CHAPTER 30

49.6K 1K 48
                                    

/AN// Update po uli ako...pero last na to para sa araw na to kasi wala ng laman ang Drafts ko.... /MaryAnnTabelinGrace/ adzsam17/ MaCristinaFloro/ ElaineHernandez4/ MAcherrelynNaraja/ jolinabayobay1/ dachinita/ >>>> kayo ang nauna sa comments board ko.....thank you.

MaricrisAquino>>>>as you say....

ChedLexterTondo>>>>thanx sa patience 

Sa lahat po ng bumati sa akin>>>thank you so much


KRISTEL

Matapos kong mailabas ang lahat ng galit at sama ng loob ay dinala ako ni Troy sa kwarto nya. Sa penthouse ng isa sa mga building ng Bcorp naroroon ang Gym nya yun rin ang ginagamit nyang tirahan kapag ayaw nyang umuwi sa bahay ng daddy nya, malaki ang penthouse may apat na silid yun pero sa sarili nyang kwarto nya ako dinala, binigyan nya ako ng isa sa mga t-shirt nya at para palitan ang poloshirt ko na isa sa mga ginagamit na uniform ng mga empleyado ng Bcorp.

"Change your shirt at basang basa ng pawis.... Sa labas lang ako..."

Tumango lang ako.

Pumasok ako sa banyo para doon magbihis.

Matagal kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

Ang laki ng ipinagbago ng mukha ko.

Halos hindi ko na nga makilala ang sarili ko.

Namamaga pa ang mga mata ko dahil sa pagiyak.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Gumaan kahit papano ang pakiramdam ko. Effective rin yung pabubully sa akin ni Troy.

Alam ko naman na sinadya nya lang yun para galitin ako ng sa ganun ay magkaroon ako ng rason na ilabas lahat ng galit at sama ng loob ko.

Hinubad ko ang damit ko at isinuot ang damit ni Troy. It smells so good so manly parang si Troy lang.

At iba ang pakiramdam ng maisuot ko iyon. I never experience it from Spence hindi pa ako nakapagsuot ng damit nya, sinisigurado nya kasing may mga damit ako sa mga bahay nya, sa condos nya, sa rest houses o kahit sa bahay ng parents,  nya here and abroad, in case of emergency daw. Kaya walang problema sa akin ang mga biglaang trip ng sya ang kasama hindi ko kinakailangang magdala ng damit.

Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha ko dahil sa mga ala alang iyon.

Marahas ko iyong pinunas ng palad ko. Naghilamos ako at lumabas na ng silid ni Troy.

Hindi ko sya nakita paglabas ko pero may naamoy akong masarap na pagkain na niluluto mula sa kusina.

Kaya doon na ako dumeretso.

Naabotan kong abalang abala siya sa pagluluto. Nakasuot pa sya ng apron at may hinahalo sa kaserola.

"Hi... Okey ka na..." Ngumiti sya.

"Maupo ka muna dyan at malapit na to."

"Ano ba yan.?" Ako

"Chicken adobo... Pasensya ka na ito lang iniluto ko kasi madali lang maluto. May pupuntahan pa kasi tayo."

Hindi ko alam na marunong pala syang magluto.

Ilang minuto pa ay nakapaghain na sya, hindi nya ako pinayagang tumulong. Kaya hinayaan ko na lang sya.

Napakabango ng paglakaluto nya, bigla akong nakaramdam ng gutom.

Ilang araw na ring hindi ako kumakain ng maayos.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon