CHAPTER 32

49.2K 1.1K 50
                                    

/AN/ Update po uli ako kasi baka hindi ako makaupdate bukas may benchmarking chuba ek ek nek nek....tour ang BLGU sa bayan namin 2-7 at kasama ako doon, baka kasi walang wifi sa pupuntahan namin. Pero sana meron.///

Ng mga sumunod na araw ay pinilit kong kumilos ng Normal kahit ang totoo ay ang bigat pa rin ng kalooban ko... Nasasaktan pa rin ako.

May mga gabi na nakakatulogan ko ang pagiyak.

At tulad ng ipinangako ni Troy... Hindi nya ako iniwan... Lagi syang nadiyan para sa akin. Kulang na lang magbihis clown sya para lang pasayahin ako.

At naappreciate ko yun.

Pakiramdam ko nga close na kami.

Ang balita tungkol sa kasal ni Spencer kay Akira Inoue o Isabel Navarro ay kumalat na sa lahat ng social networking site... Pati sa mga televesion at pahayagan.

Kulang na lang ay magtago ako sa mga taong nakakalam ng tungkol sa relasyon namin ang dami nilang tanong, pero wala akong maisagot sa kanila.

Ang mga kaibigan at kapamilya ko nanatiling tahimik pero alam ko marami rin silang gustong itanong sa akin.

At isa na roon ang katanungan ng marami anong nanyyari sa amin ni Spence.?

Ang hirap ng pinagdaraan ko. Kasi kahit ako sa sarili ko ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari... Bakit kami umabot sa ganito.

Marami ang umasa, kasama na ako roon na kami ang ikakasal. Tapos bigla hindi pala.

Ang sakit lang.

I have to move on... Pero ang tanong papano... Kung laging nakasunod sa akin ang anino ni Spence.

Kailangan kong makawala sa kanya, sa alaala nya sa anino nya....

Biglang sumulpot si Troy sa harapan ko.

"Hey... Ako bang iniisip mo.?" Alam kong nagbibiro lang si Troy.

Alam nya naman kasi kung sino ang naiisip ko kapag nalulungkot ako.

Nginitian ko sya.

"Mas gusto ko yan.... Lets go handa na ang mga investors para sa meeting."

Tumayo ako at kinuha ang gamit ko na agad ding kinuha ni troy... Hinawakan nya ako sa kamay at pinagsalikop ang mga daliri namin, yun ang act namin sa tuwing haharap kami sa mga investor. We are engage.. Yun ang alam nila.

Tiningnan ni Troy ang daliri ko.

"May kulang para ma kompleto ang act."

May kinuha sya sa bulsa nya... Isang singsing.

"Oi ito ha pahiram ko lang to sayo kasi kay mommy pa yan, engegement ring nila ni dad. Wag mong wawalain yan at patay ka sa akin hierloom yan mula pa yan sa kanununuan namin."

"Susme hindi kaya ako multohin ng mga ninunu mo dahil ipinagamit mo sa akin to."

"Hindi naman siguro pero ayon sa kwento ni mommy ang sinoman na magsuot nyan ay natatali ng habang buhay sa lalaking nagbigay sa kanya nyan."

"Dyan ako hindi naniniwala.... Bakit iniwan ng mommy mo ang daddy mo, kung totoo yung sinasabi mo eh di sana hindi iniwan ng mommy mo si Tito."

"Iniwan nya nga si daddy dahil babaero ito, pero kahit nakailang babae na si dad si mommy never syang tumingin sa ibang lalaki, kasi nga ibinigay sa kanya ni dad ang singsing na yan kaya natali sya ng habang buhay kay daddy... "

"Oo nga no.... Hala ayaw ko na nito lalo na at ikaw ang nagbigay ayaw kong matulad kay tita."

"Ang sakit mo namang magsalita."

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon