CHAPTER 17

51.5K 1K 22
                                    


KRISTEL

I tried to calm myself... Hindi ko hahayaang sirain ni Troy ang napakagandang araw ko.

Spencer just propose to me.

I am now engage to Rafael Spencer Herera.

At labis labis ang kaligayahan ko kaya susubukan kong magpakabait ngayon.

At isa pa tinablan din naman ako kahit papano doon sa sinabi ni Troy.

Ewan ko rin ba sa sarili ko kung bakit total asshole ang tingin ko kay Troy. Kung totoosin wala naman syang ginagawang masama sa akin maliban sa hinusgahan nya ako na mapagsamantala kaya patas lang naman kami kung hinusgahan ko man ng hindi maganda ang pagkatao.

I think we have to resolve our issues para maging madali sa amin ang lahat.

Kailangan ko na kasing tapusin ang trabaho ko sa BCorp hinihiling na rin ni Spencer at ng pamilya nya na lumipat na ako sa Herera, bago pa kami magpakasal.

Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa ni Troy.

"Okey... Fine... Wala ka ng ginawa kung wala, Magusap tayo ng maayos. Yung hindi tayo magtatalo, pakikingan ko ang issue mo pakikinggan mo rin ang sa akin."

"So ibig sabihin ba nyan makikipagkasundu ka na sa akin at susundin mo na ang gusto ko."

Tumaas ang kilay ko.

"Ibaba mo nga kasi yang kilay mo at nakakairita.... "

Yung isang kilay ko naman ang tumaas.

"Okey fine, ano bang gusto mo.?" Ayun taas lang pala ng kilay ko ang katapat ng Balesteros na to.

"Isa lang naman ang gusto ko... Yun ay ang sumunod ka sa patakaran ko."

Tiningnan nya ako, yung tingin na tila ba may naglalabang demonyo at anghel sa kanyang utak.

Sana yung anghel ang manalo.

"Okey fine... Basta susundin mo rin ang patakaran ko."

"Depende.... Ano bang gusto mo.?"

"Pantay man ang posisyon natin sa kompanya pero ako pa rin ang mananatiling boss."

"Okey i never dream of being one.... Ako naman, as a boss kailangan papasok ka ng maaga sa opisina mas maaga kaysa sa mga empleyado mo."

"What.... Saan ka naman nakakita ng boss na ganun.?"

"Ang daddy mo ganun sya."

Napabuntong hininga sya.

"Okey fine....ako naman... Kapag kinakausap kita kakausapin mo ako ng matino, hindi pabalang at hindi namimilosopo."

"Yun ay kung kakausapin mo rin ako ng may respeto, bilang babae at bilang tao at empleyado mo."

"Noted... Another one... Gusto kong hayaan mo akong magdesisyon para sa kompanya para maipakita ko sa mga investor na hindi ako kasing hina tulad ng iniisip nila."

"That's fine with me as long as hindi mo ilalagay sa alanganin ang kompanya.... Ito naman.... Kailangang kontrolin mo lahat ng emosyon mo lalo na yang pagiging mainitin ng ulo mo."

"That also goes with you... Mainitin rin naman ang ulo mo."

"Dahil yun sayo."

"Okey pareho tayo." Pagsang ayon nya.

"Sige magisip na lang tayo ng paraan para maiwasan yan... Ito last na to.... Bawal mambabae kasi malas yan..."

"Okey..." Walang pagtutol na sabi nya sabay kibit balikat.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon