Krystel
"Papano nangyari to Krystel we lost 10 million overnight.!" Dumagundong sa buong opisina ang boses ng Presidente ng BCorp na si Mr Sonny Balesteros, who is my Boss.
Hindi ko na ikinagulat yun. Sino ba naman ang hindi aatakihin ng alta presyon kung malalaman mo na ang pinakamamahal mong kompanya ay nalagasan ng sampung milyon sa loob lamang ng isang gabi.
"Boss tanging ang CEO lang ang makakasagot nyan sya na ang humawak ng lahat ng transaksiyon natin mula ng ilipat mo sa kanya ang pamamahala sa BCorp." Mahinahong paliwanag ko sa kanya.
"Nasaan ba ang CEO, gusto ko syang makausap."
"Kahapon pa ho sya hindi pumapasok, at hindi ko rin sya makontak sa land line man o sa cellphone."
Marahas na tumayo ang big boss, hindi nya na kailangang magsalita, alam ko may pupuntahan kami, at sa kasalukuyang hitsura nya alam kong may hindi magandang mangyayari ngayong araw na to.
Personal assistant ako ni Mr. President, pero hindi lang sa opisina natatapos ang trabaho ko sa kanya. Literal na personal assistant nya talaga ako, inside or outside the office.
EA, driver, bodyguard, alalay, nurse at guidance councilor ay ilan lamang sa mga trabaho ko sa kanya.
Mahigit walong taon na akong nagtatrabaho sa kanya, nagsimula ako noong kagagraduate ko lang ng High School, nagtatrabaho sa Bcorp ang papa ko Bilang janitor, inutusan ako noon ng nanay ko na ihatid kay papa ang baon nyang tanghalian na nakalimutan nya dahil sa pagmamadali.
Kilala na ako ng Guard ng kompanya kaya pinapasok nya na ako at sinabing nasa 20th floor ang papa ko, sumakay na lamang daw ako ng elevator.
Pagsakay ko ng Elevato1r ay may nakasabay akong isang medyo may edad ng lalaki, may kausap sya sa cellphone at galit na galit. Matapos nyang makipagusap sa telepono ay tiningnan nya ako ng nakakunot ang noo. Nginitian ko sya sabay sabing. "Everything will be alright sir."
After a week ipinatawag ako ng Presidente ng Bcorps. At nagulat ako dahil yung lalaking nakasabay ko sa elevator ay walang iba kundi ang Presidente mismo.
"Where to go Boss.?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na sya sa sa upuan sa tabi ko. Bago pa sya sumagot ay iniistart ko na ang sasakyan.
"Sa Bachelors pad ni Troy." Sagot nito.
Nginitian ko sya at pinatakbo ko ang sasakyan patungo sa dereksiyon ng BCorp condominium.
TROY
Sunod sunod na tapik sa balikat ko ang pilit na gumigising sa akin, pero ayaw kong gumising kaya kinuha ko ang unan at itinakip sa mukha ko.
"Mr CEO sir.... Babangon ka ba dyan o hihilahin kita papasok sa banyo at ilulublub sa nagyeyelong tubig, para magising bawat himaymay ng laman mo."
Natigilan ako.
Hindi pamilyar sa akin ang boses ng babae, kaya alam kong hindi yun ang maid ko at lalong hindi rin yun ang boses ng babaing iniuwi ko kagabi, hindi ako ganun kalasing para hindi ko matandaan ang boses ng babaing pinasasaan ko ang katawan, sa lakas niyang umungol ay natandaan ko na ang boses nya.
"Sir.... Hindi na ako natutuwa, wag mong paghintayin ang daddy mo."
Nandito si dad... Lalo kong idinikit ang unan sa mukha ko. Si dad ang kahulihulihang taong gusto kong makita ngayon.
"Okey fine ayaw mong bumangon, hintayin mo ako."
Narinig kong naglakad ang babae patungo sa hindi ko alam kung saan.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...