Sa isang fine dining restaurant nya ako dinala, wala akong ganang kumain, kaya simple dinner lang sana ang gusto ko, pero ang inorder ni Troy pang fiesta.
"Last supper na ba ito.?" Tanong ko.
"Kumain ka na lang, wag kang maraming tanong."
Ipinaglagay nya ako ng pagkain sa plato ko. At pinagsilbihan ako ng husto.
Hindi ko mapigilang magtaka sa mga ikinikilos ni Troy, nakakapanibago kasi talaga. Ang bait nya sa akin. Ano bang meron.
Nahiya naman ako sa kanya kaya pinilit kong kumain kahit wala akong gana, habang kumakain ay panay ang tingin ko sa celphone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
Ngmatapos kaming kumain ay inihatid nya na ako sa condo ko.
Nagtaka ako kasi inihatid nya ako hanggang sa labas ng pinto ng unit ko.
"Gusto mong pumasok muna para mag kape.?"
"Hindi na..... Pumasok ka na sa loob, lock your door ang get some sleep."
Nginitian ko sya.
"Salamat sa dinner at sa paghatid."
"Youre welcome... Everything's gonna be alright Kris..... Susubukan kong kontakin si Spence para sayo.... Basta kahit anong manyari, nandito lang ako...... Hindi man tayo magkaibigan at hindi man tayo close, hindi naman kita pababayaan.... Goodnight kris."
Pilit akong ngumiti.
"Thanks boss. Goodnight din at ingat."
TROY
Pagkaalis ko sa condo ni Kistel ay dumiretso ako sa bar ng kaibigan kong si Jorel.
"Hi bro... What do you want whisky or rum.?"
" yung light lang bro."
Napakunot ng noo si Jorel.
"Sigurado ka.?"
"Oo....."
Nagkibit balikat lang sya at inihanda ang inomin ko.
"Tumawag ba sayo si Spencer.?"Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa... Bakit.?"
"Hindi ko kasi sya makontak... Kahit si Kristel hindi nya rin tinatawagan o kaya ititext man lang."
"Baka busy lang."
"Try to call her bro."
"Bakit...?"
"Basta subukan mo lang."
Kinuha ni jorel ang cellphone nya. At idinayal ang number ni Spence.
"Ano nag riring.?"
Tumango si Jorel.
"Give it to me." Sabi ko sa kanya.
Iniabot naman nya sa iyon sa akin.
Nag riring nga... Pero ako kanina pa tumatawag sa kanya ay hindi sya makontak.
"Jorel bro whats up.?" Si Spence.
"Si Troy to Spence."
"Oh.... Troy tol ikaw pala." Halata sa boses nya na nagulat sya.
"Iblinock mo ba ang tawag ko sa CP mo.?"
"No... Bakit ko naman gagawin yun."
"Eh ang tawag ni Kristel.?"
Natigilan sya.
"Ano bang nangyayari Herrera.... Halos mabaliw na yung tao dahil sa pagaalala sayo."
"Bro.... May problema kasi ako.... Ikaw na munang bahala sa kanya please."
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...