Chapter 32

1.9K 71 5
                                    

"Tol okay ka lang?" Tanong sakin ng kapatid ko.

Kanina ko pa nga siya gustong bigwasan eh. May tao bang umiinom ng walang problema? Siguro yung mga tambay sa kanto but a guy like me. Tss...

"Siya nga pala kanina ka pa hinahanap ng sous chef mo. Hindi ka ba pupunta sa resto?" Tanong niya ulit.

Umiling lang ako.

Its been days... Siguro sa mga panahong to nakabalik na siya sa America. Hindi na ako nag effort pang habulin at pigilan siya dahil alam kong masasayang lang ang lahat. Ang magagawa ko lang ngayon ay tumunganga sa isang tabi habang iniisip kung paano ko pa ipagpapatuloy ang buhay ko.

I heard my brother sighed and sat next to me.

"Sinabi sakin ni Ellen. Sorry bro."

Tumungga ulit ako ng alak.

"Should i deserve this? Nak ng! Dalawang beses na to ah! Ilang beses ko ba dapat maranasang iwan ng babae?!" Singhal ko

Ang sakit lang eh. Kung sa mga teleserye lalaki ang nang iiwan, kahit sa mga pocket books pero bakit sakin iba. Ako yung iniiwan. Ako ang nasasaktan. Langyang buhay to oh! Nakakagago!

"Hindi ka naman iniwan eh kasi hindi naman kayo. Tol ipaalala ko lang sayo ha MAY GIRLFRIEND KA. At hindi si Rhian yun. Kung doon ka kaya magfocus at sa negosyo mo baka makatulong pa."

"Pero kuya hindi ko na alam kung mahal ko pa si Deanne eh. I mean i dont want to hurt her pero talaga naguguluhan ako." Nakayuko kong sabi.

"Takte tol! Eh tado ka pala eh! Malamang masasaktan yun gawin mo ba namang rebound. Tapos ngayon yung karibal pa niya eh ang babaeng mismong dahilan kung bakit naging kayo. Tsk.. tsk.. ayusin mo yan tol malaking gulo yan pagnagkataon."

"Eh anong gagawin ko? Gusto kong makipagbreak pero baka masaktan lang siya. I want to get back Rhian pero hindi ko magawa. Ewan ko. Ang gulo." Napasapo na lang ako sa noo.

"Eh magulo ka din kasi eh. Simpleng tanong lang naman yan tol, sino ba ang MAS mahal mo sakanila? Saan ka ba MAS sasaya?"

Bigla akong natahimim sa tanong ni Trek.

"Im happy when Deanne is around, she always makes me feel that im the greatest guys in the world. Any man will be lucky to have her. Maalaga siya at malambing."

"...But Rhian is my life. Wala ako sa kinalalagyan ko ngayon kung wala siya. Inaamin ko nagalit ako sakanya but that anger didnt let my love for her disappear. Kapag iniisip ko siya laging parang may race ang puso ko. Ang hirap huminga pero gusto ko kung ano yung nangyayari sakin kapag nakikita at iniisip ko siya.

Sandali kaming natahimik na dalawa.

"Grabe ka tol ang baduy mo eh simoleng tanong lang naman yun pero talagang inexplain mo pa." Reklamo niya at pailing iling.

"Basta tol ayusin mo muna ang kung sa alam mong dapat mauna. Saka mo na isipin kung babalikan mo ba si Rhian o hindi." Paalala niya.

Ngumiti lang ako at tinapik ang balikat niya.

"Thank you Kuya."

Rhiana POV

"Ms. Velasco the result of the autopsy has already arrived." My assistant told me.

"Thanks just leave it in my table." I simply said at lumabas ng lab.

I removed my gloves and mask when i entered the comfort room. I immediately exhaled and wash my hands.

Ang dami ko kasing ginawa ngayong araw lalo na at nagcomduct kami ng autopsy sa isang death case.

Its been weeks simula nung nakabalik ako. Im back on my job at lahat sila masaya na nakabalik ako. Si Ate naman last na lumipad sa London. Doon kasi siya inasign ng hospital nila kaya ngayon ako lang mag isa ang nandito. Hindi naman kasi ako pwedeng umalis dahil inaasikaso ko na yung papeles ko para maging American Citizen sayang naman kung palalagpasin ko.

"Hey you okay?" Tanong ng kasama ko.

"Yeah just exhausted." Simpkeng sabi ko.

"By the way someone is looking for you outside." She added.

"Alright."

Pagkalabas kong Comfort Room ay pumunta ako sa lobby. Nakita kong nakaprenteng umuupo sa couch si Chris. Wala bang trabaho ang lalaking to?

"Hi." Bati ko.

"Sorry hindi ako nagsabing pupuntahan kita."

"Okay lang kakatapos lang din naman ng trabaho ko. Bakit ka nga pala nandito?" I asked.

"Actually may importanteng sasabihin sana ako eh."

"Wow ha, hindi ba yan makakapaghintay? Pwede namang mamaya magdinner." Tawa ko.

"Nope, and im cancelling our dinner." He blurted.

"What?! Why?!"

Sayang naman oh! Balak ko pa namang magluto.

"Because ill meet Kaille's parents." He grinned.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Really?! Gosh! Im so happy for you Chris!" Masaya kong sabi.

Kaille is the girl she is dating for a few months. Half Filipino siya at dito na lumaki. Bagay nga sila ni Chris eh. Theyre perfect for each other.

"I know kaya canceled muna ang dinner natin ha. Dapat bumawi ka next time sakin." He said.

"Sige ba. And next time bring Kaille with you. Gosh! Im so excited!"

Napailing na lang siya.

"Kung ikaw naman makapagreact parang ikakasal ako. Chill Rhin baka maheart attack ka."

"Hmp! Oo na! Oh siya umalis ka na at may trabaho pa ako." Taboy ko sakanya. Agad naman siya umalis.

Napangiti na lang ako.

Mabuti pa si Chris, he finally met his match. Ako?? Hindi ko nga alam kung papasok pa ako sa isang relasyon eh o kaya maging single na lang ako forever.

Well, let us make the world decide for that. Who knows...

************

Rhian on the multimedia... Malapit na po itong matapos.

Maybe 10 chapters left. Hehe...

--- Series X

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon