KRISTEL
Nagising ako na hungkag ang pakiramdam, pinili kong wag makaramdam ng kahit ano, walang sakit, walang lungkot o panghihinayang, wala ring tuwa at kasiyahan. Wala kahit ano.
Para akong robot na kumilos ayon sa pangaraw araw na routine ng buhay ko.
Gumising nagbihis at pumasok sa opisina.
Ni hindi ko tiningnan kung anong oras na basta pagdating ko sa Bcorp building ay wala pang kataotao sa, maliban sa mga gwardiya.
Binati nila ako ng magandang umaga pero ni simpleng ngiti ay hindi ko sila pinagbigyan.
Dumiretso ako sa opisina ko para magtrabaho.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nagtatrabaho ng bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang hinihingal na si Troy.
"Good morning boss." Walang emosyong sabi ko.
"Don't do that again." Sabi nya.
Tiningnan ko lang sya.
"I'm so worried... Akala ko kung ano ng nangyari sayo.... Pinuntahan kita sa condo mo pero maaga ka raw umalis sabi ng gwardiya."
"Maaga akong pumasok... Maraming trabaho." Wala pa rin akong emosyon.
"At 5:00 am.?"
Hindi ko na sya pinansin.... Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko sa computer ko.
Hindi na rin sya nagsalita, nakatayo lang sya sa harap ng mesa ko at pinagmasdan ako.
Bahala sya kung anong gusto nyang gawin. Hindi ko sya pinansin.
"Kumain ka na.?"
"Hindi ako nag aalmusal." Sagot ko.
"Bibili ako ng pagkain mo."
"Wag na."
"Kape gusto mo.?"
"Boss kita at hindi EA.... Ikaw gusto mo ng kape, ipagtitimpla kita."
"Kahapon ka pa hindi kumakain Kristel." Matigas na sabi nya.
"Kakain ako kung gusto ko."
"Nagpapakamatay ka ba.?"
"Sa gutom...? Not my kind.... May mas madaling paraan para magpakamatay kung gugustohin ko."
"Doon ka sa opisina ko magtrabaho."
"Sure boss...."
Inayos ko ang mga gamit ko at nagpatiuna na sa pagpunta sa opisina nya.
TROY
Buong maghapon sa opisina ay daig ko pa ang may kasamang robot.
Walang kapaguran sa pagtatrabaho si Kristel, ni hindi sya nagpahinga para kumain at hindi ko rin sya mapilit.
Hindi sya nagsasalita kung hindi mo kakausapin.
Hindi sya ngumingiti, seryoso lang sya.
Mag ikakawalo na ng gabi ng mapilitan syang umuwi dahil sa pamimilit ko, niyaya ko sya sa bahay mag dinner pero tumangi sya, gusto nya na raw mag pahinga.
Ng mga sumumod na araw ay ganun lang sya.
Lagi ko syang dinadalhan ng pagkain pero, madalas ay hindi nya kinakain kung kumain man sya ay kunti lang.
Pilit kong pinpigilan ang sarili ko na makiaalam sa kanya, gusto ko syang bigyan ng sapat na panahong makapag isip. At matanggap ang nangyari.
Naipaliwanag ko na ang sitwasyon ni Spence sa kanya.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...