CHAPTER 33

46.8K 1K 31
                                    

/AN/Pahabol na update bago lumarga....Alam nyo po bang mas kinikilig ako sa mga comments nyo kaysa kay troy...yeee... dun po sa mga humihingi ng facebook page ko gagawa pa lang po ako yung exclusive lang para sa mga nagmamahal sa akin.... Love you all.///



Hindi lang ang makawala sa anino ni Spence ang gusto kong manyari, gusto ko ring makaganti sa kanya.

At si Troy sya ang pinaka bagay sa paghihiganting plano ko. Best friend nya si Troy. Sa kanya nya ako ipinagkatiwala, gusto kong iparanas sa kanya ang pakiramdam ng saktan ka ng taong pinagkakatiwalaan mo tulad ng ginawa nya sa akin.

Iniwan ko si Troy ng hindi nalalaman ang sagot nya. Hindi ko sya pipilitin kung ayaw nya ang dami namang iba dyan na gugustohing makasal at magkaanak sa katulad ko.

Kung nagawa nyang magpakasal sa iba pwede ko ring gawin yun. Sino ba sya sya lagng ang nagiisang lalaki na minahal ko.

Nagkulong ako sa opisina ko at nagtrabaho buong maghapon. Ni hindi naman ako inistorbo ni Troy.

Siguro nagalit sya sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya. Inaaamin ko mali ako dun....naging napakabuti nya sa akin walan syang ibang ginawa kundi ang protektahan ako at pasayahin.

Hindi nya deserve na gamitin lang para manakit ng iba o makaganti, kaya nga binigyan ko rin sya ng magandang deal, magpapakasal kami at bibigyan ko sya ng anak na isa sa mga kundisyon ng daddy nya para ibigay sa kanya ng tuluyan ang kompanya.

Ngunit kung mas pipiliin nyang maging isang mabuting kaibigan wala akong magagawa.

Isang tawag sa celphone ko ang pumutol sa pagiisip ko.

Keeper calling.

Ang kapatid ko.

Agad ko iyong sinagot.

"Keeper whats up.?"

"Ate.... Anong kalokohan to...?"

"What do you mean.?"

"Buksan mo ang TV mo."

Agad kong ginawa ang sinabi nya binuksan ko ang tv sa loob ng opesina ko.

Agad na bumulaga sa akin ang mukha ni Troy nasa loob sya ng conference hall ng Bcorp at nagpapa press conference.

"Kaylan ang kasal Mr Balesteros.?" Tanong ng isang reporter

"April 5 next week." Sagot ni Troy.

"Why so sudden.?" Reporter.

"Its not.... Actually the plan was already made 2 months ago before i take over the company... Pero medyo nagkaroon kasi ng problema sa Bcorp kaya ipinagpaliban muna namin. Pero ngayon wala ng urongan to... So to my bride Kristel Carvonel this is it... I'm warning you i will not give you a chance to change you're mind. I want my honeymoon baby sweetheart so be ready soon to be Mrs Kristel Balestetos."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halos hindi ako makahinga.

How can he do that without telling me.

"Ate... Ano to.?"

Noon ko lang nalala kausap ko nga pala sa telepono si keeper.

"I'll call you back keeper."

Ineend ko na ang call.

Agad akong naglakad papunta sa conference hall.

Paglabas ko pa lang ng opisina ko ay nakita ko ng nagkakagulo ang mga empleyado ng BCorp.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon