Chapter 5.5

1.6K 73 4
                                    

"Ooops" bulong naman ni Sabel

"Kayo! Ki-babata niyo pa mga kriminal na kayo! Hala dun tayo sa may security office at ng mapagusapan kung anong gagawin sa inyong lima!" Sigaw naman ni manong guard samin sabay hatak ng mga kasama niyang guard. Huhu waaahh!!! Mommy!!! (TT__TT)

Si Sabel kasi eeh! Nakalimutan na namang magbayad huhu (T__T)

Maya maya lang eh narating na namin yung security office.

"Oh hala! Upo!" Sigaw ulit ni manong guard samin kaya umupo na kami na parang mga asong sumunod sa amo, sa isang medyo mahabang sofa, mabuti na lang nagkasya kami.

"Bakit niyo naisipang mag shop lift dito sa mall ha!? Sumagot kayo!" Sigaw naman ulit ni manong guard samin pero swear this time amoy na amoy ko na ang hininga ni kuyang guard. Amoy...durian!? Kaya naman pala ang baho eh.

"Uhm kuyang guard hindi naman po namin gustong magnakaw at wala po kaming planong gawin yun" sabi naman ni Beb kay kuyang guard

"Hindi niyo gusto at wala kayong plano!? Ha! Nagpapatawa ba kayo!? Eh nagawa niyo na nga eh!" Sigaw ulit ni manong. Hindi ba siya nagsasawang sigawan kami? Kasi baka mamaya eh matanggal yung ngala-ngala niya eh

"Kuyang guard, nakalimutan ko po kasing magbayad at tsaka wala namang kasalanan 'tong mga kaibigan ko ah? Ba't niyo po sila sinama?" Pagpapaliwanag naman ni Sabel kay kuyang guard

"Tsaka kuya hindi mo naman po kailangang sumigaw" dagdag pa ni Sabel

"Tahimik! Sinama namin 'tong mga kaibigan mo dahil mga kasabwat mo sila? Di ba!?" Sigaw ulit ni kuya. Naku sa kanya pa lang eh mabibingi na ako eh (-__-) tsaka kuya ano ba talaga? Kanina pinapasagot mo kami tapos ngayon naman eh pinapatahimik mo naman kami. Hindi ko tuloy gets si kuya (-__-)

"Kuyang guard eto po oh! May pera po ako! So babayaran ko 'tong t-shirt na to!" Medyo mataas na ang boses ni Sabel diyan. May sasabihin sana si kuyang guard kaso...
"Hep! Kuya! Patapusin mo ko! Totoo po talagang hindi ko sinasadyang dumiretso lang palabas ng department store nakalimutan ko po kasi. Magkano ba ulit itong t-shirt?" Tanong ni Sabel kay ateng saleslady yung nagwalk-out samin. Siguro siya yung nagsumbong kay kuyang guard, ang sarap nilang paguntugin (>__<)

"Uhm 1,999 po yan" sagot naman ni ateng saleslady

"Ok let's say na 2,000 pesos to. Oh ayan ate! 2,000 pesos! O baka naman gusto mo ng tseke?" May panguuyam na sabi ni Sabel kay ateng saleslady sabay taas ng kilay. Haha ikaw kasi ateng saleslady eh, yan pa kinalaban mo eh war freak yan eh tapos marami rin yang pera businessman daddy niya eh

"So-sorry ma'am. A-akala ko po kasi shop lifter kayo tsaka kanina pa po kasi kayo umaaligid dun sa loob ng department store eh kaya sinabihan ko na sila kuyang guard. Sorry po talaga ma'am" paliwanag naman ni ateng saleslady

"Haay sige ate. Ok na yun. Trabaho mo yun eh kaya naiintindihan ko" sabi naman ni Sabel dito pero pustahan tayo medyo inis pa rin yan haha

"Ah hehe sorry mga ma'am. Eto kasi eh maling information ang binigay" paghingi ng paumanhin naman ni kuyang guard tapos sinisi pa si ateng saleslady (-__-)

"Ah sige kuya at ate alis na po kami. Wala na naman pong problema di ba?" Tanong ko naman sa kanila

"Ah sige mga ma'am hatid ko na po kayo sa labasan (^__^)" sabi naman ni kuyang guard. Sipsip rin 'tong si kuyang guard ha? (-__-)

"Sige po kuya salamat" sagot naman ni Joanna sa kaniya

*lakad*

*lakad*

*lakad*

"Eto po mga ma'am. Pasensya na po ulit" sabi ni kuyang guard ng makarating na kami sa department store at umalis na rin ka agad kailangan pa raw niyang maglibot baka kasi may mahanap siyang totoong shop lifter (-__-)

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon