Chapter 5

1.8K 79 5
                                    

"Kamusta duty mo? Mukhang pagod ka ah?" Tanong sakin ni Ate sa skype.

"Okay lang ako ate, marami lang kasing pasyente ngayon dahil may Dengue outbreak." Sabi ko.

Halos kasi 50 na bata ang naconfined ngayon sa ospital dahil sa dengue at busy ang lab sa pagobserve ng platelet counts nila.

"Wag kang masyadong maggpagod jan ha. Siya nga pala hindi mo daw kinocontact sina Mama. Baka pag maluwag yung sched mo bisitahin mo din sila."

"Sige ate tutal pupunta naman kami ni Chris sa Iloilo the next few weeks para sa Org. kaya makakauwi ako satin."

"That's great! Mag ingat ka jan ha. Tell my hi to chris na lang. Sige may duty na ko. Love you sis."

"Sige ate ingat din. Love you too!"

At pinatay ko na ang skype.

I sighed.

Nakakapagod talaga ang araw na to!!!

Napangiti akonang makita ang doll na binili ko kanina. It is a precious moment doll. Sana magustuhan to ni baby girl.

Talagang ang pamilyar ng mukha niya. Parang nakita ko na noon. Hayy... siguro namimiss ko lang ang mga pamangkin at pinsan ko.

"Rhian!" Katok ni Chris.

Halata namang siya yun eh.

Pinagbuksan ko siya ng pinto att agad agad siyang pumasok.

"O anong nangyari?"

"Nakaschedule na yung pagpunta nain sa Iloilo for the Org. So be ready after two weeks." Masaya niyang sabi at kumuha ng wine sa rack.

Tss. Kaya madaling nauubos ang wine ko eh. Iniinom niya!

"That's good para naman makauwi ma ako samin. Namimiss ko na sina Mama."

Sa 4 years ba namang hindi kami nagkita at puro skype at call lang ang communication namin.

"Basta sasama ako ha! Miss ko na ang sariwang hangin."

"Psh. Talagang kailangan mo yun dahill puro kalawang na yang utak mo!" Biro ko sakanya.

"Nagsalita ang hindi."

"Tse!!!"

Trek POV

"Hi mom, dad! Namiss namin kayo." Sabi ko ng makita sina Mommy palabas ng Airport.

Nanggaling pa silang Iloilo. Ilang buwan na rin kasi since nung last na pagkikita namin.

Agad kaming lumapit sa kanila ni Ellen at niyakap sakanila.

"How are you two???" Mom asked.

"Were fine Mom, medyo puyat lang sa kakabantay kay Sky." Sabi ni Ellen.

"O kamusta na ang apo ko? Hindi oa ba siya nakakalabas ng ospital?" Tanong ni Dad.

"No dad, under observation pa po siya eh." Sabi ko.

"Eh sino ang nagbabantay sakanya sa ospital kung nandito kayo?" Mommy.

"Si Raine po Mom, sinabihan ko muna na siya ang magbantay kay Sky."

Alam kong may posibility na magkita sila dun ni Rhian. Pero pareho nanaman silang nakamove on diba?

Kasi ang alam ko si Raine nakamove on na.

Raine POV

(Ang hinihintay ng lahat!!!)

"Kuya nandito na ako sa hospital. Pakisabi na lang kina mom na hindi ako makakapunta." Sabi ko over the phone.

Dapat sana may date ako eh kaya lang peste tong kapatid ko at ginawa pa kong yayo ng pamangkin ko.

Pasalamat siya ang cute ang anak niya. Mana sakin!

Pagpasok ko sa room ni Sky ay nakita ko siyang naglalaro ng doll. Ang cute ng pamangkin ko!

"Hi Didi!!" Tawag niya sakin.

Kahit maysakit ang sigla parin niya. Para ngang walang dengue eh.

"Hi baby, how are you?" Tanong ko.

I kissed her forehead at umupo sa tabi niya.

"Im fine Didi, look oh ang ganda ng doll." Pinakita niya sakin ang precious moment doll niya.

"Yeah its beautiful, did daddy gave you this?" I asked.

"No po, its the lady who take my blood po."

Huh???

Sino naman yun?

"You will meet him didi, pupunta po siya dito. You know didi bagay po kayo hihi." Masayang sabi niya.

Ngumiti nanlang ako. Ang dami talagang alam ang pamangkin ko.

Knock~~ knock~~

"Didi it might be her." Sabi ni Sky.

Dahan dahan bumukas ang pinto kasabay din ng pagkawala ng ngiti ko.

Pakiramdam ko na stuck ako at this moment.

Parang naging posible ang isang imposible.

This cant be happening!

Rhiana POV

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto.

Kumatok muna ako dahil baka walang tao hanggang sa makarinig ako ng isang maliit na boses sa loob.

"Didi it might be her."

Mukhang kasama niya ang dad niya. Hindi ko alam pero parang kinakabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nang makita ko kung sino ang nasa loob ay mas lumakas ang kabog sa dibdib ko.

Halos nanlaki ang mga mata ko.

"Raine..."

Tama ba tong nakikita ko. Siya na ba talaga itong nasa harap ko?

"Hello po!" Biglang bati ni baby girl.

At dun ako nabalik sa huwisyo.

Kalma Rhian. Wag mong ipahalata na kinakabahan ka. Compose yourself!!!

Huminga muna ako ng malalim.

"Kamusta na ang pasyente ko? Did you like the doll?" Tanong ko at lumapit sa kabilang side ng bed.

Pilit kong hindi pansinin ang presensya ni Raine. Pinipilit kong hindi magpaapekto.

"Its beautiful, thank you po ulit!" Sabi ni Sky.

Ngumiti lang ako.

Pero parang mas nagsink in sakin ang lahat.

Anak ni Raine si Sky. Tinawag niya itong Didi kanina.

Parang nadutog ang puso ko. Kalma rhian. Tiisin mo muna ang sakit.

Binasa ko ang record ni Sky at humarap kay Raine. Hindi ko napansing nakatingin pala siya sakin. Halatang gulat din siya na makita ako.

Tatagan mo ang loob mo Rhian.

"Uhmm... Tumaas na ang platelet count niya. All she need is rest. Yung doctor niya na lang ang magsasabi kung kailan siya lalabas." Pilit kong dinideretso ang pagsasalita ko.

Para kasing anytime pipiyok ako.

Nakatingin lang siya sakin. Walang reaksyon. Hindi siya nagsasalita. Siguro galit parin siya sakin.

Binaling ko nalang ang atensyon ko kay Sky.

"Pagaling ka baby girl ha, wag mong pahirapan ang dad mo." Na EX ko!

"Opo, thank you po."

"Youre welcome. I have to go. Bye!" Sabi ko kay Sky.

Humarap ulit ako kay Raine na nakatingin parin sakin.

"S-sige." Yun lang ang nasabi ko sa dali nang umali.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay nag umpisa ng tumulo ang mga luha ko.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon