*Dianne's POV*
"hskwustwk"
Ano ba yan, bakit ang ingay?
"Diaksjkwls"
Hmm? Ano daw?
"Dianne? Anak?"
Teka, boses ni Mommy yun ah
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at unang bumungad sakin ang nakakasilaw na ilaw kaya medyo napapikit-pikit pa ko
"Anak? Kamusta pakiramdam mo?" tanong ni Mommy kaya napatingin ako sa may kanang bahagi ng kama na hinihigaan ko ngayon
"M-mommy" garalgal pa ang boses ko habang sinasabi yan at nakita ko naman ang pag-ngiti ni Mommy at ang mga namumuong luha sa mga mata niya
"Anak oh, inom ka muna ng tubig" sabi naman ni Papa na nasa may kaliwang bahagi naman ng kama ko
Tinulungan nila akong makabangon at ng maayos na akong naka-upo ay inabot sakin ni Papa yung isang baso ng tubig at ininom ko naman ito kaagad, nauuhaw na rin ako eh
"Uhm...mommy ilang oras po kong walang malay?" tanong ko kay mommy na hinahawakan ang mga kamay ko. Si Papa naman ay pinuntahan ang doctor para ipaalam na gising na ko.
"Mga 6 hours lang naman nak, ang sabi kasi ng doktor eh epekto daw yun ng drugs na tinurok sayo" sagot ni Mommy kaya napatango na lang ako.
Maya-maya ay pumasok ang isang babaeng doktor at dalawang nurse, kasunod naman nila si Papa na siyang nag-sara ng pinto.
May ginawang ilang check-up sakin ang doktora, mostly tinatanong niya lang kung may masakit ba sakin or kung anong nararamdaman ko pagkatapos nun ay sinabi niyang kailangan ko lang muna ng pahinga at bukas daw ay madidischarge na ko. Nung lumabas na si doktora ay sumunod sa kanya si Papa para mag-bayad ng hospital bill.
"Mommy" tawag ko kay Mommy habang nag-babalat siya ng orange
"Bakit nak? May kailangan ka ba?" tanong niya at binigay sakin ang kakabalat niya lang na orange
"Thank you po" sabi ko at sinimulan ng kainin yung orange
"My..." tawag ko ulit sa kanya at tumingin lang siya sakin
"Nasan po si Kevin? Okay lang po ba siya?" tanong ko kay Mommy at sumilay naman sa mga labi niya ang ngiti
"Oo nak, okay lang si Kevin. Bakit nami-miss mo na ba siya?" naka-ngiting sabi ni Mommy at nagulat naman ako sa tanong niya
"Ho? Hindi no, nag-aalala lang po ko since pareho po kaming nakidnap" sabi ko kay Mommy at umiwas ng tingin sa kanya
"Haha sus, ikaw anak ha, naglilihim ka na kay Mommy. Kelan mo balak na sabihin sakin na may crush ka na ha?" sabi ni Mommy kaya napabalik naman sa kanya ang tingin ko
"Hala mommy wala po kong crush ha" sabi ko sa kanya habang naka-ekis pa ang mga kamay ko sa harap ko
"Hahaha talaga ba?" tanong niya at tumango-tango naman ako sa kanya
"Kung ganun nga eh bakit ka namumula?" tanong ni Mommy habang naka-ngiti kaya nanlaki naman ang mga mata ko at agad kong kinapa ang pisngi ko
Ang init nga, nag-ba-blush ba ko?
"Hahahaha" pinagtawanan lang ako ni Mommy kaya napayuko na lang ako
"Sino yan nak ha? Kwento mo naman kay Mommy oh" sabi niya at mas nilapit yung upuan niya sakin
"W-wala po" sabi ko at iniwas ulit ang tingin sa kanya
"Si Kevin ba?" tanong niya at nanlaki na naman ang mga mata ko
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...