/AN/Sorry po late update... Lagi na lang brown out sa amin haist///
KRISTEL
Gigil na gigil ako sa asawa ko.
Sino ba naman ang matutuwa kung tatakasan ka ng asawa mo aber.
Katatapos lang naming magusap at pumayag na syang sumama ako sa paguwi nya ng Pilipinas, nakatulog lang ako saglit pagkagaling namin sa OB, pagising ko nalaman ko na lang kay mommy na umalis na sya at iniwan sa akin ay isang text message na nagsasabing aalis muna sya, kasi may aayosin daw mjna syang problema sa kompanya, at babalikan nya na lang ako.
Natural nag init ng husto ang ulo ko idagdag pa ang paglilihi ko, gusto ko lagi ko syang nakikita, may mga gusto akong pagkain na si Troy ang gusto kong gumawa o kumuha para sa akin. Sabihin na nating kaartehan pero yun ang gusto ko at yun din ang paraan ko para makasiguro na mahal nya nga ako at gagawin nya ang lahat para sa akin.
Kaya ng malaman kong nakaalis na si Troy ay agad kong tinawagan ang mga kakilala kong airport officials sa hongkong para makakuha ako ng agarang flight papunta ng Pilipinas.
Yun ang advantage ngapabilang ka sa mundo ng mga mayayaman at negosyante, marami kang makikilalang mga tao na pwede mong lapitan sa oras ng pangangailangan.
Nakakuha ako agad ng flight at halos 30 minutes lang ang pagitan sa flight ni Troy.
At sinuwerte pa ako dahil nakasabay ko sa eroplano ang kaibigan kong anak ng senador kaya hindi kami naipit sa traffic. Nauna pa akong dumating sa Bcorp kay Troy.
Pero nalaman ko mula kay Jane na may stock holder at board meeting kaya hindi na muna ako nagpakita sa mga tao baka kasi isama pa ako sa meeting hindi ako handa at hindi maganda ang pakiramdam ko.
Sa opisina na lang ako ni Troy tumambay at doon ko na lang balak hintayin ang asawa ko para awayin... Yun talaga ang plano ko ang awayin sya.
May monitor ng CCTV sa conference room sa loob ng opisina ni Troy at may Audio pa yun, sya lang ang meron nun kahit ang security ay walang audio ang monitor sa loob ng conference room.
Kaya para narin akong nasa loob ng conference room nakikita at naritinig ko ang pinaguusapan nila.
Unang umagaw sa atention ko ay ang isang babaing bagong myembro ng stock holder nakaupo sya sa upuan ni Mr. Ty.
Tinawag ko si jane para magtanong tungkol sa nasabing babae.
Ipinaliwanag sa akin ni Jane kung sino ang babae si Isabel Navarro or Akira Inoue at kung ano ang ginagawa nya sa loob, nalaman ko ang lahat lahat sa sekretarya ko at kaibigan ko na rin, pati yung tungkol sa ginagawa nito sa BCorp ay nalaman ko rin pati na ang pangigipit nito sa asawa ko, at kung ano ang gustong mangyari nito.
Umuusok ako sa galit pero nagpakahinahon ako. Pinaguusapan nila ang tungkol sa pagbaba ng stocks ng BCorp na alam kong may kinalaman ang asawa ni Spencer.
Tatayo na sana ako para makisali sa mga nasa loob ng conference room ng makita ko ang pagpasok ng napakagwapo kong asawa, kimabog na naman ang dibdib ko.
Nakita at narinig ko ang lahat ng nangyayari sa loob.
Nakita ko kung papano sindakin ng babaing walang mata ang asawa ko, at hindi naman nagpatalo ang mahal ko. Pero nagagalit pa rin ako kasi bakit hindi sinabi sa akin no Troy ang totoong problema, bakit naglihim sya sa akin, kaya pala ayaw nya akong pauwiin sa pilipinas kasi may itinatago syang lihim na problema.
Nagdiwang ang puso ko kasi nakita ko kung papano ako ipinaglaban ni Troy nakahanda syang igive up ang lahat para sa akin.
Pero hindi ko naman yata papayagan yun, hindi ito teleserye sa telibisyon na pumapayag magpa api ang mga bida lintik lang ng walang ganti, makikita ng Isabel Navarro na yan.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomantikErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...