CHAPTER 8

56.7K 1.3K 49
                                    

"Bakit mo ginawa yun.... Investor yun... Malaking pera ang ipapasok nun sa kompanya natin at pinaghirapan kong makakuha ng appointment sa kanya, alam mo ba kung ilang Skype meeting ang pinagdaanan ko para lang makumbinsi ko sya na maka meeting ng personal at alam mo ba kung ilang balde ng dugo ang lumabas sa ilong ko sa pakikipagusap sa kanya.....tapos sa isang iglap nawala lang ng parang bula... Sinayang mo lang ng ganunganun lang..... At anong fiancee ang pinagsasabi mo ni hindi nga tayo close." Galit na galit ako kay Troy, nakasakay ako ngayon sa sasakyan nya dahil doon nya ako isinikay matapos nya akong kaladkarin palabas ng bar.

"At anong gusto mo hayaan kitang halayin ng gagong yun, o baka gusto mo rin yung ginagawa nyang pangbabastos sayo..." Galit na galit rin sya alam ko dahil muntik pa nga syang makipag bogbogan sa mga bodyguard ni Trivor mabuti na lang at mukhang kilala sya ng mga bouncer sa bar kaya sila na mismo ang nagprotekta sa amin laban sa mga ito.

"Kaya ko namang protektahan ang sarili ko kung hinayaan mo lang sana ako... Hinihintay ko lang na makapirma Sya ng kontrata plano ko naman talagang tadyakan sa bulls ang gagong yun pagkatapos nyang pumirma, pero wala inunahan mo na ako, kaya ano tayo ngayon wala nganga.... Papano natin to ipaliliwanag sa daddy mo.?"

At para namang on cue ay tumunog ang cellphone ko Tito Sonny Calling.

Muli kong tinapunan ng matalim na tingin si Troy bago ko sinagot ang phone ko.

"Hi Boss.... Bakit gising pa kayo.... Magaala una na."

"Hindi ako makatulog sa hospital bed na ito... Gusto ko ng umuwi, okey na naman ako si Dr. Vasquez lang tong mapilit na inconfine ako..." Tila batang nagsusumbong si tito sonny.

"Eh baka naman po hindi talaga kayo okey.... Pinipilit nyo lang ang sarili nyo na mag mukhang okey."

"Hay naku bakit ba mas marunong pa kayo sa akin, ako tong may katawan.... Sunduin mo na ako dito ngayon gusto ko ng umuwi."

"Okey boss were on our way."

At tinapos nya na ang tawag.

Tumingin sa akin si Troy.

"Sa hospital tayo, nagtatuntrums ang matanda."


TROY

Pagdating namin sa hospital ay nagpalit anyo si Kristel, muli nitong ipinusod ang mahaba nyang buhok at isinara ang butones ng blouse nya, binawasan nya rin ang make-up nya at ibinaba ang palda.

Nakaramdam ako ng panghihinayang, mas gusto ko yung hitsura nya kanina, she looks hot and beautiful hindi tulad ngayon na para na namam syang College Professor na terror.

"oi bakit ganyan ka makatingin..? nagagandahan ka sa akin no.?" Si Kristel.

Agad akong nagbawi ng tingin.

"Hindi ah..." Sabi ko.

"Hoy binabalaan kita....wag na wag kang maiinlove sa kagandahan ko... dahil sinasabi ko sayo, luluha ka ng dugo sa akin." Mataray na sabi nya.

"Ang kapal ng mukha mo....ako ma iinlove sayo...no way... wala ka sa kalingkingan ng mga babae ko, kaya kilabutan ka nga."

"Sinabi mo yan ha....Tandaan mo to Mr Balesteros, ipapakain ko sayo ng buo lahat ng sinabi mo at walang luwaan yan ha..."

"alam mo walang lalaking magkakagusto sayo sa ugali mong yan, para kang walang pinagaralan, para ka lang tambay sa kanto."

"Oi hindi lang po ako basta tambay sa kanto ako ang reyna ng mga eskwater, kaya magiingat ka sa akin baka ipakatay kita sa mga siga sa amin... kaya ngayon pa lang iwasan mo ng maligaw sa lugar namin."

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon