*Dianne's POV*
Kain lang kami ng kain ni Kevin, okay lang libre naman niya eh haha
"Tara dun tayo" pagyaya ko Kay Kevin at sumunod naman siya kaso bago siya humakbang ay tinaasan muna ako ng kilay
Bakla ba 'to? Sayang...
"Yhan!!!!" Sigaw ni Jo na tumatakbo palapit samin
"O Jo bakit?" Tanong ko sa kanya ng makarating na siya sa kinaroroonan namin
"Si Eryell...Dali tara" sabi niya at hinila ako kaagad papunta sa ice cream stand
Pagkarating namin dun ay agad kaming lumapit sa kanila ni Beb at Eryell
"Hoy lalaki!!! Ikaw ang nakabangga kaya ikaw ang mag-sorry!" Sigaw ni Beb habang tinuturo-turo pa yung lalaki
"Teka nga lang ba't ka ba nakikialam dito ha? Ikaw ba yung nabangga?" Sigaw naman pabalik ng isang lalaki
"Beb! Anong nangyari?" Tanong ko sa kay Beb
"Eto kasing lalaking 'to binangga na nga si Eryell at natapon ang ice cream nito sa damit ni Eryell, siya pa ang hindi marunong mag-sorry. Isang salita lang naman yun ah at~Hoy! Lalaki! Saan ka pupunta ha!? Bumalik ka dito! Mag-sorry ka!" Sigaw ni Beb at nagpupumilit lumapit dun sa lalaki para sugudin kaso pinipigilan ko lang siya si Jo naman tinutulungan si Eryell na punasan yung ice cream sa damit niya
"Hala Ye, siguro dapat magpalit ka na lang ng damit. Masyado kasing halata yung ice cream eh, chocolate flavor kasi" sabi ni Jo habang punas pa rin ng punas si Eryell sa damit niya
"Haaay bwisit naman kasi yung lalaking yun eh, kala mo kung sino" sabi ni Eryell at pinulot ang nahulog na bag
"Sige guys balik muna ako sa dorm magbibihis lang ako" paalam ni Eryell
"Gusto mo samahan ka namin?" Tanong ko sa kanya
"Ah hindi na mabilis lang ako pagkatapos kong magbihis babalik ako kaagad" sagot niya
"Okay basta bilisan mo ha tsaka magtext ka baka mahirapan kaming maghanap sa'yo eh" sabi ni Jo sa kanya na tinanguan naman niya at naglakad na paalis
"Beb? Eh? Nasaan na yun?" Tanong ko, bigla na lang kasi siyang nawala eh
"Ayun oh, nagwalk out" sabi ni Jo habang tinuturo si Beb na naglalakad na palayo samin
"Hindi man lang nagpaalam?" Tanong ko
"She did. Masyado nga lang kayong busy kaya hindi niyo napansin" sagot naman ni Kevin sakin
"Ah okay, sige tara Jo tayo na lang muna maggala" sabi ko at sinukbit ko ang kamay ko sa kamay ni Jo
"Okie" sagot ni Jo at naglakad na kami
"Hoy teka iiwan niyo kami dito?" Sigaw ni Glen
"Eh? Sasama pa rin kayo? Wala ba kayong ibang kaibigan?" Tanong ni Jo
"Hindi ba obvious?" Pamimilosopo naman ni Glen sa kanya
"Hindi eh" sagot naman ni Jo na ikinatawa ko pero sinamaan lang siya ng tingin ni Glen at sumunod na ng lakad samin
"Woah, Yhan try natin dali" sabi ni Jo paglapit namin sa isang stand kung saan itatapon mo yung maliit na hula hoop at dapat maishoot ito sa mga sticks na may mga 5 metro ang layo sa players. May limang chance ka para makakuha ng prize
"Ate, paano po makukuha yung malaking bear? Yun pong blue?" Tanong ni Jo na halos pumasok na sa loob ng stand at kunin na ang bear, hindi ko naman siya masisisi ang cute naman kasi nung teddy bear eh at sa pagkakakilala ko kay Joanna, mahilig 'yan sa mga ganyan
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...