CHAPTER 38

49.2K 1.1K 81
                                    

TROY

Pumasok sa isang silid si Kristel at ang mga magulang nya. Nagaalala ako para sa kanya. Pero mukhang mabait naman ang papa nya medyo may pagka strikto nga lang. Hindi nya naman siguro sasaktan si Kristel.

Naiwan ako kasama ang mga kaibigan nya at mga kapatid na masasama ang tingin sa akin.

Si keeper ang unang lumapit sa akin.

"Kaninong ideya ba ang kasalang ito.?" Tanong nya sa akin.

"Kay kristel... Na sinang ayunan ko naman."

"Bakit.?"

"Kapwa kami makikinabang sa kasalang ito. Sya makakawala sya kay Spencer at maipapakita nya sa mga tao na hindi sya iniwang luhaaan ako para sa kompanya ko."

"Yung totoo Mr. Balesteros sir. You're not the kind of man na magpapatali dahil lang sa isang walang kwentang dahilan. So tell me ano ang totoong intensyon mo sa kapatid ko.?"

Tiningnan ko muna ang mga taong kasama namin sa sala.

Lahat ng mata nila nakatingin sa akin. Naghihintay ng kasagutan ko.

"Mahal ko sya..."

"Woh.!!!... Yes...!! Yun na yun...!!!" Halos magkakapanabay na sigaw ng mga kapatid at kaibigan ni Kristel.

Napamaang ako sa mga naging reaksiyon nila. Nag high five ang lahat tuwang tuwa sila at isaisa silang lumapit sa akin para i man hug ako at kamayan.

"Congratulation pare..." Sabi ng mga kaibigan nya.

"Kuya... Welcome to the family" ang bunso nilang si kasper.

"Congrats Mr. CEO Sir... kuya ka na namin ngayon sana makayanan mo ang tupak ni ate." Si kellson.

Then ang panghuli si keeper.

"Mr. Balesteros sir... Thanks for rescuing my sister."

"Call me Troy keeper..."

"Kuya Troy...." Ngumuti sya. "Si ate kristel ang ikalawa kay mama sa mga pinakaimportante at pinakamamahal naming babae sa mundo, ang dami nya ng isinakripisyo para sa amin. Ng mabalitaan namin ang ginawa ni Herrera kay ate, gusto ko syang sugurin at patayin. Alam namin kung gaano sya kamahal ni ate kaya alam namin kung gaano nya sinaktan ang kapatid namin. Si mama umiyak sya ng umiyak para kay ate, si papa isinugod namin sa hospital kasi inatake ng high blood dahil sa sobrang galit, lahat kami ay nasaktan para sa kanya.... Pero hindi namin yun pweding ipakita sa kanya... For more than a month she shut us out in her life alam namin na yun ang paraan nya para hindi namin makita na nasasaktan sya, hindi kami makalapit sa kanya ni hindi namin sya makausap, ipinapakita nya sa amin na okey sya pero alam naming hindi, yan sya eh... Mas gusto nyang sarilinin ang nararamdaman nyang paghihirap kaysa idamay kami. Kaya napakalaki ng pasasalamat namin sayo kasi alam namin na ikaw ang naging tagapagalaga nya... Ikaw lang ang pinalalapit nya sa kanya... Sayo nya lang ipinapakita yung tunay na nararamdaman nya... Hindi namin alam kung papano makakaganti sa kabutihang ginawa mo para sa kapatid namin... Then this... Alam ko na alam mo na ginagamit ka lang ni ate para makaganti kay Spencer pero nagpagamit ka pa rin... Thanks Tol... We owe you a lot."

Tumagos sa puso ko ang mga sinabi ni keeper ngayon ko mas naunawaan kung bakit inilayo ni Kristel ang sarili nya sa pamilya nya noong labis labis ang sakit na kanyang nararamdaman. Shes just Trying to protect them from pain that they can feel for her. Nasasaktan na sya pero pamilya pa nya ang iniisip nya. Papano nya nakayanan ang lahat.? Shes a though woman indeed but still i want to protect her to take care of her. I want to be with her for the rest of my life... Sana ganun dun sya... Pero alam kong hindi.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon