CHAPTER 21

49.3K 960 16
                                    

KRISTEL

Isinabay na namin si Nikki pabalik sa Makati, idinaan muna namin sya sa Tenement bago kami dumeritso sa mansion ng mga Balesteros.

"Di ba pagaari ng BCorp ang tenement.?" Tanong ni Troy sa akin matapos naming maihatid si Nikki.

"Oo pinagawa ng daddy mo para sa mga mahihirap bahagi sya ng community service program ng company."

"Bakit parang kilala mo lahat ng nakatira doon.?"

"Yung lugar na pinagtayuan ng tenement ay dating skwaters area kung saan kami dati nakatira, at karamihan sa mga nakatira ngayon doon ay yung mga dati ring nakatira sa skwaters kaya karamihan sa kanila mga dati kong kapit bahay."

Tumango tango lang sya.

"Akala ko drama mo lang yung pagtira sa skwater."

"Drama..?.. Bakit hindi mo akalain na ang isang tulad ko ay makakaapak sa sa kompanyang kasing laki ng BCorp."

"Hindi naman sa ganun... Kaya lang wala sa hitsura mo.... Sa asal oo no offense... Pero minsan kasi lumalabas yang pagiging asal kalye mo. Pero mas madalas naman na asal executive ka.."

"Pasensya ka na minsan kasi hindi ko rin maiwasan... Totoo yata yung kasabihan na ang baboy daw bihisan mo man ng ginto lalabas at lalabas pa rin ang pagiging baboy."

"Baboy talaga... Mas brutal ka nama pala kaysa sa akin."

"Halimbawa lamg yun ikaw naman.... Pero alam mo ang laki ng utang na loob ko sa daddy mo, kasi kung hindi dahil sa kanya baka nasa rehab na ako ngayon."

"Kaya pala hindi mo kayang iwan ng ganunganun na lang ang kompanya."

"Now you know.... At least ngayon alam mo na hindi ako oportunista tulad ng sinabi mo noong una tayong magkita."

"Pasensya ka na kung nasabi ko man yun, hindi lang kasi ako makapaniwala na ang isang tulad mo ay pagkakatiwalaan ni dad ng ganunganun na lang."

"Nahulog yata sa charm ko ang daddy mo."

Nakita kong ngumiti sya.

"Oh bakit nangingiti ka... Wag mong sabihing ikaw rin nahulog sa charms ko.?"

"Kung sasabihin kong oo... Isusumbong mo ako kay Spence."

Napatingin ako sa kanya.

"Ano namang akala mo sa akin sumbungera at tsaka ayaw kong magaway kayo at lalong ayaw kong magaway kami... Sobra pa namang pagkaseloso noon."

"Eh di mabuti na lang pala ako ang natawagan mo kagabi at hindi sya."

Ano daw... Bigla akong napalingon sa kanya.

"Anong sabi mo.?"

"Mabuti na lang pala kako at ako ang natawagan mo kagabi at hindi sya... Dahil kung nagkataon baka hanggang ngayon ngumangawa ka pa rin kasi nakipag break sayo ang boyfriend mo for five years."

"Ano bang pinagsasabi mo, anong ikaw ang tinawagan ko... Si Spencer ang kausap ko kagabi ah."

"Why don't you check your call log para malaman mo kung kaninong number ang paulit ulit na idinadayal mo kagabi."

Agad kong kinuha ang cellphone ko.

Call log... Outgoing call 7pm BF RS Herrera, 8pm BF RS Herrera, 9:30 BF RS Herrera. 11:15 BF RS Herrera, 1:30am CEO Bcorp, 2:33am CEO Bcorp, 3:47am CEO Bcorp..call duration 6 minutes.

Biglang naginit ang mukha ko. Pakiramdam ko umakyat lahag ng dugo sa ulo ko.

Pagtingin ko kay Troy Nangingiti sya na natatawa na hindi ko maintindihan.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon