CHAPTER 43

50K 1.1K 73
                                    

/AN/ Hindi ko pa po sana ito ipopost kasi feeling ko lang hindi sya maganda ieedit ko pa sana sya kaya lang medyo torture kasi ang utak ko ngayon kaya bahala na...... pasensya na po.//


KRISTEL

Sa wakas natapos din ang kasalan, nagsiuwian na ang lahat ng bisita pati ang mga makukulit naming mga kaibgan ni Troy idagdag pa ang magugulo kong mga kapatid.

At ayon sa itinerary namin na ang mommy ni Troy ang may gawa dito kami sa Pangasinan magiistay ng dalawang araw, sa private resort na pagaari ni Troy. Then mula sa resort ay lilipat kami sa bahay nya sa Tagaytay Highland, then Baguio, after that out of the country na.

Kaya heto kami ngayon nakasakay sa bridal car papunta sa resort nya.

May driver kaming kasama kasi hindi pinayagan si Troy mag drive ng mommy nya.

Sa sasakyan pa lang ay hinubad nya na ang coat nya at tinanggal ang necktie, binuksan nya rin ang dalawang butones sa unahan ng long sleeve nya. Pero ako walang magawa sa gown na suot ko.

"Ako ba pweding maghubad na rin nangangati na ako dito sa suot ko. Hindi yata sanay ang balat ko sa mamahalin."

"Okey... Kung gusto mong mag magmaneho si kuya bong ng naka piring ang mga mata, maghubad ka."

Umarangkada na naman ang puso ko.

"Ewan ko sayo Balesteros."

"Bakit inaano ba kita Misis Balesteros." Nakangiting sabi nya.

Tila ba naapakan yung accelerator ng puso ko tumudo na naman ang bilis ng pagtibok nito, at hindi lang yun naginit pa ang mukha ko.

Bigla nya akong kinabig at isiniksik sa dibdib nya.

"Stop blushing sweetheart baka hindi tayo umabot sa rest-house natin."

Lalong naginit ang mukha ko, kaya kinurot ko sya sa tagiliran.

"Tumigil ka nga kasi kung ano ano yang lumalabas sa bibig mo."

Tumawa lang sya at niyakap ako ng mahigpit.

Malapit lang ang rest-house kaya hindi naman kami gaanong nagtagal sa byahe.

At halos malula ako ng makita ko ang kabuoan niyon, ang inaakala ko.kasing rest-house ay simple lang tama lang sa aming dalawa pero susginoo mansion yung pinasok namin.

Its more of a villa than a rest house, may malawak na indoor pool at meron din sa labas. At mula roon ay tanaw mo ang napakalawak na Agno River kung saan kami ikinasal. Ang unang palapag ng bahay ay sala, kusina at dining area. Salamin ang dingding niyon na pwede mong buksan para pumasok ang sariwang hangin o pweding isarado kasi naka centralize air-con naman ang kabuoan ng bahay.

Ang ikalawang palapag ay may apat na malalaking silid pero ang pinakamalaki ay yung pinasokan namin ni Troy, nakarap iyon sa malawak na Agno River at salamin din ang dingding na nakaharap sa ilog, kaya kahit nasa loob ka ng kwarto ay kita mo ang napakagandang tanawin sa labas.

"Heres the bathroom if you want to change." Sabi ni Troy.

Sinilip ko yung bathroom na sinasabi nya, para na yung isang kwarto.

Pumasok ako roon para magbihis sana, pero naalala ko wala nga pala akong dalang damit kaya lumabas akong muli.

Nakita ko si Troy na nasa balkonahe at nakatanaw sa malawak na ilog.

"Troy..."

Agad syang lumingon sa akin.

"Nadala ba natin yung Traveling bag ko.?"

MY ASSISTANT, MY WOMAN-II                         TROYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon