Rhiana POV
Tahimik lang kami habang bumabyahe pabalik ng San Francisco. Napagdesisyunan namin ni Raine na siya na lang muna ang magmaneho dahil pagod ako.
Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa semento sa mga pinagsasabi ko kanina. Haisxt! Kainis naman oh!
Habang bumabyahe pabalik ay yun din ang unti unting paglubog ng araw. Mas lalong maganda ito kapag nasa beach kami para mas makita ang kabuuan ng sunset.
"Rhian..." natauhan ako sa tawag ni Raine.
"U-uhm bakit?"
"Kanina pa kita tinatanong, yung daan papaunta sa beach."
Aist!!! Kanina pa pala ako nagdedaydream eh! Bad Rhian!
"Ah eh ideretso mo na lang." Wala sa sarili kong sabi.
Nang makarating kami sa beach ay isang napakagandang sunset ang bunungad samin. Agad ako umakyat sa sea wall at umupo para pagmasdang mabuti sa sunset.
"Ang ganda nga."
Ngumiti lang ako ng patago sa sinabi niya.
"Alam mo kung ano ang naaalala ko dito?" Tanong niya.
Mas napangiti ako.
"Yung GarinFarm?/ The Garinfarm." Sabay naming sabi.
Yun yung time na sinagot ko siya. Pasekreto pa nga naming ginamit yung kotse ni Strike noon eh.
"And also yung nasa Bearland." Dagdag pa niya.
"Talagang naaalala mo pa yun ha. Ang tagal na nga nun eh. Parang ang bilis lang ng panahon no. Its been what? 8 years?"
"Yeah 8 years. And still everything feels like it just happened yesterday."
He sighed.
"Kung sana tulad parin tayo ng daumti noh."
Napatingin ako sakanya.
"Tapos na yun Raine, everything has been done. Lets just... work on what we have right now." And with that i saw him smiled.
Oh shit! Ano ba tong pinagsasabi ko?! What the hell Rhian! Baka kung ano ang isipin ng lalaking to eh!
"Ah i mean uhm. As friends! Yung katulad nung freshmen pa lang ako alam mo yun. Yung tinuturuan pala kita ng Chemistry kasi bumagsak ka ganoon--"
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"I missed you Rhin. So much." Sabi niya.
Napangiti na lang ako.
"Ako din namiss kita. Namiss ko yung dati." Sabi ko.
Kung sana pwede lang maibalik ang lahat.
"Well ikaw na mismo ang nagsabi. We just have to work on what we have right now." Inulit niya yung sinabi ko.
Nahampas ko siya sa braso. Nang aasar nanaman to eh.
Naramdaman ko na lang na hinalikan niya ang noo ko. At ang sarap sa pakiramdam.
------------------
"So paano ba yan tapos na yung tourguide duties ko." Sabi ko nang makarating kami sa apartment.
"Oo nga eh. Thank you for everything."
Ngumiti na lang ako.
"Gusto mo bang maglunch muna, ill cook. Pero wag kang umasa na mas magaling akong magluto kaya pagtiisan mo na lang."
Napatawa naman siya sa sinabi ko.
Magsasalita na sana siya nang biglang..
"Rhian."
Pareho kaming napalingon at doon namin nakita si Chris na gulat na nakatingin samin.
"Hi Rhian!" Nabaling naman ang tingin ko sa likod ni Chris. Its Kaille.
"Kaille. Oh my gosh!" Agad ko siya niyakap nang makalapit siya sakin.
"What are you two doing here?" Tanong ko.
"Well were here to... aheem who is he?" Tanong ni Kaille na nakatingin kay Raine.
"Ah eh. Kaille si... Raine."
"Ooh is this him?! My gosh! Chris is right, you two look great together. Nagkabalikan na ba kayo--"
"Uhm why dont you two go inside and we'll talk later, okay."
Agad namang hinila ni Chris si Kaille papasok sa bahay ko. Tsk! Lagot talaga sakin si Chris! Kung ano ano ang pinagsasabi kay Kaille eh!
"Uhm i believe she is the soon to be wife." Sabi ni Raine.
"Ah eh oo siya nga. So you want to join us?"
"Maybe next time. Ill see you soon Rhin." Sabi niya.
Paalis na sana siya nang biglang tinawag siya nk Kaille. May binigay itong card kay Raine.
"I hope you can come Raine. It will be in Tahoe this Sunday. You can come with Rhian. Ill see you there." At agad ding pumasok ulit sa bahay si Kaille.
Wait lang... tama ba yung narinig ko? Thus sunday na yung wedding nila?! Langya tong si Chris ah! Hindi man lang sinabi sakin!
I again wave a goodbye to Raine at pumasok na din sa bahay. Nakita kong busy si Kaille sa kusina ko habang si Chris naman prenteng nakaupo sa couch.
Wow ha. Bahay nila?
"You have a lot of explaining to do Rhin." Matalim na sabi ni Chris.
Napanguso naman ako at naupo na din sa tabi niya.
"Chris naman."
"Anong Chris?! So kayo na ulit ni Raine, ganon? Hindi mo man lang sinabi." He rolled his eyes.
"Eeeh Chris naman. Hindi kami nagkabalikan no! Nagkita lang kami few days ago sa downtown at sinamahan siyang mamasyal sa San Francisco." I explained. Grabe naman to. Para akong bata na ineinterogate ng parent.
"Maniwala ako sayo. If i know kinidnap mo siya at tinanan-- aray! Rhian ha!" Binatukan ko kasi.
"Ewan ko sayo! At ano itong sa linggo na pala yung kasal niyo at bakit sa Lake Tahoe ang venue ha?! Hindi mo man lang sinabi sakin!"
"Eh paano kahapon pa kita hinahanap wala ka. Akala nga ni Kaille kung naglayas ka na eh."
"Tse! At bakit naman kayo nagmamadalung dalawa aber? Akala ko ba next month pa yung kasal niyo? Dont tell me... Kaille are you pregnant?!"
Nashock naman si Kaille sa sinabi ko.
"N-no.."
"Hoy wag kang OA Rhian ha! Pwede namang walang dahilan o gusto lang naming makasal agad."
"Eh pasensya naman noh, akala ko naman kasi magiging ninang na ko."
"Pwes nagkakamali ka, matagal pa yun."
"Basta Rhian ha, youll come with Raine." Sabi ni Kaille.
"So now that Raine is here, may balak ka bang makipagbalikan sakanya?"
Natahimik lang ako sa tanong ni Chris. Kasi kahit ako hindi ko din alam kung tama ba tong lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/51580410-288-k721923.jpg)
BINABASA MO ANG
Back For You (TLG Book 2)
Teen FictionAlam kong malaki ang naging kasalanan ko. Ive been stupid and selfish. Siguro dahil mas pinili ko ang pangarap ko at iniwan siya. Everything was perfect back then, likae a fairytale. But i didnt thought that it ended so soon. At ngayon na bumalik a...