Chapter 25

1K 54 9
                                    

Group Page: Ate Ice's Stories
=============================
(Warning: Kilig Overdose 😂😂😂)

*Dianne's POV*

Nung nagbabayad na ako sa counter ng napili kong sweater eh hindi naman kasya ang pera ko kaya ibabalik ko na lang sana 'to kaso may biglang nagsalita

"I'll pay" paglingon ko ay nakita ko si Kevin na nag-aabot ng credit card niya

"Ha? Uy hindi na, okay lang" sabi ko sa kanya nakakahiya kasi kapag siya ang nagbayad

"No, I insist" sabi niya kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang magbayad. Pagkakuha ko ng binili ko ay bigla namang sumulpot si Glen sa likod niya

"Yow!" Bati niya

"Hi Glen! Ikaw rin nandito?" Tanong ko kasi nagtataka ako kung ba't nandito silang dalawa eh, fan ba sila ng BTS? Matanong nga mamaya ay kaso may bibilhin pa pala ako kaya naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa kaso napahinto naman ako sa paglalakad kasi tinawag ako ni Kevin

"Dianne wait!" Sigaw niya kaya tumigil muna ako sa paglalakad at hinintay na makasabay siya sakin at ng nasa tabi ko na siya ay tinanong ko siya agad

"Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko pero umiling lang siya

"Uhm...P-pwede lang ba munang sumama sayo?" Tanong niya kaya hindi ko napigilan ang pagtaas ng kaliwang kilay ko

"Eh? Akala ko ba magkasama kayo ni Glen?" Tanong ko sa kanya

"Ha? Ah wala na siya eh may pupuntahan pa raw" sabi niya kaya lumingon ako dun sa K-POP merchandise na stall at nakitang wala na nga doon si Glen, siguro umalis na

"Ah okay, sige tara. May bibilhin ka ba?" Tanong ko sa kanya

"Ah oo sana" sagot niya

"Ano yun? Para masamahan kita" sabi ko sa kanya

"Ah... Ano...Uhm ah n-nakalimutan ko eh" sabi niya at napakamot ng batok

"Ah okay, sige uhm may bibilhin lang akong earphone ha? Teka lang" sabi ko sa kanya at naglakad na kaya sumunod lang siya sakin

Ang awkward, hindi kasi ako sanay mag-lakad kasabay ang isang lalaki ng hindi kasama sila ni Joanna o Eryell

"Earphone? For what?" Tanong niya

"Para makinig ng music" Sagot ko sa kanya

"Right" sagot naman niya at nakarating na kami sa isang stall kung saan nagbebenta ng mga cellphone, cellphone accessories at kung ano-ano pang ginagamit sa mga gadgets

"Ayun!" Turo ko sa shelf na puno ng iba't ibang klase ng earphones at namili na. Meron yung magaganda yung kulay at quality kaso may buds eh hindi ako sanay kapag meron nun kasi natatanggal lang siya

"Here, try this one" biglang sabi ni Kevin at siya mismo ang naglagay ng earphone sa tenga ko at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa na halos ramdam at amoy ko na ang hininga niya

Shet! Amoy mint! 😍

Tapos yung paglalagay niya ng earphone sakin ay parang naka-slow motion sa sobrang bagal kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan ang mukha niya

Ang mata niya color sky blue tapos ang haba rin ng pilik-mata niya tapos ang makapal niyang kilay pero ang ayos pa rin tignan

Tapos yung ilong, grabe ang tangos

Tapos yung lips, waaaaahhh Lord patawarin niyo po ako pero mukhang magkakasala po ako ng dis-oras kasi naman eh... Natural pinkish lips tapos...Tapos...

Protecting HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon