*Dianne's POV*
Something's wrong with Joanna and Glen. They've become instant close to each other, is it because of the teddy bear or something else? Wait...why spokening in English ba?
"Waah yhan!!!!!" Sigaw ni Jo kaya agad ko naman siyang hinanap at ayun nakita ko siyang hinihila ni Glen papasok sa hunted house
"Waaaaahhhh ayoko!!!!! Yhaaaaannnn!!!!!" Ganyan po kaingay si Joanna
"Hahaha tara na!" Sabi ni Glen at hinila na si Jo papasok ng hunted house. Makailang minuto lang ay narinig ko na ang sigaw ni Jo
"Waaaaah!!!!"
"Aaaaahhh!!!!!"
"Mamaaaa!!!"
Ilan lamang 'yan sa mga sigaw ni Jo sa loob ng hunted house. Okay lang kasi sana kung kasama ako ni Jo sa loob kasi baka makayanan pa niya yung takot niya kaso hindi eh tsaka by pair lang talaga ang pwedeng pumasok sa loob kaya hindi ko na nasamahan si Jo sa loob.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay at pakikinig sa mga sigaw ni Jo ay nakalabas na rin sila
"Jo? Anong nangyari? Naiwan ba kaluluwa mo dun sa loob?" Tanong ko Kay Jo na namumutla at hindi nagsasalita
"Y-Y-Yhan...." Si Jo yan
"O? Bakit? Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. First time ko kasing makita si Jo na halos mamatay na sa takot kaya kinabahan na rin ako
"Huhuhuhuhu waaah yhan!!!" Siya po 'yan habang todo yakap sakin at nanginginig pa.
"Patay. Glen naman, ba't mo pa 'to sinama sa hunted house eh matatakutin 'to" sabi ko kay Glen na nagkakamot ng batok
"Sorry, hindi ko alam eh tsaka hindi naman nakakatakot yung hunted house" sagot naman niya
"Kung sa'yo hindi pwes kay Joanna, oo. Takot to sa lahat ng elemento, multo o ano mang aswang maliban na lang sa bampira" sabi ko sa kanya at agad naman akong nakaramdam ng isang hampas sa braso
"Aray!" Reklamo ko, ikaw kaya paluin
"*sniff* Tara na" sabi ni Jo habang pinapahid yung mga luha niya at naglakad na kaya agad naman akong sumunod
"Tsk tsk tsk mag-sorry ka" rinig ko pang sermon ni Kevin Kay Glen
"Jo? Okay ka na?" Tanong ko Kay Joanna na tinanguan naman niya
"Ang O.A ko ba kanina Yhan?" Tanong ni Jo habang nakayuko
"Well, medyo pero alam ko namang normal lang yun sa'yo eh pero di ba Jo sabi ko sa'yo harapin mo na 'yang takot mo" sabi ko sa kanya
"Oo nga pero biglaan naman yung kanina" sabi niya at ngumuso
"Hahaha sige na nga" sabi ko na lang at nilingkis ang kamay ko sa kamay niya at nagpatuloy na kami sa paglalakad
"Hala Yhan nasaan na sila Kevin?" Tanong ni Jo
"Ayun oh nakasunod pa rin satin" sabi ko habang turo-turo yung dalawang nagtatawanan sa likod
Amp...ang daya, kanina nung ako ang kasama mo hindi ka man lang ngumiti pero ngayon...psh
"Yhan!!! May live karaoke oh!" Turo ni Jo sa may karaoke sa gitna ng field
"O tapos?" Palusot ko sa kanya
"Kanta ka dali!" Sigaw niya at naghulog na dun ng pera at nagpipindot na ng numbers
Destiny
BINABASA MO ANG
Protecting Her
Action*Dianne's POV* Kahit kelan hindi sumagi sa isip ko na magiging target ako ng isang gwapong nilalang tapos magiging asawa ko siya at mag-kakaroon kami ng isang mala-fairy tale na kwento Pero siyempre charot lang yan kasi di talaga siya mala-fairy tal...