CHAPATER 9

57.1K 1.2K 27
                                    

KRISTEL


Sagadsagaran na ang pagkapikon ko sa anak ng boss ko, gustong gusto ko na syang balian ng buto at tadtarin ng pinong pino pero syempre hindi ko pweding gawin yun, anak sya ni tito Sonny at ang pagalang ko kay Tito Sonny ay tulad ng paggalang ko sa mga magulang ko.

Kaya ko to. Yun na lang ang sinasabi ko sa sarili ko.

Pagbalik ko sa silid ni tito ay ipinaskil ko na naman sa mukha ko ang ever beautiful smile ko. Kailangan kong gawin yun kahit ang totoo naiinis ako, at pagod na pagod na ako.

Madaling araw pa lang ay gising na ako, at inihahanda ang mga papers na kailangan ko para sa araw na yun. At heto madaling araw na naman pero nandito pa rin ako kasi kailangan ako ng boss ko.

Katulong ang dalawang nurse na kinuha ko ay pinagtulungan naming iligpit ang mga gamit ni tito, nakausap ko na si Doctor Vasquez at pumayag na syang iuwi namin si tito sonny, basta wag lang daw itong iistress.

Mula ng Magtalo kami ni Troy kanina ay hindi pa ito bumabalik, mag iisang oras na. 

Mabuti naman at nakadaragdag pa sya sa sakit ng ulo ko.

"Nasaan na si troy.?" Tanong ni tito sonny.

"Hindi ko ho alam baka umuwi na."

"Hindi kayo nagkakasundo ng anak ko ano."

"Sinabi nyo pa ho."

"Pagpasensyahan mo na sana sya. Masyado lang syang maraming iniisip ngayon."

"Boss bata lang ho ang pinagpapasensyahan, yung anak nyo ho dapat dun sinasakal."

Natawa si tito sa sinabi ko.

"Kaya ikaw ang gusto kong magpatino sa kanya, kasi alam ko kayang kaya mong gawin yun."

"Tito ha walang sisihan oras na mapatay ko yang anak nyo."

"Hay naku bahala ka kung anong gusto mong gawin sa kanya. Basta ako gusto ko munang magkaapo, bago man lang ako mamatay."

"Yun ay kung may may magustong magpabuntis sa anak ninyo."

Palabas na kami ng hospital ng makasalubong namin si Troy, agad na kinuha nito ang bitbit kong bag.

Hmm gentleman din pala ang ungoy.

Sa sasakyan ni Troy kami sumakay.

Katabi niya sa unahan si tito sonny ako sa likod katabi ang dalawang nurse.

Pagod na pagod na ako kay hindi ko mapigilang mapapikit habang bumabyahe, pagdating sa bahay nina tito Sonny ay iniorient ko pa ang dalawang nurse.

"Dito ka na matulog iha, Ipalilinis ko sa katulong ang dati mong silid. "

"Wag na ho Tito, uuwi na lang ako sa condo, may mga kailangan pa kasi akong tapusing papers na kailangan bukas sa stock holder meeting."

"Eh di gamitin mo yung opisina ko, basta wag ka ng umuwi, masyado ng delikado sa daan."

"Okey po." Pagsangayon ko na lang sa kanya... Bawal syang ma istress yun ang bilin ng doctor.

Mabuti na lang may mga damit pa akong naiwan sa dating silid na ginagamit ko. Noong nasa college pa lang kasi ako ay dito ako pinatira ni Tito para daw nababantayan nya ako.

Matapos kong makapag bihis ng miksing shorts at tank top ay pumunta na ako sa opisina ni tito para magsimulang magtrabaho, katulong ang bottomless na kape at music mula sa headset na nakakabit sa computer ay hindi ko namalayan ang pagtakbo ng mga oras. Namalayan ko na lang nagliliwanag na ang sikat ng araw.

"Hoy!!" Nagulat ako dahil sa malakas na boses ni Troy na nagpagising sa diwa ko.

"Bakit ka ba nangugulat.?" Galit na sabi ko sa kanya.

"Eh kasi naman kanina pa ako salita ng salita dito, pero hindi mo ako naririnig dahil dyan sa nakasaksak sa tainga mo.?"

"Ano bang problema mo.?"

"Wala akong problema ikaw tong tinatanong ko kung bakit ang aga mong nagising.?"

"Ako maagang nagising..? Ni hindi pa nga ako natutulog.... Ayan oh naghuhumiyaw na nga ang eyebag ko."

"Hindi ka pa natutulog.?"

"Malamang.... Inihanda ko pa kasi ang report ng boss ko mamaya sa stock holder meeting."

Tumayo na ako at kinuha ang mga tasa ng kape at ashtray na may mga upos.

"Tapos ko na ang assessment report at status update ng kompanya. Kung gusto mo syang itsek bago ang meeting feel free to do so... Just look for January assessment and update files sa document ng laptop ko."

At humakbang na ako patungo sa pinto.

"Sana sinabi mong may mga kailangan ka palang gawin, para natulungan kita."

Napatingin ako sa kanya, may lagnat pa sya o maagang nakabatak.

Nagkibit balikat ako.

"Trabaho ko yun.... Excuse me... Iidlip lang ako kahit 15 minutes."

At lumabas na ako at dumeretso sa kusina para hugasan ang ginamit kong tasa at itapon ang mga upos ng sigarilyo... Alam ko kasing kagagalitan na naman ako ni tito kapag nakita nya yun. Ayaw na ayaw nyang naninigarilyo ako, pero kinasanayan ko na yun lalo na kapag marami akong iniisip at tinatrabaho.


TROY

Ang agang nabuhay ng dugo ko ng mapagbuksan ko sa loob ng opisina ni dad si Kristel, tank top at napakaiksing short lang ang suot nito.

She looks so hot and seksi. 

Napansin kong mukhang pagod na pagod na sya nangangalumata na sya. 

Amoy usok ng sigarilyo ang buong silid kaya alam kong nanigarilyo sya, at patunay ang mga upos na laman ng ashtray. Hindi ako makapaniwala she looks so prim and proper, pero may mga nakikita akong paguugali nya na taliwas sa imahing gusto nyang makita sa kanya.

Nahihiwagaan na ako sa babaing yun.

Paulit ulit kong itseneck ang ginawang report ni Kristel, hindi ako makapaniwala perfect ang pagkakagwa nya niyon, walang mali kahit katiting, to think na buong maghapon na syang nagtatrabaho at wala pa syang pahinga niyon. Shes amazing ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ang tiwala sa kanya ni dad...

Pero ako wala pa rin akong tiwala sa kanya.

Pero ang katawan ko iba ang sinasabi. 

May kakaibang epekto sa akin ang prisensya ni Kristel. Lalo ng makita ko ang suot nya kanina, tank top at short shorts at wala syang suot na brasiere, sigurado ako doon, at mukhang wala lang yun sa kanya. Ano ba talagang klasing babae ang Kristel Carvonel na to. I think kailangan kong gumawa ng sariling inbistegasyon, i want to know more about her.

Unang kinonsulta ko ay si Mr google Kristel Carvonel..... Aba akalain mo yun kilala sya ni Ginoong Google.

Magna Comlaude BSBA DLSU la sallelista ang lola mo, sosyal. Rank 1 sa board exam at International youth leader awardee for service excellence.

2012 Athlete of the year awardee. mixed martial arts and taekwando champion.

Kaya pala... Babae ba talaga sya...? Parang hindi ah.

Next stop Facebook.

Status in Relationship with Rafael Spencer Herera.

Boyfriend nya si Spencer bakit hindi ko yata alam yun, kaibigan ko si Rafael Spencer Herera na mas kilala sa pangalang Spence at wala syang nababangit sa akin tungkol sa pagkakaroon nya ng girlfriend at ni minsan ay wala syang nabangit na babaing nagngangalang Kristel Carvonel.

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon