AN///Sasalisi lang po ako ng isang update, Busy po talaga ang lola nya ngayon pero dahil mahal na mahal ko kayo at hindi ko kayo matiis heto na ang galawang Troy...///
KRISTEL
Pangatlong araw na wala akong balita kay Spence ay para na akong mababaliw... Mabuti na lang laging naandiyan si Troy.
Lagi nya akong dinidistract... Pero minsan nakakapikon nga lang kasi yung pangkuha nya sa atensiyon ko ay pangiinis...... May mga pinagagawa sya sa akin na hindi na naman kasama sa trabaho ko.
Tulad na lang ngayon.
Pilit nya akong isinama sa mall para daw mamili ng mga necktie nya... Necktie talaga.... Ano bang alam ko sa necktie... Susme...
"Ano sa tingin mo ang maganda ang kulay ito o ito.?"
Sabi nya habang hawak nya sa tigkabilang kanay ang magkaibang kulay ng necktie... Isang blue at isang maroon..na magkapareho ang design chickered.
"Ito mas maganda..." Hawak ko ang isang kulay pink na necktie na may nakadrawing na mga hello kitty.
Gusto ko rin syang inisin.
"Okey sinabi mo eh.." Kinuha nya ang necktie at ibinigay sa sales lady.
"Seryoso ka kukunin mo yun."
"Eh sabi mo maganda yun di kukunin ko."
"Papasok ka sa opesina na yun ang soot mong necktie."
"Okey lang basta ikaw ang kasama ko."
Muli kong kinuha ang necktie sa sales lady.
"Ito naman binibiro lang.." Ibinalik ko sa lalagyan.
Hindi ko maimagine ang magiging hitsura nya, naka necktie ng hello kity na CEO... Magiging syang katatawanan sa lahat, at damay ako kasi lagi nya akong kasama.
"Kitam mo ako kayang kong pagtawanan ng ibang tao... Ikaw tong hindi."
"Heh umayos ka nga...ito maganda to.... Ito pa.." May mga kinuha ako na ibat ibang kukay at design ininibigay ko iyon sa kanya para tingnan nya at pagpilian.
Pero anong pilipili... Lahat ng iniaabot ko sa kanya ibinigay naman nya sa sales lady, pagdating sa cashier binayaran nya lahat.
"Kapag iyan hindi mo isinuot lahat makikita mo itatali ko yan sa leeg mo."
Pagbabanta ko sa kanya.
"Oo ba."
Ngumiti sya ng may kasamang kindat sabay hapit sa beywang ko.
Itutulak ko sana sya pero nakita kong papalapit sa amin si Mr. Ty kasama ang asawa nito.
"Mr. CEO..." Nakangiting sabi ng matanda at inilahad nito ang kamay kay Troy.
Agad naman iyong inabot ni Troy.
"Mr. Ty... Mrs. Ty." Nakipagkamay sya sa mag asawa.
"The two of you are so sweet... We are expecting for a wedding bells soon." Si Mr. Ty.
Ngumiti lang kami ni Troy.
"Congratulation for both of you." Si Mrs. Ty. Na nakipagbeso pa sa akin.
"Thank you maam." Sabi ko na rin lang.
Kunting chikachika pa at umalis na rin ang magasawa... Pero si Troy ang higpit pa rin ng hawak sa beywang ko.
Ewan ko pero parang gusto ko rin naman yun.
Kaya hinayaan ko na lang sya, nagpatuloy pa kami sa pamimili ng kung ano anong gamit ni Troy.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...