Rhiana POV
Ilang beses ko ng sinubukan pero hindi parin ako makatulog. Minsan napapaupo ako sa kama o di kaya ay tinitingnan ang orasan.
And again i check the time. Its almost midnight. Maaga pa kami bukas and yet i still dont know where are we heading. Ang sabi lang sakin ni Chris something very important daw ang pupuntahan namin.
I sigh deeply.
Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ni Raine.
"Oo Rhian. Sasaluhin kita."
"Oo Rhian. Sasaluhin kita."
"Oo Rhian. Sasaluhin kita."
"Oo Rhian. Sasaluhin kita."
Pinilig ko ang ulo ko. Argh! Stop it Rhian! Sinasaktan mo nanaman ang puso mo! Its nothing okay?!
Pero ano ba talaga ang ibig sabihin nung sinabi niya? This is so complicated!
Matapos ang ilang minuto ay napagdesisyunan kong lumabas muna ng kwarto para uminom ng kape. Siguro namam sa mga oras na ito ay tulog na si Raine.
Ngunit pagkalabas ko pa lang ng kwarto ko ay kabaliktaran ang nangyari. Sabay kaming lumabas mismo sa mga kwarto namin. Halata ding hindi siya nakatulog.
Pareho na lang kaming umiwas ng tingin.
"Ahmm.. naistorbo ba kita?" Tanong ko.
Baka kasi maingay ako or what.
"Uhh no. Iinom lang ako ng kape." Sabi niya at naunang lumakad patungo ng kitchen.
Jusko! Kung may malapit lang talagang starbucks dito hindi ako magkakape kasabay niya! Lalo lang yata akong hindi makakatulog nito eh!
Nang maabutan ko siya ay nakita kong nagtitimpla siya ng kape.
"H-hindi ka rin ba makatulog?" I asked.
"Hindi naman, tumawag lang kasi ng long distance ang girlfriend ko." Wala sa sarili niyang sabi.
Pakiramdam ko ilang milyong karayom ang tumusok sa puso ko pero ininda ko ang sakit. Instead lumapit ako sa kanya at gumawa din ng kape.
"Ah ganun ba." Sabi ko na lang.
Naalala ko noon. Nung nasa Singapore pa siya para magtraining palagi niya akong tinatawagan kahit na hating gabi just to check on me if im safe o kaya naman nakakain na or may sakit ako. I guess ganun din siya ngayon sa girlfriend niya. Ang swerte lang! Isang Xhan Raine Soriano ang boyfriend mo!
Pareho kaming umiinom ng kape sa mini dining. Tahimik lang kami pero agad din ako nagsalita.
"Ah Raine can i ask you something?"
Napatingin naman siya sakin.
"Ano yun?"
"N-nevermind.."
Natatakot lang ako sa kung ano ang isasagot niya sa tanong ko. Baka hindi ko kayanin.
"Cmon, spill it!" Pilit niya.
Nagdalawang isip muna ako bago iyon itanong. Dapat ko sigurong kayanin dahil kahit ano man ang sabihin niya ay hindi na nito mababago ang kung ano ang ngayon.
"Uhh, wala. Gusto ko lang malaman if... p-paano kayo nagkakilala ng g-girlfriend mo."
Sandali siyang natahimik. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ko yun natanong.
"But if you dont want to tell it okay lang. Sorry if i invaded your privacy." Deretso kong sabi.
Kung bakit ko pa kasi naiisipang itanong eh!
![](https://img.wattpad.com/cover/51580410-288-k721923.jpg)
BINABASA MO ANG
Back For You (TLG Book 2)
JugendliteraturAlam kong malaki ang naging kasalanan ko. Ive been stupid and selfish. Siguro dahil mas pinili ko ang pangarap ko at iniwan siya. Everything was perfect back then, likae a fairytale. But i didnt thought that it ended so soon. At ngayon na bumalik a...