Andrea's POV
Shet. Si Jungkook itong kausap ko. Yung lalaking nagpaiyak sakin at iniwan ako.
"Andrea! Ikaw nga!" Sabi ni Jungkook. Umupo siya sa tabi ko tapos niyakap ako. Hindi lang ako kumibo.
"Namiss kita! Ako? Namiss mo?" Sabi ni Jungkook. Tiningnan ko lang siya. Yung 'i-don't-care-about-you' look.
Naiinis ako. At kapag ako naiinis, naiiyak ako.
"Andrea.. Magsalita ka naman. Namiss mo ba ako?" Tanong niya.
"Hindi." Sagot ko. Aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako.
"Ano?! Anong gusto mo?! Sasabihin mo na na-realize mo na mahal mo ako?! Hihingi ka ng 3rd chance?! POTANGINA HINDI MO DESERVE. UMAABUSO KA NA!!" Sigaw ko sa kaniya tapos nagsimula na akong umiyak. Wala akong pake kung maraming nakakakita sakin. Wala akong pake kung i-judge nila ako.
"Andrea, mahal ki--"
"MAHAL MO AKO?! EDI SANA HINDI MO AKO INIWAN. SANA HINDI UMABOT SA GANITO. KASI DAPAT NUNG BINIGYAN KITA NG 2ND CHANCE, PINATUNAYAN MO NA MAHAL KO AKO!! AT SAKA KUNG TOTOONG MAHAL MO AKO, WALA DAPAT 2ND CHANCE KASI DAPAT SIMULA PALANG HINDI MO NA AKO INIWAN!! JUNGKOOK, HINDI LANG IKAW ANG LALAKI SA MUNDO. KAYA HINDING-HINDI AKO MAGPAPAKATANGA SAYO!!!" Sigaw ko sa kaniya habang umiiyak.
Luhan's POV
Nakita ko na may nakayakap kay Andrea na lalaki. Tapos nag-usap sila ng unti. Mamaya sumigaw na si Andrea. Umiiyak siya.
Ngayon ko lang siya nakitang umiyak.
I can't take it anymore. Hindi ko kayang makitang umiiyak si Andrea dahil sa isang tarantado at gagong lalaki.
Nilapitan ko si Andrea. Wala akong pake kung maraming nakatingin sakin.
"Andrea..." Sabi ko. Yun palang ang sinabi ko yumakap na siya sakin.
"Luhan..." Tawag niya sakin.
"Ikaw. Sino ka?" Tanong sakin nung Jungkook.
"Hindi mo ako kilala?" Tanong ko sa kaniya. Calm lang boses ko pero sa loob, umaapoy na ako sa galit. Para na akong sasabog.
"Hindi kita kilala. Umalis ka nga." Sabi niya.
"Ayy... Kilala kita pero ako hindi mo kilala? Tsk tsk. Diba ikaw yung ex ni Andrea? Ikaw yung nanakit sa kaniya diba? Diba ikaw rin yung tarantado na nang-iwan sa kaniya diba?!" Sabi ko. Medyo tumataas na tono ng boses ko. Nanahimik lang siya.
"Hindi ka makasagot kasi totoo?"
"SINO KA BA?! BOYFRIEND KA BA NIYA HA?!"
"HINDI NIYA AKO BOYFRIEND PERO IPAGTATANGGOL KO SIYA SA GAGONG KATULAD MO!" Sigaw ko sa kaniya. Nanlaki ang mata niya sa lakas ng boses ko. Si Andrea umiiyak parin habang nakayakap sakin.
Nagdeep breath ako para kumalma. Ayokong magsuntukan kami dito. Masasayang lang ang lakas ko kapag nakipaglaban ako sa walang kwentang lalaking yan.
"Diba hindi mo ako kilala? Ngayon magpapakilala ako. Ako si Luhan. Yung lalaking ginawa ang lahat para maging kaibigan ni Andrea. Yung lalaking hindi sinaktan si Andrea. Ako rin yung lalaking hindi siya pinaiyak. Pinaramdam ko na espesyal siya. YUNG HINDI MO PINARAMDAM SA KANIYA! HINDI MO SIYA TINRATO NG MAAYOS!!" Sabi ko. Nakatungo lang siya.
"Alam mo? Ewan ko ba kung bakit mo siya iniwan eh. Ay oo nga pala. Gago ka kasi. Hindi niya deserve ang mga katulad mo. Tandaan mo, EX ka na niya. Kaya layuan mo na siya kasi WALA NG KAYO!" Sabi ko at hinila na paalis si Andrea dun.
Nagagalit ako kay Jungkook. Sobra. Kasi pinaiyak niya si Andrea na mahalaga sakin.
-------
Hindi siya nakakaiyak. Para ngang hindi rin nakakalungkot.
Sorry hindi talaga ako magaling gumawa ng sad scenes. Masayahin kasi akong tao. :)
Anyways, hope ya all like it! Abangan ang next chapter! Saranghae~ ♥♥♥
BINABASA MO ANG
THAT GIRL
FanfictionThis story contains bad words. But not that much! If you're too sensitive, I suggest don't read this. This story is about a girl named Andrea and a boy named Luhan. Andrea is a tough girl. Matapang, maangas, malakas at hindi papatalo. Pero, meron di...