AN////Dahil po dumaan ang sabado at linggo kaya marami akong naisulat na Drafts sa CP ko kaya dadamihan ko po ang update ngayon...pero kapalit nito mga comments at votes nyo...yun lang po kasi ang nagpapasaya sa akin....thank you...////
TROY
Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan kong sundan si Kristel.
Nagaalala kasi ako na baka nga magpakalasing sya ng mag isa at sa bar nya maisipang pumunta. Alam mo naman ang mga babae pabagobago ng isip. Baka mabastos na naman sya, mabuti ng naandon ako para maipagtangol sya.
Mula nga sa opesina ay nagtaxi sya papunta sa condo nya nanatili rin sya ng ilang minuto sa loob ng building bago muling lumabas at sumakay sa kotse nya, mula sa roon ay dumaan muna sya sa isang fastfood chain at pumasok sa drive thru halos kalahating oras din sya sa loob, bago muling lumabas.
Nanatili akong nakasunod sa kanya, sinadya kong ibang sasakyan ang gamitin ko para hindi nya mapansin Na sinusundan ko sya, mula sa fastfood ay dumiretso sya sa isang tenement, at bago pa man sya makalabas ng sasakyan ay sinalubong na sya ng napakaraming bata.
Nakipag kwentohan sya sa mga ito na para bang kilalang kilala nya na ang mga ito.
Binuksan nya ang compartment ng kotse nya at mula roon ay kinuha nya ang mga pagkain na mula sa fastfood na dinaanan nya.
Kaya naman pala ang tagal nya roon kasi ang dami nyang inorder.
At lahat yun ay ibinigay nya sa mga batang sumalubong sa kanya.
Pagkaalis ng mga bata ay mga kalalakihan naman ang lumapit sa kanya, mukhang mga barkada nya ang mga iyon, dahil sa paraan ng pagbati nila sa isat isa, fist bump at half body hug.
Ibang iba ang hitsura nya ngayon, para syang isang tambay lang na college student, sino ba ang magaakala na ang babaing tinitingnan ko ngayon ay kayang kayang magsara ng multimilyong deal sa loob lamang ng isa hanggamg dalawang oras.
Masaya silang nagkukwentohan at ipinakita nya sa mga iyo ang engagement ring nya.
Kasabay niyon ay ang paglabas ng isang babae na halos maghystirical na sa sibrang katuwaan, masaya nilang niyakap si Kristel at base sa kilos nila alam kong masaya sila para sa kaibigan. Pero ako hindi ako masaya, actually nalulungkot ako na hindi ko maintindihan.
Naisip ko ano kaya ang pakiramdam kung singsing ko ang nasa daliri nya ngayon... Masaya rin kaya sya, ipagmamalaki nya rin kaya yun sa mga kaibigan nya.
KRISTEL
Mula sa tenement ay tumuloy kami sa bahay ng mga magulang ko na nasa isang subdivision.
Sakay ng kani kanilang motorsiklo ang mga lalaki naming kaibigan kami ni Nikki sa kotse ko.
Agad kaming sinalubong ng mga kapatid ko lima kaming magkakapatid ako ang panganay 25 years old na ako at yung bunso namin 19... Wala eh taon taon taon kung manganak ang nanay kong ubod ng ganda.
Agad akong niyakap ng mga kapatid kong puro barako.
"Ate..."
"Tama na tama na mapipisak na ako... Ang lalaki nyong kalabaw."
"Na miss ka namin ate... Pasalubong namin." Si kristian ang bunso.
"Bata lamg ang peg, pasalubong agad."
"Ako ate nabili mo ba yung reviewer na pinabibili ko sayo.?" Yan si Kasper ang pang apat, graduate na sya ng electrical engineering na nag rereview na para maka kuha ng lisensya.
"Oo naman. Nasa kotse ko, kunin mo na lang."
"Salamat ate."
At tumakbo na sya pamunta sa kotse ko.
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomantikErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...