TROY
Inaamin ko mahirap ang pinagagawa sa akin ni Spence, ang hirap agawin ng atensiyon ni Kristel mula sa kanya.
Subalit may munting damdamin sa puso ko na masaya sa ginagawa ko.
Ang makasama si Kristel araw araw ang piliting pasayahin ito ay gustong gusto ko... Ewan ko ba kung bakit pero masaya ako sa ginagawa ko kahit alam kong ginagawa ko iyon para kay Spence.
Araw araw ay hatid sundo ko si Kristel, sa opisina ko na sya pinagtatrabaho para lagi kong syang nakikita at mapapasaya ko sya kung nalulungkot man sya.
Kapag nakikita kong naiiyak na sya dahil sa sobrang pagkamiss kay Spencer ay i tse cheer ko sya... Kahit corning hirit o kahit baduy na banat sige lang ang mahalaga makita ko syang ngumiti.
I'll make it a habit na dalhan sya ng fresh flowers araw araw para sa table nya just to lighten the mood.
Lagi ring isinasabay ko sya sa pag kain at madalas sa bahay kami nagdidiner para makasabay si dad.
Isinasama ko syang mag shopping kahit ang totoo wala naman akong hilig doon, hindi ko na nga alam kung saan ilalagay ang mga pinamili namin.
Madalas ko rin syang isinasama mag work out pero sa gym ko na, kasi ayaw kong pinagpipyestahan ang maganda nyang katawan ng mga mata ng ibang lalaki. Gusto ko ako lang ...joke...
Every weekend ay sinisigurado kong uuwi sya sa kanila o kaya kasama nya ang barkada nya bago ko sya iniiwan. Yes... Nag ii spy pa rin ako sa kanya .... No mas tama sigurong sabihing ini stalk ko sya.
Pero sinasabi ko para kay Spence ang ginagawa ko, pero alam ko na ginagawa ko yun para sa sarili ko.
Madalas ko syang kinakausap, halos alam ko na nga lahat tungkol sa buhay nya. Alam kong valedictorian sya nung elementary, pero nung mag high school nahing Salutatorian na lang kasi napabarkada sya ay natutong gumamit ng drugs. Pero itinigil nya rin dahil alam nyang walang maidudulot na maganda sa kanya.
Nalaman ko rin na pang limang boyfriend nya na si Spencer pero ito lang ang seneryoso nya.
Ang dami ko pang nalaman sa kanya pakiramdam ko nga ako na si boy abunda. Pero ginagawa ko lang naman yun para makalimutan nya kahit papano ang boyfriend nya.
Lumipas ang mga araw ng hindi ko namamalayan, pero si Kristel alam kong binibilang nya ang bawat araw na hindi man lang nagpaparamdam sa kanya si spencer.
At nakokonsensya na nga ako kasi araw araw tumatawag sa akin si Spence kinukumusta ang girlfriend nya minsan nga nagnanakaw pa ako ng mga live video nya habang magkasama kami para lang ipadala kay Spence.
At habang tumatagal ay pahirap na ng pahirap iyon para sa akin.
May lihim na damdaming binubuhay sa puso ko si Kristel, kakaiba iyon kaysa sa naramdaman ko noon kay Danica at kahit minsan sa buhay ko ay hindi pa ako nakaramdam ng ganun.
Mas matindi iyon mas makapangyarihan.
Subalit ayaw kong bigyan ng pansin.
Ayaw kong palaguin... Dahil alam kong walang patutungohan.
Nakikita ko kung gaano kamahal ni Kristel si Spencer at ganun din naman si Spence.
Ang hirap pumagitna sa dalawang nagmamahalang nilalang, ginawa ko na yan noon, kina Bryle Lee at Danica. At walang nangyari nahirapan lang ako at nasaktan.
Pero heto na na naman ako nasa pagitan ng dalawang nagmamahalang nilalang alam kong talo na naman ako rito kaya habang maaga papatayin ko kung anoman ang ang nabubuhay na damdamin sa puso ko para kay Kristel.
Its almost a month pero wala pa ring ibinabalitang development sa ginagawa nyang pakikipag negotiate kay Isabel si Spencer.
Mukhang makapangyarihan nga ang dating EA ni Spence at hindi nya ito basta basta nalulusotan.
Naawa rin naman ako sa kanya pero alam kong wala akong maitutulong sa problema nya kay Isabel... Pero kay Kristel may magagawa ako.
Pero hindi ko alam kung hanggang saan at hanggang kaylan ko makakayang itago kay Kristel ang totoong nangyayari kay Spence, hindi ko alan kung hanggang kaylan ko sya mapagtatakpan.
Opisina...
Its 9am pero wala pa rin si Kristel, hindi sya nagpasundo sa akin ngayon kasi may dadaanan daw muna syang personal na errand daw.
Hindi na ako nagpumilit kasi gusto ko rin syang bigyan ng kunting space.
Pero mag aalas nuwebe na wala pa rin sya, kilala ko na si sya sa mahigit isang buwang magkasama kami ni minsan ay hindi pa sya nahuli sa pagpasok sa opisina.
9:00....9:15....9:30... Wala pa rin.
I tried to call her pero wala hindi ko sya macontact out of coverage area.
"Jane..." Tawag ko sa intercom sa secretary ko na receptionist ko.
"Yes boss."
"Wala pa ba sa office nya si Kristel."
"Wala pa boss."
"Hindi ba sya tumawag sayo..?"
"Hindi rin po... Pero naandito po ang kapatid nya Si Mr. Keeper Carvonel.. Gusto nya pong makipagkita sa inyo pero wala syang appointment."
Bigla akong kinabahan.
Anong ginagawa ng kapatid ni Kristel sa opisina ko.
"Papasokin mo sya." Sabi ko kay Jane.
Ilang sandali pa ay bumakas ang pinto at pumasok si Jane kasama ang kapatid ni Kristel naka coat and tie ito mukhang papasok pa lang sa opesina, ang alam ko sa Lee Groups sya nagtatrabaho.
"Mr. Balesteros sir... " inilahad nito ang kamay nya na agad ko namang tinaggap.
"Mr. Carvonel... What brings you here.?"
"Sir... Hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa... Mr. Balesteros I need you're help."
Naging alerto ang bawat senses ko.
Seryeso ko syang tiningnan sa mata.
"Anything Mr. Carvonel basta para kay Kristel at sa pamilya nya."
"Its about Ate Kristel."
Mas lalo akong naging alerto.
Napatayo na ako mula sa kinauupuan ko.
"What about her."
"Hindi ko sya napigilan pasakay sya ngayon ng eroplano papuntang Japan, pupuntahan nya si Spencer Herrera."
AN//// Wahhh....tilian muna tayo.... Break po muna kahit ako kasi natetense sa ginagawan ko... Whew.... Hirap nito.... Alam ko pong ang taas ng expectation nyo sa kwentong ito... Pwede po bang humingi rin muna ako ng mataas na reads, votes at comments bago ako mag update uli.... Pampa relax lang ba.... At pamapasaya sa pobreng Author na namimilipit na sa kilig kay troy.... Wahh....
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...