Chapter 40

2.3K 90 17
                                    

Rhiana POV

Nagbabasa ako ng mga reports kasama ni Doctor Ambers nang biglang pumasok ang secretary ko sa opisina na nakangiti.

"What's with the smile Fille?" Takang tanong ko.

"Someone wants to see you doctor." She grinned even more.

Napangiti din si Dr. Ambers.

"Who?"

"He said he is one of your greatest friend who doesnt love foul inside the court and shoot ringless like Curry."

Halos matawa naman ako sa sinabi ni Fille. Parang alam ko na yata kung sino ang tinutukoy niya.

"Dr. Ambers is it okay?"

"I understand, maybe we should continue this some other time." At tumayo na siya.

"Enjoy your date Dr. Velasco." At umalis na siya. Napailing na lang ako.

Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas ng opisina. Napansin kong halos lahat ng med techs ko ay nakatambay sa front desk ng Clinical Lab. Well okay lang naman kung wala silang ginagawa.

Pero nagulat lang ako nang makita na si Raine pala ang tinitingnan nila.

"Aheem, what is it everyone?" Tanong ko sakanila.

"Oh, hi doc."

"Hello Doctor."

"Oh Doctor! Youre here."

Bati nila sakin. Nakita ko namang napatingin si Raine sakin at ngumiti kaya lumapit ako sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked.

"Uhm visiting you. Bawal ba?"

"To be honest, it is against the hospital policy."

Hindi ako nagjojoke ha. Bawal naman talagang tumambay sa loob ng clinical lab. This place is full of different microorganism dahil sa mga ginagawa namin kaya bawal talaga.

"Oh right, sorry i forgot. You want me to waut outside?" Paalis na sana siya.

"Nako wag na, paalis na din naman ako eh." Sabi ko.

"Bye everyone!" Paalam ko.

"So why are you here? Yung totoo." Hindi naman kasi ako convinced na binisita niya lang ako.

"Alright, i want to invite you for dinner near Venice beach. Napag isipan ko kasi bumawi you know for the SanFo and Napa tour."

"Talagang pinag isipan mo yan ha."

"Syempre naman, so lets go?" Tapos umakbay siya sakin.

Natawa na lang ako.

Infairness sa lalaking to at nagpapakagentleman. Siya na mismo ang nagdrive papunta sa Venice at hindi siya nagtanong ng directions ha! Kinabisado talaga.

"Its my treat so order whatever you want. Sky is the limit." Sabi niya nung binigay sakin ng waiter nmyung menu.

We are in a Seafood Restaurant which is my favorite.

"Ill have some Crab Cake and Caesar salad." Sabi ko.

"Lobster Salad and Clam Chowder." Order naman ni Raine.

"So youll attend the wedding?" I asked.

"I dont know, pwede ba?"

"Eh bakit sakin ka nagpapaalam?"

"Baka kasi ayaw mo ko doon, i dont know."

Gusto kong tumawa sa sinabi niya.

"Loko ka talaga. Eh hindi naman ako yung ikakasal eh, si Chris." Sabi ko.

Back For You (TLG Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon