Xiumin's POV
"Ahhh... Wala yun." Sabi ko tapos umupo na siya sa tabi ko. Seatmates kami eh.
Nasa tabi ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Nagtetext siya. Para siyang kinikilig. Ganun rin si Jimin.
Mukhang alam ko na kung sinong katext ni Hazelle..
TIME SKIP: 2 MONTHS LATER~
Walang masyadong nagbago. Except dun sa nanunuyo na si Luhan kay Andrea.
Tanong niyo kung anyare samin ni Hazelle? Tch. Ganun parin. Nasanay na ako.
Sanay na ako makita silang sweet. Sanay na akong makita silang laging magkasama. Sanay na akong hindi pinapansin ni Hazelle. SANAY NA AKO.
Pero alam niyo.. NASASAKTAN PARIN AKO.
Luhan's POV
Lumipas na ang 2 buwan pero hindi parin nagkakaayos sila Xiumin at Hazelle.
Eto kasing si Hazelle, nahanap lang ang childhood friend, kinalimutan na kami.
Eto namang si Xiumin, walang ginagawa. Kung sa bagay, sinubukan naman niyang kausapin si Hazelle pero walang nangyari.
Ewan ko ba sa dalawang yan. Naii-stress ako. Naging cold na rin pala si Xiumin. Hindi na siya yung bubbly na Xiumin. Mas tahimik pa siya ngayon kaysa dati at laging seryoso.
Haaay... Ewan ko ba sa kanila.
Xiumin's POV
Lunch na. Susubukan ko uli kausapin si Hazelle.
"Hazelle, mag-usap nga tayo." Sabi ko.
"Next time nalang. Maglu-lunch pa kasi kami ni Ji-- UY!" Hindi pa siya tapos magsalita, hinila ko na siya papalabas ng classroom.
"HOY! BITAWAN MO NGA AKO! MAGLA-LUNCH PA KAMI NI JIMIN!" Sigaw ni Hazelle habang kumakawala sa hawak ko pero tuloy parin ako sa paghila sa kaniya.
"HOY! ANUBA! XIUMIN! NAGHIHINTAY SI JIMIN! BAKA MAGALIT SIYA SAKIN!" Sigaw niya. Huminto ako, binitawan ko siya. Humarap ako. Basa na ang pisngi ko, umiiyak na pala ako.
"Uy.. Bakit ka umiiyak?" Tanong sakin ni Hazelle.
"Sa tingin mo bakit?" Sabi ko naman sa kaniya.
"Kasi.. Kumakawala ako sa hawak mo?"
"Hindi."
"Eh ano? Sabihin mo na, magla-lunch pa ako kasama si Jim--" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"Jimin, Jimin, Jimin! Lagi nalang Jimin! Si Jimin ganyan, si Jimin ganon. Si Jimin nalang lagi mong kasama!"
"Xiumin, ano namang problema dun? Kaibigan ko si--"
"Oo, kaibigan mo siya! Pero kami ba hindi? AKO BA? HINDI?" Hindi lang siya sumagot.
"Hindi mo ba napapansin? Lagi ka nalang kay Jimin. Pano naman kami nila Luhan at Andrea? Hindi mo ba kaibigan? Nawawalan ka na ng panahon samin. Bakit?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.
"BAKIT?!"
"KASI MAY GUSTO NA ATA AKO KAY JIMIN!!"
Nung sinabi niya nun, parang nabasag yung puso ko sa milyong-milyong piraso..
"Ahh.. Ganun ba? Dahil may gusto ka sa kaniya, kakalimutan mo na kami?"
"Xiumin, hindi naman sa ganu--"
"Eh ano?!" Tanong ko sa kaniya ng pasigaw. Yumuko lang siya.
"Sorry..."
"Sorry? Tch. Walang magagawa yung sorry. NASAKTAN NA AKO. Kung sabihin ko kaya sayong sorry kasi mahal kita. Walang namang nagyari eh. MAHAL PARIN KITA!"
"Xiumin..."
"At dahil mahal kita, papayag ako na kay Jimin ka na. Tutal naman siya ang gusto mo, hindi ako. Wag kang mag-alala, may mali naman ako. MALI AKO KASI AKALA KO MAY TAYO."
Pagkatapos nun, nilagpasan ko siya at pumasok na sa classroom. Hindi na ako magla-lunch, wala na akong gana.
'You only know you love her when you let her go...'
-------
Short update lang, yeoreobun.
So focus muna tayo sa XiuHaze ngayon. Tutal naman ayos naman ang LuhanDrea. :)
So that's all for this chapter! Bye~ Kamsa!! :*
PERO AMININ NIYO KINANTA NIYO YUNG TITLE NG CHAPTER. XD
BINABASA MO ANG
THAT GIRL
FanfictionThis story contains bad words. But not that much! If you're too sensitive, I suggest don't read this. This story is about a girl named Andrea and a boy named Luhan. Andrea is a tough girl. Matapang, maangas, malakas at hindi papatalo. Pero, meron di...