Rhiana POV
"Ikamusta mo na lang ako kina Tita ha." Sabi ni Chris sakin.
"I will. Ingat ka sa byahe." Sabi ko.
Hindi na kasi ako sasama sa paghatid sa airport at dito na lamang kami sa hotel magpapaalam. Mamayang after lunch din kasi ako uuwi sa probinsya.
"I hope i can come with you pero may photoshoot pa kasi ako sa Manila kaya hindi ako pwede."
"Ano ka ba! Wag mo ng alalahanin yun. Your work is more important."
Ngumiti na lang siya at niyakap ako. I hugged him back.
"Mag iingat ka dun ha. You text me if you need anything."
Tumango lang ako.
"Ah Chris nakausap ko si Dra. Carson--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang mas humigpit ang yakap niya sakin. A sign that he doesnt want to know.
"Ito naman oh OA. Hindi pa naman sure eh. Ano ka ba." Sabay hampas sa balikat niya.
"Still, i just dont want to talk about it." Umiwas siya ng tingin.
Huminga na lang ako ng malalim.
"Oh sige alis na kayo. Your flight will be in 2 hours." Sabi ko.
"Take care of yourself Rhian." He said and kissed my forehead.
Napangiti ako sa ginawa niya. He is such a caring bestfriend.
Ang hindi alam ni Rhian ay mayroong isang pares ng mata na nakatingin sa kanila. Halata sa itsura nito na hindi niya gusto ang mga nakita. Napakuyom na lang siya ng kamay at umiwas. Alam niya sa loob labag sa loob niya ang kanyang mga nakita. Ayaw niya lang itong aminin sa sarili niya.
"O pano alis na kami. Wag mong kalimutan ang pasalubong ko ha. Say hi for them to me." Sabi ni Chris at umalis na.
I just wave for goodbye at hinanda na din ang mga gamit ko.
Habang papasok sa hotel room ay napaisip ako. I didnt saw Raine earlier. After nung nangyari kagabi todo iwas na ako sakanya.
I dont know what was the meaning of what happened pero alam kong ayaw niya yun. Pero bakit niya parin ginawa? He said his sorry na parang ang laki ng ginawa niyang kasalanan.
I just sighed.
Stop it Rhian. Its over.
...................
Apat na oras akong nagdrive papunta sa probinsya namin. Malaki ang pinagbago ang lugar. Kung noon giba giba ang mga daan ngayon sementado na ang lahat. Dumami na rin ang mga kabahayan lalo na sa bunduking bahagi.
Medyo hindi ko tuloy naappreciate ang nature dahil mukhang napapabayaan na ito. Sana lang hindi tuluyang masira.
Pagkarating ko sa bayan namin ay agad na bumungad sakin ang napakalawak na dagat. Kulay asul ito at marami ang nangingisda. Marami din ang nag aani sa mga palayan dahil panahon na ng ani.
Apat na taon din nang huli akong makauwi dito and i admit to miss the place. Lalo na ang pamilya ko.
Agad akong bumaba sa kotse nang makapark ako sa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam na napakaganda pala ng pagkarenovate nito. Mas gumanda rin ang garden ni Mama na punong puno ng mga bulaklak.
"Rhian." Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Ate Lydia?" Napangiti na lang ako.
"Nako Rhian ikaw nga!" Agad niya akong niyakap.
BINABASA MO ANG
Back For You (TLG Book 2)
Novela JuvenilAlam kong malaki ang naging kasalanan ko. Ive been stupid and selfish. Siguro dahil mas pinili ko ang pangarap ko at iniwan siya. Everything was perfect back then, likae a fairytale. But i didnt thought that it ended so soon. At ngayon na bumalik a...