CHAPTER 52

62.4K 1.4K 110
                                    


TROY

No... Yun ang unang pumasok sa isip ko. Ayaw kong magusap sina Kristel at  Spencer.

Natatakot ako baka kung bumalik ang dating damdamin ni kristel dito kapag nagkausap sila, baka balikan nya ito at iwan ako.

I know i'm being paranoid, pero nakita ko kung papano iniyakan ni Kristel ng lokohin sya ni Spence.

But i need to trust her.

Kailangan kong panghawakan yung sinabi nyang mahal nya ako higit sa pagmamahal nya kay Spencer. Alam kong napakahalaga nito para sa kanya, may pinagsamahan sila nito at hindi lang yun basta basta, limang taon din yun. And i need to respect it.

Kahit mahirap para sa akin ay kakayanin ko.

Kaya heto kami ngayon sa hospital kung saan naroroon si Spence, magiisang buwan na sya rito, Hes in coma, ang sabi ng mga doctor hindi nila alam kung bakit hindi pa rin ito nagigising, para daw kasing mas gusto nitong wag gumising.

Kaya naisip ni Isabel na kung si Kristel ang dahilan kung bakit nagawa nitong subukang kitilin ang sariling buhay, maari ring ito ang maging daan para gumisimg itong muli.

Kaya nga ginawa nya ang lahat ng pwede nyang gawin para lang maibalik si kristel kay spencer. Pero hindi ko mapapayagan yun.

"Where here." Sabi ko, pagtapat namin sa silid na kinaroroonan ni Spence.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Kristel, natatakot akong pakawalan sya.

"Hey.... Bhe... Wag OA..... Gusto ko lang syang makita, at makausap na rin, malay mo tama si Isabel ako nga ang makapagpagising sa kanya."

"At pagnagising sya, papano?."

"Anong papano.?"

"Papano kung hilingin nyang bumalik ka sa kanya.?" Puno ng takot ang puso ko.

Humarap sya sa akin at hinawakan ako sa mukha.

"Bhe.... Hindi ako genie na pweding magbigay katuparan sa kahilingan... At lalong hindi rin ako santo na pwede nyang dasalan para ibigay ang gusto nya."

Hinalikan nya ako sa labi, hindi sya nagalangan kahit may mga taong nakakakita sa amin. Nagdiwang ang puso ko.

"I love you very much Erson Troy Balesteros.... Gusto kong tandaan mo yan. Sayong sayo ako, At walang pweding makaagaw sa akin mula sayo, kahit isang Spencer Herrera pa yan."

Mahigpit ko syang niyakap, bago kami kumatok sa pinto ng silid na kinaroroonan ni Spence.


KRISTEL

Si Isabel ang naabotan naming nagbabantay kay Spencer, puno ng luha ang kanyang mga mata na mabilis nyang pinunas ng mga palad nya pagkakita sa amin.

Walang wala sa Isabel na nakaharap ko kahapon ang hitsura nya ngayon.

Puno ng lungkot ang kanyang mga mata at takot.

"Salamat at dumating ka.... Kristel patawarin mo ako hindi ko gustong may masamang mangyari sayo at sa baby mo. Alam ko ang dami ko ng kasalanan sayo sa inyo ni Spence, naging makasarili ako at hinayaan kong galit ang maghari sa puso ko. Patawad."

Naantig naman ang puso ko sa kanya, nakita ko ang sinseredad sa mga sinasabi nya. Napansin ko rin na madalas nyang hinahaplos ang tiyan nya... Buntis sya.... At para bang doon sya kumukuha ng lakas... Napahawak din ako sa tiyan ko, maliit pa sya pero alam ko at ramdam ko ang buhay na na pumipintig mula roon...

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon