KRISTEL
Mukhang mainit ang ulo ni Troy.
Pero wala akong pakialam kasi mainit din ang ulo ko.
Kahapon ko pa hindi makontak si Spencer, kahit sa skype or chat room ay hindi ko sya mahagilap, hindi rin sya nagrereply sa mga text ko, at ng tumawag naman ako sa opesina nya ay wala raw ito sabi ng sekretarya nya. Inabot na ako ng madaling araw sa kakokontak sa kanya pero wala. Kaya nga ako tinanghali ng gising dahil doon.
Tapos puyat na nga ako paiinitin pa ang ulo ko ng boss ko.
Sabihin ba namang wala syang alam tungkol sa meeting na magaganap ngayong araw, nakakapikon kaya yun. Nakapaskil kasi sa dingding ng board room ang schedule ng mga regular meetings ng mga board at stock holders. Hindi ba sya nagbabasa.
Sa sasakyan ay wala kaming kibuan, seryoso sya sa pagmamaneho, ako naman walang tigil sa kadadial ng number ni Spencer. Hindi rin ako tumitigil sa kasesend sa kanya ng txt pati email at messenger tinadtad ko na ng message.
"Sh&%....ano bang nangyayari sayo...."pabulong na pagmamaktol ko.
" papagpahingahin mo muna yang cellphone mo umuusok na yata yan."
"Pakialam mo ba."
"Hindi ako nakikialam,.... Baka may problema lang yung tao o kaya ang kompanya nya kaya hindi mo sya makontak."
"Kahapon ko pa sya hindi makontak..."
"Kahapon lang pala.... Akala ko naman isang buwan na."
"Eh sa hindi ako sanay ng hindi man lang nakakatanggap ng kahit isang text mula sa kanya sa isang araw... At dati namam kahit anong oras ko sya tawagan sasagot at sasagot sya kahit sa kalagitnaan pa yan ng gabi..."
"Ang tanong nagriring ba yung celphone nya.?"
"Hindi...."
"Yun naman pala.... Malay mo kung nawala nya yung CP nya o kaya nalowbat ng hindi nya napapansin dahil sa sobrang kabisihan nya."
"Ng dalawang araw...?"
"Come on Kristel.... Wala pang dalawang araw..... Okey..... Mag relax ka nga muna, pati ako dinadamay mo sa init ng ulo mo.... Mamaya lang tatawag na yun sayo, ikaw pa... Hindi ka matitiis noon...."
Napaisip ako sa sinabi nyang yun. Tama sya dahil lang sa hindi ko makontak si Spencerbay umiinit na ang ulo ko. Ngayon lang kasi nangyari to.
Baka nga may problema lang sya o kaya ang Herrera.... Hihintayin ko na lang na sya ang tumawag sa akin, alam ko naman na hindi nya ako matitiis.
Pagdating namin sa opisina ay pinilit kong iwaglit muna sa isapan ko si Spencer at nag concentrate ako sa trabaho ko.
Napansin kong nakisama naman sa akin si Troy, hindi nya masyadong pinapansin ang mga pambabara ko sa kanya, mahinahon din sya kung makipagusap sa akin, kahit pa minsan ay tumataas ang boses ko.
"Ikaw na ang mag preside sa meeting, gusto ko maging mahinahon ka lang, wag mong papatulan ang mga investor o ang mga member ng board. Nasa likod mo lang ako."
"Yes maam. Kung ikaw nga hindi ko pinapatulan ikaw pa." Sabi nya.
Bago kami pumasok sa board room ay tiningnan ko muna ang cellphone ko baka sakaling nag text na o kaya tumawag si Spence pero wala pa rin.
Iniwanan ko na lang sa ibabaw ng mesa ko ang cellphone ko, at sumunod na ako kay Troy sa board room.
Tulad ng pinagusapan namin hinayaan kong si Troy ang manguna sa meeting walang akong ibang ginawa kundi ang pumindot ng laptop para sa presentation nya at mag minutes ng mga pinaguusapan.
Naging maayos ang kabuoan ng meeting sinunod ni Troy ang napagusapan namin, hindi nya pinatulan ang mga mapanghusgang member ng board at stock holder naging mahinahon sya at nakukuha pang ngumiti at magbiro.
"Mukhang maganda ang epekto sayo ni Miss Carvonel...Mr.CEO ." si Mr. Ty.
"So its official....the ring is beautiful great choice Troy." Si Mrs. Gerona.
Nagkatinginan kami ni Troy at sabay din kaming napatingin sa engagement ring na bigay sa akin ni Spence.
"Congratulation to both of you." Bati sa amin ng lahat ng nasa loob ng silid na yun.
Muli kaming nagkatinginan ni Troy.
Magsasalita sana ako para itama ang iniisip nila pero biglang hinawakan ni troy ang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.
"Thanks everyone." Nakanginting sabi nito.
Hindi ako nakakilos.
"Kaylan ang kasal.?" Si Mr. Valdez.
"Hindi pa ho namin napaguusapan but it going to happen soon." Si Troy.
Sus Ginoo.... Ano bang pinagsasabi ng isang ito. Kinikilabutan ako.
Hanggang sa kami na lang ang natira sa loob ng silid ay hindi pa rin ako maka get over sa nangyari. Hindi matapos tapos ang pagbati para sa engagement daw namin ni Troy.
At ang ugok, panay rin ang thank you akala mo naman totoo.
Patay ako nito kay Spencer oras na malaman nya ito.
Hampasin ko nga sa balikat ng folder na hawak ko.
"Aray bakit ba." Angal niya.
"Bakit sa halip na itama yung mga maling iniisip nila eh sinakyan mo pa, ayon paniwalang paniwala tuloy sila na engage na nga tayo."
"Yun nga ang punto dun ang maniwala sila na ikakasal tayo, para tuluyan kong makuha ang tiwala nila."
"At papano naman ako.... Si Spencer... Papano ko ito ipaliliwanag sa kanya...."
"Ako ng bahala kay Spence, kakausapin ko sya."
"You Better Mr. Balesteros, ayaw kong magaway kami dahil dito."
"Wag kang mag alalala Miss Carvonel hindi kayo magaaway ni Spence at kung sakaling magaway man kayo, hindi yun dahil dito at hindi ikaw ang dahilan. Sinisiguro ko yan sayo."
"Siguradohin mo lang... Mahal na mahal ko si Spence at ikamamatay ko kung mawawala sya sa akin, sya lang ang lalaking minahal ko ng ganito sa buong buhay ko at sya lang.ang mamahalin ko habang buhay."
Tumayo na ako at binibit ang mga gamit ko.
Bumalik ako sa opesina ko at agad kong tiningnan ang cellphone ko.
No message or miss call from Spencer.
Email wala...messenger... Wala rin.
"Ano bang nangyayari sayo Spence.... Wag mo namang gawin sa akin to oh... Please call me please...."
Pakiusap ko sa cellphone ko.
Lumipas ang mga oras na hindi ko namamalayan, sinadya kong abalahin ang sarili ko para hindi ko maisip si spencer.
Isang katok ang pumutol sa ginagawa kong pag tse check ng mga figures sa computer.
"Come in." Ssabi ko.
Bumukas ang pinto... Si Troy...
"Yes.." Mataray na sabi ko.
"Tama na yan... Past 8 in the evening na."
"Tumingin ako sa aking relong pambisig."
"Sigi na mauna ka na, tatapusin ko lang to."
"Hihintayin na kita at sabay na tayong mag dinner."
"Ikaw na lang ang kumain.. Wala akong gana."
"Hindi pewde, hindi ka na ga nag lunch kanina, hindi ka pa mag didinner nagpapakamatay ka ba.?"
"Nagpapakamatay agad di ba pweding nagdadiet lang."
"Kalokohang diet yan, butot balat ka na nga, magdadiet ka pa. Tapusin mo na yan at aalis na tayo, nagpa reserve na ako sa isang restaurant. At sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo, "
BINABASA MO ANG
MY ASSISTANT, MY WOMAN-II TROY
RomanceErson Troy Balesteros The Heart Breaker Prince Marami na syang babaing pinaglaruan, pinaiyak at sinaktan. Until karma cross his path and it hit him real hard. Lahat ng sakit na ibinigay nya sa mga babaing pinaglaruan nya ay ibinalik sa kanya ng mak...