Pareho kaming walang imik ng bumalik sa mga trabaho namin, naobliga akong magtrabaho sa loob ng opisina ni Troy dahil may mga iniendorse ako sa kanyang mga transaction.
Tinawag nya akong lumapit sa kanya dahil may ipinapakita sya sa akin sa computer nya.
"How come na nag net loss tayo almost a million ng February 5.?" Tanong nya.
"Its because we pay for our creditors.... let me see..." kinuha ko sa kanya ang mouse ng computer.
Tumayo sya at pinaupo ako para hindi ako mahirapan, pumwesto sya sa likuran ko.
"Wait...wait scroll up." Sabi nya.
Na ginawa ko naman.
"Global bank 50 million... Whats this.?"
Naramdaman kong ang lapit lapit nya sa akin na halos nakadikit na ang mukha nya sa gilid ng ulo ko, amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Biglang kumabog ang dibdib ko.
Pilit kong kinalma ang sarili ko.
"Ah yan yung inutang natin sa bangko na sinasabi ko."
"Bakit kailangan nating mangutang sa bangko... We are a big company at may sapat tayong pera."
"Oo nga nagkasabay sabay kasi yung mga job order natin, mostly mga government building kaya kinailangan muna nating manghiram sa bangko, but don't worry nagawan ko naman ng paraan yan na kunti lang yung maging interes."
"Ganun ba.. "
Ang BCorp ay isang international construction company na nag ko construct ng mga pinakamatatayog at pinakamakabagong building around the globe.
May mga ipinakita pa sa akin si Troy na mga hindi nya mantindihan sa transaction record, nanatili akong nakaupo sa upuan nya at sya naman nakatayo sa likuran ko. Halos magkadikit na ang mga katawan namin.
May kakaiba akong naramdaman dahil sa presensya nya. At hindi pamilyar yun sa akin.
Nagiiba ang tibok ng aking puso at hindi naging normal ang aking paghinga, gusto kong lumayo sa kanya pero hindi ko alam kung papano.
Isang katok sa pinto ang pumailanlang.
"Come in." Malakas na sabi ni troy.
Agad na Bumukas ang pinto at iniluwa noon ang pinaka magandang lalaki sa paningin ko si Spencer ang pinakamamahal kong boyfriend.
Hala biglang naghuramentado ang puso ko.
Pero kinabahan ako ng makita ko na magkasalubong ang kanyang mga kilay.
"Babes..." Gulat na sabi ko.
"Hi sweety.... Miss me"
Mabilis akong tumayo kaya biglang napaurong si Troy.
Patakbo akong lumapit kay Spencer sabay yakap sa kanya agad nya akong niyakap at siniil ng halik sa labi.
Ipinadama namin sa pamamagitan ng halik kung gaano kami kasabik sa isat isa.
Nakalimutan namin na kasama pala namin si troy.
"I miss you so much baby." Puno ng damdaming sabi ni Spence habang magkadikit ang mga noo namin.
"I miss you too... Bakit hindi mo sinabing ngayon ka pala darating sana nasundo man lang kita sa airport." Naluluhang sabi ko.
"Para namang may panahon kang gawin yun."
"Sorry...."
Hinawi nya ang hibla ng buhok na naligaw sa mukha ko.
"Bumawi ka na lang" at ngumiti sya ng ubod ng tamis at tsaka muli nyang dinampian ng halik ang labi ko.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomansaErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...