CHAPTER 11

54.1K 1.1K 41
                                    

AN/// Sige na nga po dahil naeexcite din ako sa mga magiging reaksyon nyo kaya dadagdagan ko po ang update ko... natutuwa po kasi akong talaga sa mga comment nyo kaya ginaganahan akong magsulat... salamat po ng maraming marami.//////



KRISTEL

Upang makaiwas sa init ng ulo ay iniwasan ko na lang muna si Troy hindi ako lumabas ng opisina ko nagtrabaho lang ako ng nagtrabaho, hanggang sa naramdan ko na lang na unti unti na akong iginogupo ng pagod.

Halos isang oras lang ang tulog ko kagabi at ilang araw na ring wala akong sapat na tulog. Ipinatong ko ang ulo ko sa braso kong nakapatong sa mesa, para magnakaw sana ng kunting tulog, pero biglang tumunog ang message tone ko may nag text si Spence.

"I miss you sweetheart."

Pakiramadam ko biglang nabuhay ang mga brain cells ko.

Agad akong nag reply.

"I miss you too."

"Busy.?" Spencer

"Sobra." Ako.

"Tired.?" Spencer.

"Super, may sakit kasi si tito." Ako.

"Eh di ikaw na namang magisa ang nagpapatakbo ng BCOrp."

"Hindi, nandito naman ang anak nya si Troy, sya ang katulong ko."

"What... Shit... I'm coming home ASAP."

"Bakit.?"

"Wala akong tiwala sa isang yan, i need to mark my territory, wait for me sweetheart at hanggat wala ako wag kang didikit kay troy."

"???" Reply ko sa kanya.

"Basta, sige na... I love you."

"I love you too."

Ibinababa ko ang CP ko ng may ngiti sa labi.

Pakiramdam ko na recharge ako dahil sa simpleng text conversation namin ni Spencer ang nagiisang lalaking minahal ko at boyfriend ko for 5 years.

Yes 5 years ganun na kami kami katagal, on and off nga lang ang relasyon namin kasi pareho kaming hindi pa handang mag seryoso sa relasyon, kapag nagaaway kami cool off muna pero pagkalipas ng mga ilang araw or linggo okey na naman kami, kung sino ang hindi makatiis sya ang makikipagbati. 

Pero madalas ako ang unang nanunuyo sa kanya kasi ako naman ang laging may kasalanan kapag nagaaway kami. At ang madalas naming pagawayan ay ang kawalan ko ng panahon sa kanya.

Kinakain ng Bcorp ang buong oras ko na kung minsan kahit ang pag reply ng I love You Too sa kanya sa text ay hindi ko na magawa.

Madalas na nga kaming magkalayo dahil lagi syang nasa ibang bansa dahil sa Japan naka base ang negosyo nila lagi pa akong walang oras sa kanya kapag umuuwi sya ng Pilipinas para dalawin ako.

Kaya ipinangako ko sa sarili ko na oras na maging stable na ang kompanya sa kamay ni Troy, magreresign na ako at sasama kay Spencer sa Japan para doon na magtrabaho sa kompanya nila.

Napabuntong hininga ako.

Kaylan kaya mangyayari yun. Sa kasalukuyang estado ng pakikitungo namin ni Troy sa isat isa mukhang malayong mapadali ang trabaho ko, siguro kailangan ko ng bagong strategy para mapatino sya.

Magpakabait kaya ako sa kanya, baka sakaling gumana, pero parang hindi ko kayang masikmura yun eh kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko sya.

Nagising ako dahil pakiramdam ko may mga matang nanggagahasa sa akin.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon