Short update ito, guys! So yeah.. Basa na!
-------
Andrea's POV
"Oy!! Utak mo! Hindi kita sinilipan noh! Syempre, I closed my eyes! Virgin pa kaya itong mga mata ko." Sabi ni Luhan.
"Good." Sabi ko with a cold tone at tumingin nalang dun sa mga naglalaro ng soccer.
"Andrea.." Tawag sakin ni Luhan.
"Hmmm?"
Kinuha ni Luhan ang kamay ko at nilagay ang black box.
ANO ITO?! MAGPO-PROPOSE NA SIYA SAKIN?!
Lol. Assumera talaga ako since birth kaya pagbigyan. XD
"Oh? Ano ito?" Tanong ko.
"Happy Birthday!" Sabi ni Luhan at ngumiti.
Yung nakakapangtunaw na ngiti.
"Ha? Birthday ko ba ngayon?" Tanong ko. Pinakita ni Luhan ang calendar sa cellphone niya.
Nakalimutan ko ang sarili kong birthday. Tanga lang. [Oo. Alam namin na tanga ka. #Harsh]
"Ano? Hindi mo ba bubuksan ang regalo ko?" Tanong ni Luhan. Tiningnan ko ang box at binuksan ito.
"Huh? Keychain na bote ng poison na may candy sa loob?"
"Oo." Sabi ni Luhan at hinila ako papaupo sa damuhan.
"Siguro sour candy yung nasa loob." Sabi ko.
"Maybe. Maybe not."
"Pero bakit ganito ang regalo mo sakin?"
"Kasi ganito yun. Andrea, malakas ka kung titingnan. At minsan, mas lalaki ka pa sa lalaki. Minsan lang naman. Sa unang tingin sayo, matapang ka. Maganda ka naman kaso yung aura mo, nakakatakot at parang nakamamatay. The poison bottle represents your physical appearance." Paliwanag ni Luhan.
Ganun ba talaga ang itsura ko kapag sa unang tingin? Hays.
"Pero, nung mas nakilala kita.. Nakita ko yung sweet side mo. Hindi mo pinapakita pero may pake ka pala. May kakulitan ka rin. The candy represents your sweet attitude." Paliwanag niya ulit.
Napangiti ako. Kasi kung titingnan mo, ang simple lang. Pero may deeper meaning pa pala.
"Ayan. Edi ngumiti ka. Napapansin ko rin na madalang ka lang ngumiti kaya iilan lang kaibigan mo. But don't worry. Papangitiin kita araw-araw. I will be your fairy godmother!" Sabi ni Luhan.
Napatawa ako sa sinabi niya. Ang sweet naman. Eto na siguro yung the best na regalo na natanggap ko sa buong buhay ko. :)
"Salamat. Na-appreciate ko yung gift mo." Sabi ko habang nakangiti.
"Asus. Wala yun. Ikaw pa. Malakas ka sakin eh. Pero.. Ipangako mo sakin na.."
"Na?"
"Na hindi mo itatapon yan. Ipangako mo na itatago mo yan at aalagaan mo." Sabi niya.
"Oo naman! Pangako yan!" Sabi ko at nilagay ko yung keychain sa I.D ko.
Galing noh? KEYchain nga, sa I.D ilalagay. XD
Tumayo na kami.
"Pero pano mo nalaman yung birthday ko?" Tanong ko kay Luhan.
"Maybe I ask ate Andy about it. Or maybe.. It's just my telepathic powers." Sabi niya. Natawa nanaman ako.
Hindi naman pala masama maging kaibigan si Luhan..
------
Kaibigan lang ba talaga, Andrea? Ahaha!
Anyways, credits talaga sa author nung pinagkuhanan ko niyan. Binago ko ng unti. Ayokong makasuhan ng plagiarism noh.
At sana nagustuhan niyo! Abangan ang susunod na chapter! Saranghae~
BINABASA MO ANG
THAT GIRL
FanfictionThis story contains bad words. But not that much! If you're too sensitive, I suggest don't read this. This story is about a girl named Andrea and a boy named Luhan. Andrea is a tough girl. Matapang, maangas, malakas at hindi papatalo. Pero, meron di...