Chapter 29

2.1K 74 25
                                    


Rhianna POV

Sa mga panahong ito parang gusto kong magpalibing sa ilalim ng lupa hanggang sa ubusin ng mga uod ang buong katawan ko. Pinipilit kong makatayo ng tuwid habang nanginginig ang mga labi ko. Mas napahigpit ang kapit ko kay Chris para makahugot ng lakas.

"R-hianna Velasco" mukhang gulat din siya nang makilala ako.

Sino ba naman ang hindi. Ako ang Ex ng boyfriend niya!

"Aheem... Shall we eat." biglang sabi ni Raine. Mukhang naramdaman niya ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni Deanne.

"Mabuti pa nga. I cant wait to taste to food." dagdag pa ni Chris.

"Y-yeah we should eat, marami kaming hinanda." sabi ni Deanne at agad na hinawakan si Raine sa braso papunta sa mesa.

I just sighed.

Para namang aagawin ko sakanya ang boyfriend niya. Siguro noon yung ang plano ko. Ang balikan si Raine, pero talo na ako. Hindi ko na siya ulit makukuha.

"Let's go?" napatingin naman ako kay Chris. Hinawakan niya ang kamay ko, halatang nag aalala siya sakin.

Bahagya lang akong ngumiti sakanya at tumango. Saka kami pumunta sa mesa ng pang apat.

Magkatabi kami ni Chris habang nasa harap ko naman si Deanne na kinakausap ang waiter na ihanda and mga pagkain. Tahimik lang kaming tatlo. Halatang kinakabahan din si Raine. Mukhang hindi siya makapaniwala na nasa isa kaming mesa ngayong tatlo, magkaharap. Ako na parte ng nakaraan niya at yung babaeng parte ng kasalukuyan at marahil pati ng panghinaharap.

"We prepared some European dishes tonight, I hope you like it." Sabi ni Deanne.

"Sure, si Raine ba ang nagluto?" tanong ni Chris.

"Ofcourse, Raine really put an effort to it. Right babe?"

Napakagat labi na lang ako. She is really sweet. Kung sa tutuusin she is really a girlfriend material. She is sophisticated and charming.

"Ah yeah.." nakita kong ngumiti si Raine ng matamis sakanya. They really look inlove.

"Rhian right, so youre a med tech?" biglang baling sakin ni Deanne.

I tried to give my best smile.

"Yeah."

"Sa San Felipe ka din naggraduate right? What batch?" she asked.

"Uhmm four years ago.." teka bakit ito ang mga tinatanong niya sakin eh mukhang alam niya na naman. Is she holding grudges towards me?

"Oh yes, magkasunod pala kayo ni Raine and you had a thing before." She blurted.

"Deanne." Suway ni Raine.

"Don't worry I don't hold any grudges, besides matagal nay un diba, we all moved on. Right Rhian?" she asked.

Sandali akong natahimik. Move on? Siguro. Nakalimot? Ewan ko. Nawala ang pagmamahal? Imposibe.

Napasulyap ako kay Raine na nakatingin din sakin with his apologetic face.

"Oo naman. Matagal na yun." Simpleng sabi ko at uminom ang tubig.

Napatingin din sakin si Chris pero ngumiti lang ko.

"Chris ilang taon na kayo?" biglang tanong ni Deanne na ikinataka naming.

"Excuse me?" Chris.

"I mean kayo ni Rhian, diba kayo na?"

Halos naman mabulunan naman ako sa sinabi niya. My goodness! Chris is my bestfriend!

"Were bestfriends Deanne, hanggang dun lang yun." Sabi naman ni Chris.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon