AN////JulieannPerualila/Drlaughter/JhoDelaCruz/NickTagomata/liaane/Capsiannumalevolence/// Thank you po sa mga comment nyo binabasa ko po sya lahat at pasensya na kung hindi ko man narereplyan lahat....dadaanin ko na lang po sa Authors Note ang pasasalamat ko sa inyo. God Bless everyone.../////
TROY
There's something wrong with her. I knew it. Kanina pa sya hindi kumikibo, hindi nya rin pinapatulan ang mga pangiinis ko sa kanya.
Madalas syang natutula at pinaglalaruan ang singsing na nasa daliri nya, yun lang ang tanging jewelry na meron sya. Kahit simpleng hikaw ay wala.
Tiningnan ko ang mukha nya, wala iyon kahit konting lipstick. Kung hindi mo sya kilala iisipin mong isa lang syang ordinaryong empleyado o kaya papasa syang utility.
But shes a real beauty.
"Oi... Baka ma inlove ka sa kagandahan ko." Sabi nya.
Hindi ko napansin na nakatingin na rin pala sya sa akin.
"Problema mo.?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw..."
"Ako... Bakit ako.?"
"Kaylan ka ba kasi titino at ng makaalis na ako sa kompanya mo."
"Matino ako okey hindi ko na kasalanan yun kung wala silang tiwala sa akin."
"Ipakita mo naman kasing dapat kang pagkatiwalaan."
"At anoñg gusto mong gawin ko ilatag ko sa harapan nila ang lahat ng accomplishment records ko since kinder."
"Wag ka ngang pilosopo..."
"Hindi ako namimilosopo okey. Ano ba kasing problema mo at daig mo pa ang pinagsakloban ng langit at lupa."
Bumuntong hininga sya.
"Bumalik na naman ng Japan si Spence."
"Anong bago doon.?"
"Wala... Pero naman kasi... Ni hindi pa nga namin nai secelebrate ang engagement namin iniwan nya na naman ako... Kung hindi lang sana nagsakit si tito pweding pwede akong magresign kahit anong oras at lumipat sa kompanya nya para naman magkasama na kami... Ang dami dami ko ng pagkukulang sa kanya."
"Kung mahal ka nya maiintindihan ka nya."
"Yun na nga eh... Sya na lang lagi ang umiintindi."
Ipinatong nya ang kanyang ulo sa mesa.
"Umuwi ka na itulog mo yan at bukas pagising mo wala na yang mga himotok mong yan."
"Himotok talaga.... Mabuti pa nga umuwi na ako at parang feel ko ngayong mag celebrate ng magisa at magpakalasing."
"Kung ganyan ang plano mo sasamahan na kita."
Tumaas na naman ang kilay nya.
"Wag na... Mas gusto kong mapag isa."
"Sa Bar.?"
"Hindi... Uuwi ako sa amin at yung mga kapatid komg maton ang yayain ko ng inoman kasi sila hahayaan nila akong uminom hanggang sa hindi na ako makagulapay... Eh ikaw siguradong nakakalimang tagay pa lang ako, magyaya ka ng umuwi."
"Mabuti alam mo."
Inayos nya na ang kanyang mga gamit at isinara ang laptop.
"Ihahatid na kita."
"Wag na magtataxi na lang ako papunta sa condo para kunin ang sasakyan ko... Ikaw tapusin mo na yang mga pinapipirmahan ko sayo para makapag day off ka naman bukas,.... Kailangan ko yan ng monday morning."
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...