Rhiana POV
Huminga muna ako ng malalim and took a last glance in the mirror bago bumaba sa kotse ko.
'Relax ka lang Rhian, sandali lang to. After this hindi na kayo magkikita'
Bumungad agad sakin ang napakalaking gusali kung saan ngayon si Raine. Agad akong pumasok dito at hinanap siya sa lobby.
I saw him sitting while reading a newspaper. Mukhang kanina pa siya naghihintay. Talaga kasing sinadya kong magpa late baka sakaling mainis at hindi na lang kami matuloy. Mas maganda yun!
Nakatingin ako sakanya ng biglang tumingin siya sa gawi ko kaya agad akong umiwas.
"Finally youre here! Glad you make it!" Lumapit siya sakin.
"Aheem...sorry i got stuck in traffic." Nasabi ko na lang para mawala ang awkwardness.
"Its okay, so lets go?" He grinned.
Sumunod lang ako sakanya palabas ng hotel.
"Saan mo gustong pumunta? Siguro naman nasearch ko ang pwedeng mga puntahan dito."
"Hmm... what about golden gate."
Halos matalisod ako sa sinabi niya.
"Or Palace of Fine Arts, napa valley perhaps."
"Seryoso ka ba?! Raine nasa Los Angeles po tayo no hindi San Francisco." Sabi ko.
Aba anong akala niya sakin pupunta lang ng SanFo basta basta. Ang layo kaya nun!
"So? Edi puntahan natin. Halika na." Tinapik niya ang balikat ko sabay punta sa parking lot.
Wow ha! Parang alam niya kung saan ang kotse ko ah.
"Hoy Raine! Habol ko sakanya.
"Baliw ka ba?! San Francisco is like 6 hours trip. Wala akong balak mamanhid sa pagdrive no. And beside saan naman tayo titira don aber? Bakit may kilala ka ba doon?"
"Fine, edi ako ang magmamaneho ituro mo na lang ang daan. Besides there's a lot of hotels to stay there." Depensa niya naman.
"Grabe ka din ano, ang dali lang sayo. So ano ililibre mo ko ng hotel at pagkain? Tapos gas ng kotse ko? Hoy! Wala akong pera ha!" Sabi ko sabay hinto sa harap ng kotse ko.
"C'mon Rhin you also need to loosen up for a while you know go to a road trip no problems to think. Im sure matagal ka ng hindi nakakapagrelax and wag mo kong lokohin jan i know you have high salaries that cost almost a million pesos a month."
Kinuha niya sa kamay ko ang susi ng kotse at saka pumasok doon.
Nairap na lang ako.
Pero inferness ha may point siya. Since when did i get to relax? After ko naman kasing matapos sa pathology degree ko eh trabaho agad ako kaya talagang matagal na since i have my relaxation like roadtrip.
Wala na rin naman akong nagawa at sumakay na sa kotse.
"Now show me the way." He blurted.
"Oo na deretso mo lang." Sabi ko.
And the roadtrip begins!!!!
~*~
Kasalukuyan na kaming tatlong oras na bumabyahe. Okay lang naman kasi masaya din kahit papano. To be honest hindi nakaramdam ng awkwardness sa ilang oras naming byahe.
"So where's next stop over?" Tanong niya.
"Stop over nanaman? Nakastop over na tayo kanina ah, baka naman mamaya ganihin na tayo sa daan niyan."
Akala niya naman siguro sa susunod na bayan na lang eh SanFo na. Duh! Malayo pa kaya kami.
"Ano ka ba Rhin wag kang OA its only 12 noon. At dapat maglunch muna tayo, im starving."
At yun nga ay naglunch kami. Mabuti na lang at may nadaanan kami isang restaurant sa gitna ng daan. Hindi ko naman kasi kabisado ang mga lugar dito eh sadya lang talagang may directions papunta sa San Fo. Hindi naman kasi ako lakwatsera.
"Alam mo ang tagal ko ng hindi nakakapunta sa SanFo mga three years na yata eh." kwento ko habang kumakain ng burger.
"Bakit naman, there's a lot of amazing places here. Pero syempre walang makakatalo sa Pilipinas."
Napatawa ako.
"Mismo, pumunta sa lang sa beach o kaya sa mga waterfalls masaya na. Atsaka walang naman akong time na mamasyal eh, masyado kasi akong busy sa trabaho lalo na at hindi basta basta yubg ginagawa ko." Sabi ko sabay kain ng fries. Sensya gutom lang.
"You know what, i miss this. Alam mo na, yun bang chill lang tayo wala awkwardness. Tulad ng dati. Yung kumakain tayo ng Mcdo sa Atrium tapos umiinom sa ShareTea."
Napangiti ako. I remember those time. Yun yung time na nagkita sa sa Atrium tapos inimbita niya akong uminom ng Milktea. Hindi pa kami masyadong close nun.
"Ang tagal na nun. May bangs ka pa nga noon eh." Tawa ko.
"Haha, at ikaw may cute pa."
"Ah so ngayon hindi na ko cute? Ganon?" Asar to ah!
"Hindi ka nga cute. Youre beautiful now."
Napatingin naman ako sakanya. At nakatingin din siya sakin, with those warm smile.
"Aheem... so kamusta sina Strike? Nagkita pala kami ni Sarah few weeks ago." Pag iba ko ng usapan.
"Well he is doing great actually may bago ulit akong pamangkin. Sabi ni Kuya 3 months pregnant na daw si Ellen." Kwento niya.
"Ganoon ba? Nakakatuwa naman. Im really happy na masaya sila." Sabi ko.
"Ikaw? Nagkikita pa kayo ni Chris?" May slight tone sa boses niya.
"Minsan, pero busy siya ngayon sa kasal niya eh. He already found someone."
Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko.
"That's good..." medyo napatawa siya.
Napatawa na din ako.
"Ako na nga lang yata ang single eh. Baka forever na to." Biro ko. Biro lang naman eh. Baka mamaya akala pa niya sinisisi ko siya or what.
"Dont worry, someday makikita mo rin ang taong yun..." He blurted.
"...kasi ako nahanap ko na... ulit."
*************
To be continued po ang SanFo trip ha.
At sa mga tama yung hula sa next update yung mention. At kung walang sumagot edi wala. Hahaha
Happy Reading!!!
---Series X
BINABASA MO ANG
Back For You (TLG Book 2)
Подростковая литератураAlam kong malaki ang naging kasalanan ko. Ive been stupid and selfish. Siguro dahil mas pinili ko ang pangarap ko at iniwan siya. Everything was perfect back then, likae a fairytale. But i didnt thought that it ended so soon. At ngayon na bumalik a...