-No homo-

61 3 0
                                    

Xiumin's POV

Habang naglalakad ako papunta sa classroom, pinupunasan ko na yung luha ko. Pagkatapos, pumasok na ako at umupo sa upuan ko. Nandun yung cellphone ni Hazelle. Tumunog kaya napatingin ako.

'Jimin, my prince ♥'

Tch. Sino pa nga ba kasi?

Author's POV

Pumasok na rin si Hazelle sa classroom. Paglapit niya sa upuan na katabi ni Xiumin. Binato ni Xiumin yung cellphone ni Hazelle kay Hazelle. Nasalo naman ni Hazelle.

"Nagtext yung prince mo. Basahin mo baka dadalhin ka na sa palasyo niya na may lumulutang na unicorns at umuulan ng cotton candy." Sabi ni Xiumin tapos dinala yung bag niya at lumipat sa upuan sa sulok na walang nakaupo.

Xiumin is sarcastic af. <(_ _)>

"Xium--" Hindi natuloy ang pagtawag ni Hazelle kay Xiumin dahil dumating si Jimin.

Lagi talagang nasa timing si Jimin. =_=

"Haze, kanina pa kita hinihintay. Nagtext pa ako sayo. Bakit ang tagal mo? Nag-alala ako sayo." Sabi ni Jimin.

"Uhhh.. Niligpit ko lang gamit ko, ang gulo kasi." Sabi ni Hazelle tapos tumingin kay Xiumin. But Xiumin returned a cold and blank look.

"Ahh.. Jimin halika kain na tayo." Sabi ni Hazelle tapos umalis na sila.

Few minutes later..

Xiumin's POV

Wala akong gana kumain ngayon. Tinitingnan ko lang yung paligid ko. May kumakain, may nagkokopyahan ng assignment, may naglalandian, may nagtatawanan, may naghahabulan, may nagkukwentuhan, at may nanonood ng alam niyo na.

At eto ako.. Nagpapaka-emo. Tch. -_-

Napansin ko namang pumasok si Luhan at parang may hinahanap. Malamang si Andrea. Nung nakita niya ako, ngumiti siya tapos tumakbo siya papunta sakin.

No homo, readers. :P

"Xiumin!" Sigaw ni Luhan sa pagmumukha ko.

Amoy Nova pa yung hininga.

"Wala. Tulog, umalis, naglalaba." Pambabara ko kay Luhan.

"Xiumin naman eh."

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko. Kumuha siya ng upuan at nilagay sa harap ng table ko tapos umupo siya dun.

Parang kaming nagde-date. :3

Pero paalala.. No homo, readers.

"Kasi Xiumin.. Malapit ng tuluyang makapagmove-on si Andrea! At guess what? Bibigyan daw niya ako ng chance mangligaw~" Sabi ni Luhan tapos sumayaw na parang tanga habang nakaupo.

"Good for you, bro." Sabi ko tapos nakipag-apir sa kaniya tapos sumandal na ulit sa pader.

"Di magtatagal, we will live happily ever after! Eh kayo ni Hazelle? Musta?" Tanong ni Luhan.

"Ayun.. Happily never after." Sabi ko sabay tingin kay Hazelle na kinakausap si Andrea.

Kinausap naman ni Hazelle si Andrea.

Andrea's POV

"Hoy Hazelle.. Bakit ba hindi kayo nagkakapansinan ni Umin?" Tanong ko.

"Hays.. Nagkaaway kasi kami. Basta yun na yun ayoko ng sabihin." Sagot ni Hazelle.

"Haze, hindi mo ba alam na mahal ka nun?"

"Kanina ko lang nalaman. Nung sinabi niya sakin."

"What? Kanina lang? I'm sorry to say this pero ang manhid mo naman. Si Luhan nga na lalaki, nakikita niyang mahal ka ni Xiumin. Ako rin! Masyado ka kasing napalapit kay Jimin kaya ganyan. Dumating lang yung dati mong kaibigan, kinalimutan mo na siya."

"I'm sorry, okay?! My bad!" Sabi ni Hazelle.

"Sabi mo sakin nagkakagusto ka na kay Jimin. Bakit hindi mo sabihin kay Xiumin na wala na siyang pag-asa or what?"

"Yun nga eh! Pero Andrea.. Hindi ko kaya. Kanina nga na umiyak siya, nasasaktan rin ako. Ayokong nasasaktan siya. Ayokong iwan siya. Ewan ko ba. Kay Jimin naman hindi ako nakakaramdam ng ganun."

"Eh kung ganon.. Edi mahal mo siya!"

*riiiiiiinngg riiiiiinngg*

Kita mo itong bell, walang galang. KINAKAUSAP KO PA SI HAZELLE EH! -_-

"Sige na. Balik na ako sa upuan ko. Tandaan mo yung sinabi ko ah." Sabi ko tapos kinindatan si Hazelle. Tumango lang siya.

Hays... I think Hazelle is really puzzled.

The next day.. Dismissal na agad.. Wag ng umangal, ipapa-salvage ko..

Xiumin's POV

May nag-iwan ng letter sa locker ko. Pinapapunta ako sa Room 211. Hindi ko kilala kung sino siya pero kakausapin ko na para matapos na.

Pagdating ko sa classroom, nadatnan ko si Hazelle na nakaupo.

Tch. Don't want to talk to her.

Lalabas na sana ako ng classroom para makauwi na at makahiga sa malambot kong kama pero hinarangan ako ni Jimin.

"Dude, kakausapin ka niya." Sabi niya.

"Wag mo akong matawag na dude. Kingina mo hindi tayo close." Sabi ko lang tapos humarap na kay Hazelle.

"Now, what do you want?" Tanong ko.

"Xiumin, bakit ba hindi mo na ako pinapansin? Ha?! Lagi ka nalang umiiwas sakin! Hindi ka rin lumilingon pag tinatawag kita. Bakit ba?!" Tanong sakin ni Hazelle. Paiyak na siya.

"Tinatanong mo ako kung bakit? TINATANONG MO AKO KUNG BAKIT?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya. Hindi lang siya sumagot. Umiiyak lang siya.

"Ngayon naramdaman mo na kung anong naramdaman ko nung kinalimutan mo ako dahil jan sa prince mo." Sabi ko.

I better leave this place before my tears escape from my eyes.

Tinalikuran ko na si Hazelle na umiiyak. Lumapit ako kay Jimin.

"Patahanin mo yang princess mo, prince charming." Sabi ko.

"Bakit? Nakokonsensiya ka?" Tanong niya. I scoffed.

"Hindi. NAIIRITA AKO." Pagkatapos sabihin yun, umalis na ako sa classroom na yun.

FASTFORWARD>>>>>>

Author's POV

Mas naunang lumabas si Hazelle at Jimin kaysa kay Xiumin dahil may ginawa pa si Xiumin.

Paglabas ni Xiumin, umuulan. Binuksan niya ang payong niya at nagsimulang maglakad palabas sa school campus. Nung nasa labas na siya, nakita niya si Hazelle na basang-basa sa ulan dahil gusto ng umuwi habang si Jimin ay nakapayong habang nagce-cellphone.

-Tch. Napakagago talaga ng lalaking ito.- Sa isip ni Xiumin.

Tumakbo si Xiumin papunta kay Hazelle. Wala siyang pake kahit matalsikan ng putik ang uniform niya habang tumatakbo.

Nung nasa tabi na niya si Hazelle, hinawalan niya ang kamay nito at ibinigay ang payong niya.

"Wag kang magpaulan." Sabi ni Xiumin tapos tumakbo na ng mabilis para makauwi na agad.

"He still cares..." Sabi ni Hazelle sabay ngiti.

-------

Kaway-kaway sa mga XiuHaze shipper jan. 😂😝

This chapter? DONE!

THAT GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon