CHAPTER 14

49.7K 1K 51
                                    

Habang lumalalim ang gabi ay parami na ng parami ang bote ng  alak na walang laman sa harap namin.

Kumuha ng isang private room si Spencer para sa amin. Hindi ko akalain na magkakasama sama kaming magkakaibigan noong college, si Spence, si Jorel, si David, Tim, Carlos at ako.

Ng dumating kasi si Spencer ay tinawagan ni Jorel sina David, Tim at Carlos para makipag inoman sa amin welcome celebration daw para kay Spencer.

Lasing na ang mga kasamahan naming, tatlo na lang kaming hindi pa masyadong tinatamaan ako si Kristel at si Liz ang girlfriend ni Jorel.

May ibinulong si Kristel kay Spencer, tumango ito at siniil ng halik ang kasintahan na tinugunan naman nito. Again may pinung kurot sa dibdib aking naramdaman. Inisang lagukan ko ang laman ng baso ko para mawala iyon.

Bumitiw si Spence mula sa pagkakayakap nito sa beywang ni Kristel na ni minsan ay hindi nito binitiwan mula ng dumating sila.

Tumayo si kristel at nag excuse sa amin... Lumabas sya ng VIP room.

Pinalipas ko muna ang mga ilang minuto bago ako tumayo at nagpaalam na lalabas muna kasi may tatawagan lang na importanting tao.

Pagkalabas ko ng VIP room ay agad ko syang hinanap, pero hindi ko sya makita kaya naglakad ako palabas ng Bar paglabas ko ay nakita ko syang naka sandal sa sasakyan ko na katabi lang din ng sasakyan ni Spence at nag yoyosi, hinihilot nya ang kanyang sintedo mukhang pagod na pagod na sya at pilit pinaglalabanan ang antok.

Noon ko naalala na hindi pa nga pala sya natutulog ng maayos dahil sa dami ng ginawa nya kagabi, at buong maghapon ngayon.... idagdag pa ang pagaasikaso nya kay dad.

Isinandal nya ang ulo nya sa sasakyan bago nagbuga ng usok at pumikit.


KRISTEL

"Ihahatid na kita."

Halos tumilapon ang kaluluwa ko dahil sa biglang pagsulpot ni Troy sa harap ko.

Pumikit lang ako sandali para paglabanan ang antok na nararamdaman ko, pagdilat ko mukha na ni Troy ang namulatan ko.

Kaya nga ako lumabas kasi unti unti ko ng nararamdaman ang pagod antok at tama ng alak.

"Anong gnagawa mo rito.?"

"Mukhang inaantok ka na ihahatid na kita."

"Okey lang ako, hihintayin ko na lang si Spence."

"Mukhang wala pang balak umuwi ang boyfriend mo kaya ipagpapaalam na lang kita sa kanya ako ng maghahatid sayo."

"Hindi ko sya pweding iwan lasing na sya kaya ako ang mag dadrive ng sasakyan nya."

"Sa kasalukuyang ayos mo ngayon, wala ka pang tulog at nakainom ka pa wala ka ring kakayahang magmaneho at Girlfriend ka nya at hindi driver." May bahid ng pagkainis sa tinig nya.

"Eh di magtataxi na lang kami pauwi."

"Kristel look alam kong pagod na pagod ka na mula sa pagtatrabaho kailangan mo ng magpahinga... Ihahatid kita then babalikan ko na lang si Spence at ako ng bahalang maghatid sa kanya."

"Ano bang nakain mo Bakit biglaan naman yata na naging maalalahanin ka sa akin.... Thank you ha pero hindi ko kailangan ang concern mo kaya ko ang sarili ko." Muli akong humithit ng sigarilyo at nagbuga ng usok.

"Kaylan ka pa natutong manigarilyo.?" Nakakunot ang noong tanong nya.

"Di ba sinabi ko na sayo laking skwater ako at sa lugar na kinalakhan ko bago pa tubuan ng buhok sa kilikili ang isang babae o lalaki naninigarilyo na sya." At muli akong humithit ng sigarilyo.

"Itigil mo yan... Hindi yan maganda sa katawan."

"At sino ka para sabihin sa akin yan... Kung si Spencer nga hindi ako napatigil ikaw pa." At tinaasan ko sya ng kilay muli sana ako hihithit ng sigarikyo ng bigla nyang agawin iyon at itapon sabay inapakan.

Bigla ko syang itinulak sa dibdib.

"Ano bang problema mo.?" Galit na sabi ko. Tama sya pagod na ako at inaantok at kapag ganun mabilis uminit ang ulo ko.

Ng makabawi sya ay ako naman ang itinulak nya papunta sa gilid ng sasakyan mukhang mas mainit ang ulo nya at hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nya.

Siniil nya ako ng halik.

Itutulak ko sana sya pero mabilis nyang nawakan ang dalawang kamay ko, itinaas nya iyon sa magkabilang gilid ng ulo ko, at lalo nyang idiniin ang mga labi nya sa akin.

Nagsimulang gumalaw ang ang mga labi nya at ang dila nya ay nagpupumilit na buksan ang bibig ko para makapasok ito.

Ginawa nya na sa akin ito noon kaya alam ko na ang binabalak nya kaya pilit kong pinaglalabanan ang mga paruparu sa tiyan ko na gustong kumawala.

Pero napakahusay ng ng mga labi nya tila ba may kakaibang mahika itong taglay at unti unti ay napasunod nya ako sa gusto nyang mangyari, kusang nagkaroonnng sariling buhay ang mga labi ko at dahandahang tinugunan ang mga halik nya. His lips taste so different pinaghalong lasa ng alak at kakaibang tamis ang nalalasahan ko roon... Nakakalasing nakakapanghina...

Unti unting lumuwag ang hawak nya sa mga braso ko at lumipat ang isang braso nya sa beywang ko at ang isa naman sa likod ng ulo ko.

Lalong naging mainit ang mga halik nya, napahawak ako sa malapad nyang dibdib dahil pakiramdam ko ay malapit ng maubos ang lakas ko. Nakapasok na ang dila nya sa loob ng bibig ko at ginagalugad nito ang kabuoan niyon.

May kumawalang impit na ungol sa lalamunan ko.

Unti unti nyang pinakawalan nya ang labi ko, at dahan dahang naglakbay ang mga labi nya pababa sa leeg ko at papunta sa aking punong tainga.

"Hindi pala kita pweding ihatid ng magisa kasi baka kung saan tayo mapunta." Pabulong na sabi nya.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig.

Naramdaman kong bumukas ang pinto ng sasakyan kung saan ako nakasandal.

Dahan dahan nya akong itinulak papasok sa loob.

"Hintayin mo ako rito... Kukunin ko lang si Spencer."

Nakapasok na sya sa loob ng bar ay hindi ko pa rin maubos maisip kung ano ba ang nangyari, Bakit nag react ng ganun ang katawan ko kay Troy.

Mahal ko si spencer alam ko yun pero bakit ganun ang epekto ng mga halik ni Troy sa akin sa ikalawang pagkakataon na hinalikan nya ako lagi na lang nakakalimutan ko na may boyfriend ako at mahal na mahal ko sya.

Naisabunot ko ang mga kamay ko sa sarili kong buhok.

Ano bang nangyayari sa akin.?

Epekto lang siguro ito ng pagod, puyat at alak.

Ilang minuto pa ay lumabas na ng bar sina Troy at Spencer.

Hindi pa naman lasing ng husto si Spencer pero hindi na sya pweding mag maneho kaya alam kong hindi na sya tutol na ihatid kami ni Troy.

"Hi baby... Pasensya ka na medyo tinamaan na ako, kaya pahatid na lang muna tayo kay troy, "

Tumango lang ako.

Pagkaupo nya sa tabi ko ay agad syang dumukwang para halikan ako sa lips pero umiwas ako.

Hindi ko kayang makipaghalikan sa kanya gayung katatapos lang naming maghalikan ni Troy.

Pagtingin ko sa rear view mirror ay nakita kong nakatingin sa amin si Troy, nagiwas na lang ako ng tingin at ihinilig ang ulo ko sa dibdib ni Spence na agad namang yumakap sa akin. It feels so good to be in his arms...

 Dati...

 Ngayon pakiramdam ko parang may mali... May hindi tama... Nagiguilty ako pakiramdam ko niloloko ko sya at ang katulong ko sa panloloko sa kanya ay nasa harap lang namin.


AN/// Ayan double update po ito kasi gusto kong hingin ang opinion nyo dito. Sa mga magiging comment nyo didipende ang mga susunod na chapters. so please leave your comments here. Tnx everyone. love you people.

(Drlaughter, MAcherrelynNaraga/machemoralde, Jelber08,ChedlesterTondo..... pangalan nyo ang naunang lumabas sa notif ko...thank you so much)

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon