AN////At ito pa po kasi may nag comment agad ginanahan ako masgsulat to : MaCristinaFloro, annshylo, SydalgManaois, ChedLexterTondo, alikiej, jesshinemarcelino, piastrorose, limmargie, MAcherrelynNaraja, ClarissaWilliams257, chubbytamargie, chequimine, MaricrisAquino4, Tetay123, klene18, & jennyodarve. thank you po sa mga inspiring comments nyo.////
Stock holder meeting.
Mag lilimang oras ng Iginigisa ng mga stock holder si Troy, ang dami nilang tanong, lahat may kinalaman sa management skills niya.
"Papano kami nakaka siguro na hindi babagsak ang Bcorp sa pamamahala mo." Isa lang yun sa mga tanong.
Mahusay na nasagot ni Troy ang tanong na yun, pero hindi nya pa rin nakuha ng buong tiwala ng mga stock holder, may ilang gusto ng mag pull out ng stocks.
"I will not take chance." Sabi ng isa sa mga investor na may malaking shares.
Sumama ang mukha ni Troy mukhang napipikon na sya, kinikwestyon na kasi ang kakayahan nya.
Sa dalawang araw na nakasama ko ito sa trabaho, alam kong masyadong mainitin ang ulo nya at wala syang pakiaalam sa mga investor,
"Excuse me gentlemen and ladies." Sabat ko sa usapan nila.
"Yes Miss Carvonel." Si Mr Ty ang isa sa may mataas na share sa kompanya at isa sa mga gustong mag pull out ng stocks.
"I'll be working with The new CEO so i can assure you that you're investment is still in good hand."
"Yes we have trust in you Miss Carvonel, we know how good you are in handling the Company but you're just The CEO's assistant and that cannot give us guarantee that you will stay in the company for long you are not in contract or anything with the Bcorp so you can leave anytime you want... And we heard a lot of rumors that you and MR. CEO here is not in good terms." Si Mr Ty.
Nagkatinginan kami ni Troy.
Totoo ang sinabi ni Mr. Ty....pero ang tanong pano nila nalaman ang tungkol madalas na pagaaway namin ng CEO.
"And we heard also that You and you're boyfriend for 5 years Mr Rafael Spencer Herera are planning to get married so that means sooner or later you will be leaving Bcorp to work in Herera Empire your fiance's Company." Si Mrs Gerona ang isa pa sa mga investor.
Tumungin ako kay Troy.... Hala lalong sumama ang mukha nya.
"That's not true Mrs. Gerona.... Miss Carvonel here... Is not getting married to Mr. Herera and she will not leave the Bcorp."
Ako naman ang napakunot ang noo. Sinong may sabi sa kanya na hindi ako magpapakasal sa boyfriend ko.
"How can you be so sure about that.?" Si Mrs Gerona.
"Its because shes getting Married with me."
Ano daw.?
Biglang nagkagulo ang mga investor.
"Tama ang narinig nyo, kami ni Miss Carvonel ang ikakasal. Kaya ang ibig sabihin mananatili sya sa Bcorp at sa Tabi ko ng habang buhay...."
Shock as in super shock ni hindi ko magawang makapagsalita, nakita ko ang malalapad na ngiti ng mga investor lahat sila ay tuwang tuwa sa sinabi ni Troy...pero ako hindi.
"So ladies and gentlemen that's all for today the meeting is adjourn."
At tumayo na si Troy sabay hawak sa kamay ko at hila sa akin palabas ng conference room.
Halos kaladkarin na ako ni Troy papunta sa opisina nya ang higpit ng hawak nya sa kamay ko.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa opisina nya ay agad nyang isinara iyon.
"Don't curse... Don't yell or shout lets talk like a civilize people." Pauna sa akin ni Troy.
Kaya hindi ko na naituloy ang plano kong pagwawala.
"ilang percent ba ang stocks ni Mr. Ty at Mrs. Gerona sa kompanya ha.?"
Tanong nya sa akin.
"Dalawa sila sa may pinakamalaking share sa kompanya... Mr. Ty has 15% share while Mr. Gerona is 10%."
"And we own the 50% right.?"
"Yes because you're dad owns the company."
"Gaano ba kalaki ang epekto sa kompanya kung mawawala ang 25% sa stocks nito."
"Mahihirapan tayo or worse babagsak ito."
"Magkano ba ang shares nila.?"
"Kung binabalak mong bilhin ang shares nila, sinasabi ko sayo hindi magandang ideya yun. Ty and Gerona are known for being an excellent businessmen tinitingala sila sa business community kapag nag pull out silang ng stocks malamang sa alamang magsusunuran na rin ang iba pang maliliit na stockholder."
"Shit!" Marahas nyang naihilamos ang mga kamay nya sa sarili nyang mukha.
"Kailangan ba talaga nila akong husgagan dahil sa nangyari sa JB.. What happened in JB is a mistake."
Napaupo sya sa upuan nya na tila ba hinang hina. Noon ko lang sya nakitang nagkaganun. Kung nagpapaawa sya effective kasi naawa ako sa kanya.
Pero may kasalanan pa sya sa akin.
"Bakit mo sinabi sa mga investor na magpapakasal tayo.?" Mahinahon ngunit puno ng diin na sabi ko sa kanya.
"Sorry about that, hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yun, pero hayaan mo babawiin ko rin naman yun kapag nakaisip na ako ng paraan para hindi mag pull out ng investment ang mga investor... Ewan ko ba naman kasi sa mga siraulong investor na yun kung bakit mas may tiwala pa sila sayo kaysa sa akin."
Okey na sana naawa na ako, pero bigla pa syang bumanat, gusto ko tuloy syang batukan.
"Mas sira ulo ka... Hindi lang ang kompanya ang inilagay mo sa alanganin kundi pati ako. Ano na lang ang sassbihin sa akin ng ibang tao, na ang tangatanga ko kasi pumatol ako sa gagong katulad mo."
"Watch you're tongue miss Carvonel, baka nakakalimutan mo na ang gagong ito ay boss mo. Gusto mo bang tuluyan ko ng putilin yang dila mo."
"Subukan mo at hindi lang hickeys ang ilalagay ko sayo, pupunuin ko ng pasa yang katawan mo.... Ayosin mo ang gulong ito na ginawa mo bago pa lalong magkagulogulo."
Tumingin lang sya sa akin, yung tingin na na hindi mo maarok ang ibig sabihin.
"Ikaw wala ka bang naiisip na paraan kung papano natin to malulusotan."
"Wala... Kasi ayaw naman nilang maniwala na hindi ko iiwan ang Bcorp hanggat hindi ito nasa ayos."
"So ibig sabihin iiwan mo talaga ang kompanya sooner or later."
"Di ba yun naman ang gusto mo.? Ang mawala ako."
Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa screen ng computer nya na naka off.
"Its because your a real pain in the ass. Hindi kita makausap ng matino lagi ka na lang pabalang kung sumagot at yang mga lumalabas sa bibig mo hindi bagay sa posisyon mo."
"Its because you're an asshole. Depende sa kausap ko ang lumalabas sa bibig ko."
"Hindi ba tayo pweding magkasundo.?"
"Depende yan sayo."
"Bakit ako.. Di ba dapat ikaw ang makisama sa akin kasi ako ang boss mo."
"Yes you maybe the boss pero higit na kailangan mo ako kaysa sa kailangan kita, live with my rules at mag kakasundo tayo."
"No way..." Mariing sabi nya.
"Okey then, pero ito ang sasabihin ko sayo, hindi ako ang susuko sayo... Never."
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...