Flashback
"Rhian, are you okay?" Tanong sakin ni Ate.
Its been almost a year simula nung tumira ako dito sa LA kasama ang ate ko. Almost one year din simula nung iwan ko siya.
Agad kong pinunasan ang mga luha ko at hinarap si Ate.
"W-ala ate... n-amiss ko lang sina Papa." At si Raine...
Ngumiti Ate at niyakap ako.
"Miss ka na din nila Rhian. Dont worry kasi kahit malayo sila, they still love us. Kaya nga tayo nandito diba para sa kanila." Sabi ni Ate.
Mas lalo akong napaiyak. Naging tama ang desisyon kong iwan siya nang dahil sa pangarap ko pero masakit dahil sa lahat ng bagay siya ang sinakripisyo ko.
One year passed...
Naihulog ko ang basong hawak hawak ko. Agad akong natigilan sa natanggap kong email galing sa Pilipinas.
Its from Sarah.
'Bads news girl... He found someone new.'
Agad na naggsiunahan sa pagtulo ang nga luha ko. Talagang kinalimutan niya na ako. Hindi na niya ako mahal and its my fault!
"Rhian what happened?" Nag aalalang tanong ni Ate.
Hindi ko siya sinagot at mas lalong umiyak. Napatakbo ako sa kwarto ko at nagkulong dun buong araw.
Akala ko may pag asa pa para samin pero wala na pala. May mahal na siyang iba.
.
.
"Rhian open the door, malelate ka na sa internship mo." Katok ni Ate.
Its been two days simula nung malaman kong may iba na si Raine. Alam kong alam na din ni Ate ang lahat.
Narandaman kong binuksan ni Ate ang pinto. May spare key kasi siya.
Lumapit siya sakin at tumayo sa tabi ko. Pareho naming pinagmamasdan ang kagandahan ng Downtown LA.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"Po??"
"Yung nangyari 2 years ago bago ka pumunta dito."
Napayuko ako.
"Nagtanong ako kay Mama about sa inyo. Sana sinabi mo sakin." Malumanay niyang sabi.
"Sorry ate." I apologized.
"Rhian kapatid kita at alam mong kung kita kamahal. Maiinti dihan ko naman eh kung hindi mo susundin ang pinag usapan. You have your own life and its your choice how to deal with it."
Napaiyak ako sa sinabi niya.
"P-ero ate ayokong madisappoint ka... Simula nung bata pa tayo pinangarap natin to at gusto kong matupad yun." I sobbed.
"Rhian hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin minsan nag iiba din ang pananaw natin sa buhay that make us think of new goals to reach. Sayo na lang yun kung saang daan ka tatawid."
Agad kong niyakap si Ate.
"Sorry ate... ang sakit eh. I love him."
"Sorry din Rhian. Kung alam ko lang sana, hindi na kita pinapunta dito." She apologized.
End of flashback
"Rhian bilisan mo na jan malelate ka na!!" Sigaw sakin ni Chris na naghihintay sa sala.
"Teka lang kasi!" I hissed.
Sino ba kasi ang nagsabing hinatayin niya ako?! Wala naman diba?!
Dali dali kong sinuot ang Charles Keith Pumps ko at lumabas ng kwarto.
"Ang tagal mong magbihis." Reklamo niya.
I rolled my eyes at him.
"Edi sana nauna ka! May sarili akong sasakyan!"
"Ah, so pagcocommute mo lang ako ganon? Paano kung kidnapin ako nga mga bakla sa daan edi kargo konsensya mo pa!"
"Ewan ko sayo!" Inis kong sabi at lumabas na lang ng unit ko.
Sumunod naman siya sakin at sumakay sa elevator. Hindi pa kasi dumating ang binili niyang sasakyan kaya kotse ko muna ang ginagamit niya. Pasalamat siya at bestfriend ko siya kung hindi talagang sasakay siya sa jeep!
"Oh ikaw na magdrive." Sabi ko at binigay sakanya ang susi. Chevi Vios na bagong model kasi yung nabili ko. Yun lang kaya ng budget ko eh, alangan naman ubusin ko ang inipon ko sa LA diba.
"Ayos ah instant driver mo ko."
I glared at him na lang at sumakay sa kotse.
After ng heavy traffic na palaging problema ng Pilipinas ay nakarating din kami sa hospital na pagtatrabahuhan ko. Its my first day kaya dapat hindi ako late.
"So gamitin ko muna car mo?" Tanong niya.
"As if naman may choice ako diba?" Pagtataray ko.
"Just text me kung susunduin kita."
"Okay." I replied.
He kissed my forehead at bumaba na ako ng kotse. Ganun talaga kami ni Chris kahit noon pang nasa LA kami kaya nga minsan napagkakamalan kaming couple eh but we deny it lalo na ako.
Kasi kahit anong gawin ko. Hindi pparin ako makamove on.
BINABASA MO ANG
Back For You (TLG Book 2)
Roman pour AdolescentsAlam kong malaki ang naging kasalanan ko. Ive been stupid and selfish. Siguro dahil mas pinili ko ang pangarap ko at iniwan siya. Everything was perfect back then, likae a fairytale. But i didnt thought that it ended so soon. At ngayon na bumalik a...