KRISTEL
Mula sa bar ay nagdrive ako pabalik sa Bcorp building. Aaminin ko hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang katawan ko dahil sa ginawa ko kay Troy. Hindi ko alam kung bakit ko ba ginawa yun, basta ang alam ko lang galit na galit ako sa kanya dahil sa ginawa nyang pagkagat sa dila ko sa kasagsagan ng pagkawala ko sa katinuan dahil sa mga halik nya. At gusto kong makaganti.
Napangiti ako ng malala ko ang hitsura ni Troy kanina, sarap na sarap sya sa ginagawa ko, napapaungol pa nga sya. Ang ungoy walang kaalamalam sa ginawa ko sa kanya. Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ang bunga ng ginawa ko.
1pm wala pa rin si Troy at wala pa rin ang mga files na pinapipirmahan ko sa kanya. 2pm ang unang meeting namin kay Mr Ty. 5pm ang sunod kay Mr Villar, then dinner meeting pa and late night meeting.
Hindi pweding ikancel ang mga meeting na yun dahil mga mahahalaga silang kliente, at wala akong pakialam kung sumama man sa akin si Troy o hindi, kaya kong makipag deal sa kanila kahit wala ang CEO, ang kailangan ko lang ay ang mga papers na pinapipirmahan ko sa kanya.
1:30 wala pa rin...1:40.....1:45....
Naiinis na tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko sa mesa ko at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Hindi ako pweding mahuli sa meeting.
Pagkalabas ko ng pinto ng opisina ni Troy ay sakto naman ang pagbukas ng elevator, sakay ang lalaki dala ang mga folder.
Walang sabi sabing inagaw ko iyon sa kanya at pinindot ang down button kahit hindi pa sya nakakalabas ng elevator.
"The agenda for today's meeting with Mr Ty is about his private Island in Palawan na gusto nyang ipadevelop into Tourist destination. Ako ng bahalang makipagusap sa kanya makinig ka lang at magsasalita ka lang kung kinakailangan ang opinyon mo." Derederetsong sabi ko.
Wala akong pakiaalam kung nakikinig ba sya o hindi.
Pagtingin ko sa kanya para lang syang tanga na nakatingin sa akin.
Bahala sya sa buhay nya, ang mahalaga sa akin ngayon ay maisara ko ang mga deal para sa araw na yun ng hindi humihingi ng tulong sa kanya.
TROY
Wow.... Shes amazing.... Ang galing nya sobra, para syang si Danica, bago man lang mag ikalima ng hapon ay dalawang kontrata agad ang naisara namin, Medyo naiirita lang ako kasi ang lalagkit ng tingin sa kanya ng mga lalaking ka meeting namin. At ang mas nakakairita ay yung titingin sila sa akin tapos nangingiti sila na natatawa na hindi ko maintindihan gusto ko tuloy itanong sa kanila kung ano bang nakakatawa sa mukha ko.
Mula sa isang restaurant ay lipat naman kami sa isa, para naman sa Dinner meeting with a certain Mr Vazquez.
Sa isang private room kami pumasok. At dahil sa napaaga kami ng dating kaya may kunting oras pa kami para makapag relax, pero si Kriztel sa halip na mag relax ay agad na binuksan ang laptop nya at may ginagawa ito roon na hindi ko makita kung ano.
Nakaupo ako sa harap nya kaya malaya ko syang napagmasdan mula sa kinauupuan ko.
Maganda sya expressive eyes...Rosie checks, flawless skin, and kissable lips.
Pakiramdam ko ay naginit ang katawan ko ng maimagine ko kung gaano kasarap ang mga labing yun gusto ko uling matikman ang labing iyon, at gusto ko uling maramdaman na naglalakbay yun sa aking balat. Mula sa aking punong tainga pababa sa aking leeg.
Naramdaman ko ang unti unting paninikip ng harapan ng pantalon ko.
"Sh@&." Pagmumura ko.
"Okey ka lang.?" Nakakunot ang noong tanong nya sa akin.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...