araw na pala. Dapat yata ngayon na ako bumili ng regalo. Alam kong gusto ni Sky ng mga dolls. Naalala ko yung binigay ko sakanya sa hospital, sobrang natuwa siya dun.

"Uhmm guys mauna na muna ako sainyo. May pupuntahan pa kasi ako." Paalam ko sa kanila.

"Ha?! Eh paano yan darating si Ivan. Gusto ka din nung makita." Sabi ni Sarah.

"Naku sa party na lang Sar, atsaka mamaya baka may date pa kayo dito makaistorbo pa ko. Kaya ikaw colleen umalis ka na din." Biro ko.

Akmang tatayo na rin si Colleen nang bigla siyang pigilan ni Sarah.

"Hoy teka lang! Wag niyo kong iwan dito!" Reklamo niya samin.

"Naku Sar kaya mo na diyan maghintay. Parating na din siguro yang asawa mo." Sabi ni Colleen.

"Anong parating eh natutulog pa nga yata yun eh! Naku pag iniwan niyo ko dito talagang magwawala ako!" Sabi niya na agad naman umiyak.

Nataranta kami ni Colleen at mabilis siyang pinatahan.

"Sige iwan niyo ko hindi ko kayo kukuning ninang ng anak ko!" Iyak niya.

Napatawa na lang kami ni Colleen. My gosh Ivan! Anong ginawa mo sa kaibigan namin!?! Mahirap pa lang mabuntis tong babaeng to.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon