Chapter 31 - Rhiana POV

2K 70 14
                                    

Bale ito yung POV ni Rhian sa naganap sa Chaptet 30.

Her side of the story...

****************


Rhiana POV

Halos wala akong tulog buong gabi sa kakaisip. Ito na ba talaga to? Kaya ko silang harapin? Ang tanggapin ang bawat salitang bibitawan nila?

Siguro kay Raine makakaya ko, ilang beses na din naman kasi akong nagpaliwanag sakanya pero kay Deanne mukhang magkakaroon ng malaking tensyon.

"Kaya ko ba?" Bulong ko sa sarili ko.

Kahit gusto ko ng bumangon sa pagkahiga ay hindi ko magawa. Gusto ko ng tapusin ang lahat ng to pero natatakot ako sa kalalabasan ng lahat. Ayokong makasira ng isang relasyon na ako mismo ang dahilan kung bakit nabuo.

Napapikit ako ng mariin at napailing.

Hindi pwedeng hindi ko sila siputin. Tatapusin ko na ang problemang ito. Ayoko ng magkaroon ng konesyon sakanila. Ito na ang huli.

Wala sa sarili akong bumangon at ginawa ng morning routine ko. Hindi na din ako nag abalang magbreakfast pa dahil wala rin akong gana. Agad na lang akong umalis sa condo at napagdesisyunan kung sino ang una kong haharapin.


Pagkarating sa cafe ay huminga muna ako ng malalim bago bumaba ng kotse. Tumingin ako mula sa bintana at hinanap siya. Nakaupo siya malapit sa glass window at matiyaga akong hinihintay. Bumaba na ako ng kotse para haraoin siya.

Pagkapasok sa cafe ay binati ako ng guard. Nag order muna ako ng Coffee at Cinnamon Roll sa biglaang pagkagutom. Pagkatapos ay naglakad ako papunta sa meang inuupuan niya.

Ngumiti siya sakin at pinaupo sa bandang harap niya.

"Im glad you accepted my invitation." Sabi niya at uminom ng Tea.

"Nakakahiya naman kung hindi ako pumunta. Mukha kasing may gusto kang pag usapan."

Gusto kong icongratulate ang sarili dahil nakaya kong magsalita ng tuwid. Meron paring pangamba sa dibdib ko habang kaharap ko siya.

Ive never been this intimidate by a woman.

"Deanne, if youre thinking na may balak ako youre wrong." Simula ko.

Alam ko namang yun ang dahilan eh.

"Really? Well i thought it is."

"Actually nung i was thinking of taking him back but... but when i see how he became nd how he is totalky moved on i already placed myself out of him. Wala akong balak na sirain kayo." I explained.

Sandali siyang natahimik and sip the tea again.

"You know what Rhian, ive known Raine for almost 10 years."

Nagulat ako sa sinabi niya. 10 years??

"As you can see Raine is famous as an athlete since high school. I admit i was his stalker but i never tried to take a step on meeting him. Bilib ako sayo. You are that brave to confess on him."

"A-alam mo??" Gulat ko.

"Cmon Rhian every fan Raine has knows your love story. Even i didnt go to the same school alam ko pa rin ang nangyayari sakanya. My friends always told me about his college life and it broke my heart when you entered the picture."

Nanatili lang akong tahimik. Mas grabe pala ang naging impact sakanya ni Raine.

"Pero sino ba naman ako para tumutol diba. You became friends before anything else. Nakipagkaibigan ka sa mga teamates niya. Youre grandfather helped their team at higit sa lahat magbestfriend ang mga daddy ninyo. Ano naman ang panama ko doon diba?" Naiiyak na siya habang nagkukwento.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon